CHAPTER TWELVE: FRIENDSHIP

3.6K 119 6
                                    

Tiara's Pov

Nagising ako ng mag alarm ang bell ng school. Rest day kasi namin pero dapat maaga pa ring gumising para makapag agahan. Inaantok pa nga ako eh..

Pumasok na ako ng  banyo para maligo. Hayy parang ayaw kong kumain inaantok pa kasi ako. Nakabalik kasi kami dito sa dorm mga 2 am na at hindi naman ako agad nakatulog dahil inaalala ko yung napag usapan namin ni Maki. Pumunta kasi siya sa kwarto ko  pagkatapos niyang mag bihis.

FLASHBACK

Tiara tawag niya sa akin ng makapasok siya

Oh.. Maki bakit?? Ako habang nag bibihis

Um. Pwede ba kitang makausap tungkol dun sa ano um..  siya

Huh?? Sa alin?? Sabihin mo na okay lang. Ano yun?? Ako at umupo sa bed ko

Tungkol dun sa pag alis niyo dito sa school the day after tomorrow.~ hindi ko siya pinatapos at dahil sa gulat ko ay napatayo ako

Pa-paano mo nalaman yan?? Ako

Hmm ngumiti siya alam mo hindi niyo naman dapat nilihim sa akin ang bagay na yun eh.. naiintindihan ko naman saka mission yun dapat yun ang unahin niyo.. wag niyo na akong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko eh at isa pa andito lang naman ako sa school maghihintay sa inyo kahit gaano pa katagal yan. Alam kong mahirap pero masasanay din naman ako eh kaya pakiusap ko sana Ituloy niyo ang mission na yun na hindi niyo ako iniisip magagawa mo ba yun Tiara?? Siya

P-pero Maki..she stop me again

Okay yun lang ang gusto kong sabihin sige.. isasarado na niya sana pinto pero sumilip ulit siya  at saka nga pala nalaman ko yun dito the night before the ball narining ko kayong na uusap eh. At wag mo sanang sabihin yun kina Cha at sa kambal. Sige night.
At tuluyan na niyang isinarado ang pinto.

END OF FLASHBACK

So yun nga. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ng mga kaibigan ko lalo na si Maki pero kailangan talaga naming gawin to.

Hayyy... ang hirap naman ng ganito.. sabi ko sabay subsob sa tubig

Eh?? Anong problema Tiara-rin? Umm iniisip mo pa rin ba si Maki?? Airi

Um hindi ko kasi alam kong ano ang gagawin ko. Gusto kong gawin yung mission namin pero inaalala ko naman yung mga kasama ko. Ayaw kasi nilang iwan si Maki eh. Hayy

Bakit di niyo pag usapan yan??

Ginawa na namin.. nakikinig naman sila kaso nag dadalawang isip pa rin sila eh.

Hmm kung hindi lang sana nawala ang alaala ni Maki at si Rain siguro hindi kayo mamomoblema ng ganyan.

Haayyy... natigilan ako ng may maisip ako bigla kaya nagmadali akong umahon at nagbihis tapos lumabas ng kwarto.

Maki's Pov

Hindi na ako natulog pagkatapos kong kausapin si Tiara. Hinintay ko lang ang oras bago ako nag punta sa kwarto ni Mr. Santos para kausapin siya. Mabuti nga at gising na rin siya ng dumating ako. At ngayon pabalik na ako sa dorm dahil baka hinahanap nila ako.

Maki ang aga mo ah. San ka galing?? Allisa

Huh?? Ah wala naglakad lakad lang sa labas kayo? Ako

Um hinihintay si Tiara para makakain na tayo ng agahan hehehe  Alyssa

Ahh bakit wala pa ba?? Ako

ACE ACADEMYWhere stories live. Discover now