Ti voglio molto bene (boyxboy)

29K 228 28
                                    

Masaya ako habang pinapanuod kitang kumakanta sa stage. Alam kong isa yan sa mga nagpapasaya sa iyo. Ang galing mo nga, ang dami rin ng mga taong humahanga sa boses mo. May natatangi kang galing sa pagkanta simula nung bata ka pa.

Siguro, kung nabigyan ka lang ng pagkakataon, malamang isa ka na sa mga tinitiliang singer sa panahon mo. Gwapo ka Miggy, maganda ang mga mata at matangos ang ilong. Nahahawig ka kay Paolo Avelino. Hindi kalakihan ang katawan mo pero tama lang sa height mong 5'9, lean ika nga. Aminado akong hindi ganoon kataas ang bilib mo sa iyong sarili pero habang pinagmamasdan kita ng matagal, grabe Miggy, nag - uumapaw ka sa sex appeal. Nakamamatay ang mga ngiti mo na parang matutunaw ang bawat babae at lalaking mangitian mo. Isa ba yan sa pamantayan ng course mong Dentistry?

Hindi nila aakalaing miyembro ka ng sangkabadingan dahil sa natural mong kilos lalake. Hindi mo rin naman kasi nakagawiang maging malamya tulad ng iba. Sabagay, hindi rin bagay ang malamyang kilos sa matikas mong pangalan, Marco Miguel Valdez (O diba ang macho ng peg!) . Natitiyak kong mataas ang mararating mo pagdating sa kantahan.

Yun nga lang, ni hindi mo naisipang sumali sa mga singing contest para ipamalas yan. Hindi ka kasi naniniwala sa kompetisyon. Sabagay, kanya-kanyang trip yan. Sabi nga nila, walang basagan ng trip. Mas gusto mo lang kumanta sa mga bar, videoke , at sa maliliit na okasyon. Pero sa bawat kanta mo, alam ko binibigay mo ang lahat. Passion mo yan. Ngayon, habang inaawit mo ang isa sa mga paboritong kanta ko , dama ko na masaya ka. Pero para kanino nga ba 'yang kinakanta mo? Para sa akin ba? hehehe

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1

5:30am-Lunes

Simula na naman ng isang linggong pakikibaka sa University. Nakagawian mo nang magdasal pagbangon mo pa lang. Daily routine mo na rin ang mag sit ups ng kaunti pagkatapos ay push ups hanggang pawisan. Alam mong ito lang ang paraan upang hindi ka na bumalik sa dati mong itsura at timbang na 210lbs. Oo, simula elementary hanggang 2nd year college, mataba at maitim ka. Nasa lahi nyo na rin siguro at dahil malakas ka rin naman talagang kumain. Simula nang tumuntong ka ng 2nd year College, nag dorm ka na at nagsimulang mag diet. Isinabay mo pa rito ang paggamit ng pampaputing lotion at sabon. Regular yan bago pumasok at bago matulog sa gabi. Nagawa mong mag diet dahil bukod na rin sa sumabay ang stress ng Anatomy and Physiology subjects mo nuon, mag isa ka lang sa room mo at wala ka laging kasabay kumain. Mas gusto mo pang mag review ng mga subjects mo. Hindi ka rin naman papagalitan ng nanay mo kapag hindi ka kumain dahil ikaw nga lang mag isa. Dahil sa ginawa mong yun dati, naisakatuparan mo ang iyong pangarap na magbawas ng timbang. Lumabas lalo ang kagwapuhan mo simula ng magpapayat ka. Nagkaroon ka ng mga tagahanga dahil sa bago mong anyo. Nadala mo ang lahat ng routine na yun hanggang sa ngayon. Kaya mas lalo ka pang naging habulin. Anupat lalo ka pang gwumapo sa puti mong uniporme.

Pagdating sa University, mas maaga ka ng isang oras para sa una mong klase. 7:30 pa ang una mong klase pero 6:30 pa lang ay nasa School ka na. Mas gusto mo yun dahil ayaw mong nale-late. Gusto mong alam mong lahat ang mangyayari bago magsimula ang klase, ayaw mong may namimiss. Kumain ka muna ng egg sandwich sa canteen at pineapple juice. Yun na ang pinaka breakfast mo dahil nga wala namang magluluto sa'yo sa apartment mo.

At nagsimula na nga ang klase. As usual, katabi mo sa upuan ang pinakamalapit mong kaibigan, si France Tolentino. S'ya na ang pinaka bestfriend mo simula pa nung 2nd yr ka pa lang. May itsura din ang bestfriend mo pero di hamak na mas lamang ka ng limang paligo. Fashionista lang talaga sya kaya malakas din ang dating. Nadadala ng porma. Payat lang sya hindi kagaya mo. Naka braces at hindi kaputian. Natural , hindi kayo magkakasundo kundi rin sya tulad mong bading. Oo, bading din sya pero di gaya mong tahimik lang, out and loud sya. Alam ng halos buong batch nyo ang nangyayari sa kanya dahil s'ya lang naman ang Presidente ng Student Council nyo. Galawgaw syang kumilos pero laking mayaman naman. Sadyang proud lang talaga sya sa sarili nya. May ipagmamalaki naman dahil matalino sya at ma-PR. Pero aminado sya na nakakaramdam sya ng insecurities kapag kasama ka, dahil alam nya na mas tinitingnan ka ng tao kaysa sa kanya. Pero dahil nga mag bestfriend kayo, balewala na lang din sa kanya yun. S'ya ang nagturo sa yo kung paano pumorma dahil nga laking probinsya ka, wala ka talagang alam sa uso. Hindi mo rin naman nagustuhang alamin pa dahil nga mababa ang self-esteem mo. Dala na rin siguro ng katabaan mo dati. At dahil nga may pag ka closet ka, sya rin ang nagturo sayo ng gay linggos at kung anu-ano pang pagkamulat sa pagiging bisexual. Sa kanya mo lang inilalabas ang tunay na ikaw--ikaw na minsan ding malambot.

Ti voglio molto bene (boyxboy) m2m BLOnde histórias criam vida. Descubra agora