Unsent Letter 1

555 17 0
                                    


Kiefer,

Unang una sa lahat, sinulat ko to hindi para balikan mo ako kundi para malaman mo kung anong nararamdaman ko. Pero kung sakali namang bumalik ka, edi sige...


Nakakainis ka. Sobra. Hindi dahil sa mga ginawa mo, hindi rin dahil sa mga pinagsasasabi  mo, nakakainis ka kasi ikaw pa din e. Kahit pinagmuka mong ako yung may kasalanan, mahal pa din kita e. Kahit na lagi mo siyang kasama, kausap, mahal pa din kita e. Kahit kayo na, mahal pa din kita e. Oo na. Tanga na kung tanga, wala e, ikaw pa din talaga, mahal pa din talaga kita.


Sana man lang sinabi mo na iba na pala ang tipo mo. Akala ko ba ang gusto mo e yung mestiza at short hair? Edi sana nagpa-itim na lang ako at nagpahaba ng buhok. Akala ko ba yung gusto mo e yung taga-bulacan? Edi sana lumipat na lang ako sa batangas. Ang daming akala, puro akala. Akala ko nga ako lang, hindi pala.

Bakit nga ba? Alam mo ilang beses ko na tong tinatanong sa sarili ko. Bakit nga ba? Bakit nga ba nag-iba? Bakit nga ba hindi na ako? Bakit nga ba ikaw pa din? Bakit nga ba mahal pa din kita? Dapat itigil ko na to e. Ilang beses na din nila akong sinabihan na "tama na" pero wala e, lahat naman nagiging tanga pag nagmamahal diba? Pero sayo lang ako naging ganito ka-tanga.

Hindi ko na nga alam e. Ano bang meron sayo? Hindi ka naman sobrang gwapo at lalong hindi ka naman macho. Hindi ka din naman matangkad at ang itim itim mo pa. Kung tutuusin nga marami jan na mas gwapo, macho, matangkad at maputi sayo pero wala namang mata ang puso ko kaya

ikaw pa din ang tinitibok nito.

Oo nga, ikaw pa din. Pero kahit naman sabihin kong ikaw pa din, alam kong hindi na ako. Hindi na ako yung magte-text sayo ng 'good morning' o 'goodnight.' Hindi na ako yung mangungulit sayo pag wala akong magawa. Hindi na ako yung ibu- bully mo. Hindi na ako yung magsasabi sayo ng 'mahal kita' at lalong hindi na ako yung mahal mo.





Masakit pala. Masakit pa din pala hanggang ngayon. Dapat nga naka-move on na ko e, tapos na yung 3-month rule diba? Ilang buwan na ba? Anim? Pito? Walo? Dapat masaya na din ako e, pero pinili ko to. Pinili kong magpaka-tanga at umasa na isang araw magkakaron ng himala tapos tangayin ka ng hangin pabalik sakin.




Ano bang pinanghahawakan ko? Wala naman e. Baka lang naman kasi may natitira pang 'ako' jan sa puso mo. Baka lang naman. Paki-hanap naman oh. Hirap na hirap na kasi ako. Ang hirap isipin na yung mga ala-ala natin na lang ang iniwan mo sakin. May pa-couple shirt -couple shirt ka pa at couple shoes, meron pang bedsheet at unan, iiwan mo din pala ako. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng to edi sana hindi na pala kita sinagot. Sana hindi na kita pinansin. Sana hindi na kita minahal. Pero sino bang nakaka-alam kung anong mangyayari? Wala.




Hinding hindi ko pinagsisihang minahal kita. Dahil nung mga panahong kailangan ko ng kausap, nandyan ka. Nung mga
panahong nalulungkot ako, nandyan ka. Nung mga panahong gustong gusto ko nang sumuko, nandyan ka. E ngayon, nasaan ka na?



Nasaan ka nung mga panahong hinang hina na ako dahil hindi ko na kaya at hindi ko na maintindihan ang lahat? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng yakap at halik para maalis ang hapdi at sakit? Wala. Siguro nung mga panahong yun, kausap mo siya, kayakap mo siya. Paano naman ako? Naiisip mo kaya ako tuwing pumupunta ka sa paborito nating kainan? Naiisip mo kaya ako tuwing alas-sais ng umaga dahil alam mong oras na para gisingin mo ako sa pamamagitan ng pagtawag mo sakin? Naiisip mo kaya ako tuwing sinusuot mo yung paborito mong sapatos dahil nandun yung paborito nating numero? Naiisip mo kaya ako? Naiisip mo pa kaya ako?


Miss na miss na kita. Sana naman kahit papano ay nami-miss mo din ako. Pwede mo naman akong ma-miss,pwedeng pwede. Kaya lang baka magalit siya.


Ayoko ng pahabain to at baka hindi na makarating sayo dahil basang- basa na ng mga luha ko. Sana ay lagi kang masaya, sana masaya ka sa kanya. Sana  mahalin ka niya higit pa sa pagmamahal na binigay ko pero alam kong walang ibang mas hihigit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo. Sana wag mo siyang iwan gaya ng pag-iwan mo sakin. Pero kung iiwan mo siya dahil sakin, edi sige ulit...





Pero lagi mong tatandaan na nandito ako, naghihintay sa tadhana na ibabalik ka sa akin at sana ang lahat ng 'sana' ay maging totoo na. At pag dumating ang araw na yon at kumatok ka sa pintuan ko hinding
hindi ako magdadalawang-isip na papasukin, tanggapin at mas mahalin ka
p

a.


PS. Ako na lang ulit please?

Nagmamahal at patuloy na umaasa,
Mika

    

Pagong StoriesWhere stories live. Discover now