FACEBOOK X: Untag

656 15 1
                                    


 Lumabas ng bahay si Olivia upang itapon sa basurahan ang mga naipong basura mula sa kanilang kusina. Isinara niya ang pinto at saka humakbang palapit sa basurahan. Binuksan niya ito at ipinasok ang dala-dalang supot na puno ng mga pinagbalatan ng gulay.

Muli niyang isinara ang basurahan ngunit pagtalikod niya, isang taong nakaitim ang bumungad sa kanya, hindi na niya nagawa pang sumigaw at humingi ng tulong dahil huli na ang lahat... Isang matalim na bagay ang tumusok sa kanyang lalamunan na naging sanhi ng pagtagas ng mapula at sariwang mga dugo.

Matapos nun, bumagsak siya sa damuhan nang bukas ang mga mata. Ang mukha ni Olivia ay puno ng pagkagulat... Kaawa-awa...

Marahang naglakad ang killer at binuksan ang pinto saka pumasok sa loob ng bahay. Doon nanonood ng balita sa telebisyon ang padre de pamilyang si William.

Inilabas ng lalake ang dalang itak at saka pinagtataga ang nakatalikod na si William. Sunud-sunod ang tama ng matalim na itak sa katawan ng biktima na walang kamalay-malay...

"Ahhhhh!!!" sigaw ng bata ang nagpahinto sa pagtataga. Isang batang lalake, ang apat na taong gulang na si Noah. Nakatayo lang ito sa ibaba ng hagdan habang pinapanuod ang ginawang pagpaslang sa kanyang ama.

Lumapit ang lalake kay Noah at walang awang sinaksak niya ito ng hawak na itak... Kumalat sa sahig ang dugo ng mag-ama.

Umakyat ang lalake at isa-isang binuksan ang mga kwarto hanggang sa mabuksan niya ang silid kung saan mahimbing na natutulog ang sampung-taong gulang na si Caroline.

Kagaya ng mga naunang miyembro ng pamilya, pinagsasaksak din niya ito hanggang sa mamatay.

Napakatahimik ng naganap na pagpaslang sa buong pamilya. Lumabas ito nang bahay na para bang walang nangyari.

*****

Napakasalimuot ng hanging dumampi sa balat ni Madisson habang naglalakad pauwi. Ni hindi man lang niya inisip kung ano ang bubungad sa kanya pag-uwi.

Nagtaka siya kung bakit bukas pa ang pinto ng bahay. Dati-rati naman ay nakasara na ito pasado alas-siyete pa lang ngunit alasnuebe na ay nakabukas pa rin ito. Hindi niya napansin ang bangkay ng ina na nasa tabi ng basurahan.

Pumasok siya sa loob ng bahay at laking gulat sa nakita! Duguang nakahandusay sa sahig sina William at Noah... Halos madurog ang kanyang puso sa nakita. Malalaking butil ng luha ang biglang umagos sa kanyang pisngi.

"Dad! Noah!!" Inikot niya ang buong bahay ngunit hindi nakita ang ina. Lumabas siya at doon naulinigan ang malamig na bangkay sa damuhang katabi ng basurahan!

Muli siyang pumasok sa loob at umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Una niyang pinasok ang kwarto ng kapatid na si Caroline... Nanibugho siya sa sinapit ng kanyang pamilya...

10:03pm

Napakaraming pulis ang agad na rumonda sa kanilang bahay matapos siyang tumawag. Pinaimbestigahan niya ang nangyaring insidente.

"Mukhang mahihirapan po tayong hanapin ang suspek lalo na't wala namang kaaway ang inyong pamilya." giit ng isang pulis na nagngangalang SPO1 Police Officer Steve Valerio.

"Yun nga po eh, pero sana gawin niyo po lahat ng makakaya niyo para malaman kung sino man iyon. Please? Nagmamakaawa po ako sa inyo."

"Opo miss, trabaho po naming imbestigahan ang nangyari sa inyong pamilya"

"salamat po."

Kinuha ni Steve ang phone number nya upang may matawagan kung sakaling may mahanap na ebidensya.

TresWhere stories live. Discover now