Chapter 21: Holiday Confrontation

2.9K 66 8
                                    

Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko ijo?, tanong ni Clara kay Dave

Ah opo tita, mga ilang buwan na din po., sabi ni Dave sabay ngiti.

Saan ba kayo nagkakilala ni Miggy?, usisa ni Clara habang kumakain kayo ng Lunch sa isang restorant.

Ah.., sa may UST chapel po.,nung isang beses na nagkasabay kaming magsimba., sagot ni Dave.

Napatingin ka bigla kay Dave. Iyon pala yung alam nyang unang meet nyo? tanong mo sa sarili

Hinde Mommy, sa Taxi kami una nagkasabay. Maulan kasi nuon , eh pareho po kami ng way, kaya isinabay na nya ako., sabat mo sa usapan nila

Ay oo nga po pala.,! haha Tagal na rin kasi nuon, pag alala naman ni Dave.

Ahh o sige, kain lang ng kain. At mamimili pa tayo mamaya ng pang Noche Buena., ayaw kong sumabay sa karamihan sa mga susunod na araw, sabi ni Clara

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bandang hapon na kayo nakauwi ng bahay. Nag paalam si Jessica sa mommy mo kung pwede kayong uminom ngayong gabi. Pumayag naman ito. Siya pa nga ang nagluto ng pulutan ninyong tokwa't baboy. Pero hindi naman sya nakipag inuman sa inyo dahil manunuod daw sya ng paborito nyang TV series. Sa labas kayo nag-inuman. As usual, hindi mawawala ang ihaw-ihaw. Ganun naman sa Bulacan lalo na twing malapit nang magpasko. Kabi-kabila ang inuman sa kapitbahay. Ang iba ay may videoke pa kaya maingay talaga ang paligid. Nasa kalagitnaan kayo ng inuman at kwentuhan nang biglang lumabas ang mommy mo.

Huwag kayong magpakalasing masyado ah. Tapusin nyo din yan maya-maya at magsisimba pa tayo bukas ng 4am., paalala ng mommy mo.

Opo Tita, konti lang naman po ito. Saka magdadrive pa po si Dave, sabi ni Ate jess.

Naku ijo, uuwi ka pa nyan ng Maynila?, Gabi na. Dito ka na magpalipas ng gabi. Linggo naman bukas. Delikado na rin bumyahe., sabi ng mommy mo.

Okay lang po, hindi naman po ako lasing tita., si Dave.

Hay naku, hwag nang makulit. Dito ka na matulog. Dun ka na lang sa kwarto ni Miguel matulog. Ipapalabas ko na lang yung air bed kay manang para tig isa kayo ng kama., pagpumilit ng mommy mo.

Nangiti ka naman ng palihim sa sinabi ng mommy mo Miggy. At least, magkakatabi na naman kayo ni Dave sa pagtulog. Namiss nyo talaga iyon.

Sige po Mommy, ako na pong bahala kay Dave, sabi mo at pumasok na ang mommy mo.

Sabay-sabay kayong lihim na napatili nina Jess at Dave dahil sa narinig. Tinapos ninyo ng maaga ang inuman dahil alas tres pa kayo ng umaga gigising para sa simbang gabi bukas. Pumasok na kayo ni Dave ng kwarto at kinuha mo agad ang air pump para sa air bed mo. Talagang sinadya mo pang ipinarinig hanggang sa kwarto ng mommy mo ang motor ng air pump para hindi nya isipin na magkatabi kayong matutulog. (Paranoid lang? Defensive?!). Nang biglang pumasok ang mommy mo sa kwarto..

O Miggy, eto pa ang extrang unan at kumot para kay Dave., sabi ng mommy mo.

Salamat po Tita, sabi naman ni Dave ng nakangiti.

Dito na lang sya sa airbed., malikot matulog yan eh, hehe, biro mo naman.

O sige, Good night sa inyo. Mag alarm kayo ng maaga ah. Magsisimba tayo. ,paalala ng mommy mo at nagpaalam na.

Ti voglio molto bene (boyxboy) m2m BLWhere stories live. Discover now