Clue 41: Playing Parents

820 38 0
                                    

John Alejandro is very tired. Laking pasasalamat niya at hindi gaano ang traffic. Alas diyes na siya nang umalis sa kanyang opisina. At dahil malapit na ang end ng accounting cycle, marami silang kailangang tapusin.


Buti na lang at pumayag si Evelyn na ito muna ang mag-alaga sa kanilang pamangkin. Kung wala ito ay hindi niya malalaman ang kanyang gagawin.


Pagdating niya sa kanyang condo unit ay mabilis siyang nagpalit ng damit pambahay. Kailangan niyang matulog kaagad para may pambawi siya ng lakas.


Pagkatapos magpalit ay dumiretso siya sa kanyang kama. Natigil siya nang madatnang may dalawang natutulog na nilalang sa kanyang kama. Dahil sa kanyang pagod, wala siyang nagawa kundi humiga na rin sa kanyang kama at matulog.


*****


"Ahhhhhhhh!"


Nagising si Alejandro dahil sa malakas na sigaw na feeling niya ay nakatutok sa kanyang tainga. He slowly opened his eyes and was greeted by the most beautiful morning face he had ever seen.


And that face is too shocked! Nakatitig ang mga mata nito sa kanyang mukha habang nakabukas ang bibig nito. Saka lang niya narealize na nakayakap pala ang kanyang kamay sa katawan ni Evelyn.


He rolled away instantly and faced the other side of the bed. Alam niyang ganoon din ang ginawa ni Evelyn. Nanatili sila sa ganoong posisyon. Walang gustong magsalita. Tanging ang mga likod lang nila ang nag-uusap and they both feel each other's heartbeat.


Alejandro uttered a silent thanksgiving when Troy entered the room.


"Tito, Tita, what is happening here? I heard Tita Evelyn screamed." inosenteng tanong ng bata.


Napilitang bumangon ang dalawa. Pareho silang nakaupo sa magkabilang edge ng kama.


"There's nothing wrong sweetheart." sagot ni Alejandro sa tanong ng bata. Naramdaman niyang hindi makapagsalita si Evelyn. "Why did you wake up so early?"


"Hindi ko rin alam tito. Sige po, balik na lang po ako sa aking pinapanood. I opened your TV Tito, you don't mind right?"


"Of course, I don't."


"Salamat Tito. Good morning po sa inyong dalawa." pagkasabi nun ay nagmamadaling lumabas sa kuwarto ang bata. Muli silang naiwan at wala namang nagsasalita.


Nang masulyapan niya ang dalaga ay napansin niyang nakatulala ito at nakatingin sa kawalan. Parang gusto niya tuloy tanungin kung ano ang iniisip nito.


"Ahmm, good morning."


Hindi ito sumagot bagkus ay tiningnan siya lamang nito. He wanted to ask kung bakit dito ito natulog.


"Sorry." tila wala sa loob na sabi ni Evelyn. "For spending the night here. Troy does not want to leave last night. We waited for you to arrive before I will leave. Pero nakatulugan namin ang paghihintay."


"Then, I should be the one saying sorry. Sorry for making you wait."


"Wala lang iyon sa akin. What are we going to do now with Troy? Ayaw niyang umalis dito. Pinilit ko siya kagabi pero ayaw pa rin niya. I guess sa iyo muna siya this week."


"Ok. Thanks for looking after him yesterday."


Tumango lang ang dalaga at basta na lang pumasok ng banyo. Lumabas siya ng kuwarto at nadatnan si Troy na nanonood ng telebisyon. Dumiretso siya sa kusina at doon na nagmumog.


He opened his ref to check kung ano ang puwedeng iluto. Napansin niya ang pagkain na nakalagay doon. He smiled. Nagluto pala si Evelyn kagabi. At magkakasya pa iyon para sa kanilang breakfast. All he has to do is to reheat the foods.


Kumain na rin silang tatlo. Pagkatapos ay sabay-sabay silang umalis ng condo ni Alejandro. Nagpaalam si Evelyn na uuwi na. Alejandro, on the other hand, brought Troy to his school before he went to work.


*****

Dahil busy pa rin si Alejandro sa kanyang trabaho ay tumawag siya sa kanilang bahay para may sumundo kay Troy sa school. May katulong naman siyang naatasan. Ibinilin niya dito na ididiretso nito ang bata sa kanyang condo.


Kaya ayun, maagang umuwi si Andro. Iniuwi na lang niya ang ilan sa kanyang mga paperworks.


Nadatnan niya si Troy at ang kanilang katulong na nanonood ng TV sa kanyang sala. He compensate the maid's efforts at pinabalik na rin ito sa kanilang bahay. Lumapit siya sa pamangkin at kinausap ito about school.


"Tito, kailan po babalik si Tita Evelyn dito?"


Natigilan si Alejandro sa tanong ng pamangkin.


"She's not coming here sweetheart."


"I want her here Tito."


"No Troy. Your Tita Evelyn is busy right now."


"But I want my Tita!"


Nagimbal si Alejandro. Nagsimulang magtantrums ang bata. Pinilit niyang i-explain dito ang arrangement nila nina Evelyn pero hindi maintindihan ni Troy.


"Ok sweetheart. I will call your Tita Evelyn and I will bring you to her tomorrow."


"Ayoko Tito! I want her now. Gusto ko kayong dalawa ang kasama ko."


"But sweetheart, that's impossible!"


"Bakit sina Mama at Papa? Pati sina Lola at Lolo. I used to sleep in between them."


Natigilan si Alejandro. Naintindihan niya ang gustong iparating ng bata. He is looking for his usual self. At malas nila ni Evelyn dahil sila ang napagdiskitahan nito.


"Ok." he resigned. "I will call your Tita but you are the one who will talk to her."


"Salamat Tito."


John Alejandro: STERNWhere stories live. Discover now