NARIRITO SILA: REC00024

277 6 0
                                    

 Interviewer: "Anong karanasan yun? Pwede mo bang ikwento sa akin?"

Respondent: "Ganito po kasi yun. Tanghaling tapat, nasa palengke ako para bumili ng ulam. Syempre may dala akong payong kasi napakainit talaga sa pakiramdam kasi napakataas ng sikat ng araw. Nung naglalakad ako, napansin ko yung mga tao na nakapayong din pero nagtaka ako kung bakit may mga batang nakasuot ng kapote... Obvious naman po diba? ang-init-init tapos may magkakapote tsaka meron pa pala! May nakajacket pa samantalang ako ay puro pawis na sa tindi ng sikat ng araw..."

Interviewer: "Then?"

Respondent: "T-tapos biglang parang may humila ng payong ko. As in, wala namang tao dun malapit sakin eh. Parang may kung anong hindi ko nakikita ang humihila sa payong ko hanggang sa biglang uminit yung hawakan kaya napabitaw ako dun. Nung nabitawan ko na, naramdaman kong may pumapatak na tubig sa akin. Nagdilim yung paligid tapos umulan bigla... Kinwento ko yun sa mama ko pero ang sabi niya, maghapon daw ang malakas na ulan nung araw na yun..."

Interviewer: "Whoa... Seryoso? Mukhang kakaibang experience yun ah."

Respondent: "Kaya nga po eh."

Interviewer: "May sasabihin ka pa ba?"

Respondent: "Meron pa po... Nung gabi... isang linggo pa lang yun matapos mangyari eh... Gumagawa ako ng kwento sa wattpad nun... Ako na lang ang gising... Mga 10:40pm yata yun... Habang nagtatype ako sa PC, iba yung lumalabas na letter sa screen... Ang tina-type ko nun ay 'Kinikilig ako kapag nakatingin siya sa akin' pero ang lumalabas sa screen, 'Kinikilabutan ako kapag alam kong may tumititig sa akin'... Naninindig yung balahibo ko ngayon... Hindi ko alam kung sino ang tumititig sa akin... Parang feeling ko, parating may nakatingin sa akin at pinagmamasdan yung bawat galaw ko. Natatakot ako ma'am..."

Interviewer: "Huwag kang matakot. Kasama mo ako dito tsaka may mga guwardya sa labas para bantayan tayo okay?"

Respondent: "Pero parang, parang hindi nila kaya yung mga yun."

Sinong yun ang tinutukoy ni Sonia?

Interviewer: "Magdasal na lang tayo"

Respondent: "Opo."


TresWhere stories live. Discover now