CHAPTER 50: FEELINGS

1.5K 46 25
                                    

3rd person POV

Nasa loob na ng katawan ni Maki ang ace spirit ni Tiara na si Airi.  Naglakbay sa loob si Airi habang nakikita niyang unti unting nag lalaho ang mga memoryang andun si Maki.  Kaya nagmadali si Airi sa paghahanap sa kanya dahil alam niyang ang espirito ni Maki ay nasa loob lamang nga katawan niya.

Maraming napag daanan si Airi bago siya makakita ng isang napakalawak at napakagandang tanawin na punong puno ng nga bulaklak at ilog sa unahan..  Nag masid si Airi habang naroroon saka niya nakita ang isang grupo na naka upo malapit sa Napakalaking Puno at naaninag niya ang isang pamilyar na tao.

Tumakbo siya papalapit dun at tunay ngang nahanap niya na rin ang taong pakay niya.

"Maki" Sabi ni Airi pero mukhang hindi siya nito marinig. 

"Maki!!! " Mas nilakasan na niya ang boses pero sadyang wala pa rin itong naririnig.. 

" MAAAAKKIIII!!!! " Napakalakas na sigaw nito pero hindi pa rin ito lumingon sa kanya. Pero nilingon siya ng mga kasama ni Maki na malungkot ang mga Mata.

"Hindi mo makakausap si Maki..  Hindi ka na niya maririnig..  Unti unti na siyang kinakain ng kadiliman.  Were supposed to help her but hindi na niya kami naririnig. " sabi ni Em ang isa sa real replication ni Maki.

Saka dun lang napatanto ni Airi na ang mga taong kausap ni Maki ay ang mga replication at ang ibang spirit na mayroon si Maki na sina Em,  Kie,  Ria,  Meg,  Frost, Em,  Thea,  Light at si Dark.

"Airi your not supposedly to come in here..  Nilalagay mo lang sa panganib ang spiriter mo.  Kapag tuluyan ng makain si Maki ng Kadiliman hinding hindi ka na makakabalik sa katawan ni Tiara at ang mas worst Mamamatay siya. " sabi naman ni Dark

"Alam ko..  Pero alam ko rin na maliligtas natin si Maki.  Kaya dapat magtulungan tayo. Hindi ko man alam kung pano pero malakas ang loob ko na maililigtas natin si Maki.  " sagot naman ni Airi

Natigilan sila ng biglang may maitim na animo usok ang lumabas sa katawan ni Maki. 

"No... Hindi pwede to...  Maki is in the state on accepting the evil... We need to do something now or else- Naputol ang sasabihin ni Thea ng may maramdaman silang tatlong enerhiyang papasok sa katawan ni Maki. 

Samantala sa conference  room kung saan nag pupulong ang mga Board members kasama ang mga estudyanteng pinatawag para sa paghahanda sa digmaan.

CHARICE POV

Nagsimula na ang pag pupulong ng dumating ang mga Board members pero wala pa si Ms.  Yell.

Habang nakikinig walang ibang mga salita ang pumapasok sa loob ng tenga ko kundi blah blah blah blah.  Kanina pa talaga ako hindi mapakali..  Hindi ko alam kung ano ang problema ko pero para talagang may taong importante.

" So yun nga students,.. Sasabihin ko sa inyu na ang estudyanteng may hawak sa pinakamalakas ng Ace spirit ay nasa ilalim ng mahimbing na pagkakatulog dahil nga nakuha ng evil spirit ang kanyang Ace spirit.  Si Ms. Santillan ay  under  observation kaya dapat tayong maghanda sa papalapit na digmaan at para mabawi natin ang Pinakamalakas na Ace spirit na si Princess Ace. Mrs.  Douglas

Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan yung saka automatikong kumilos ang katawan ko saka tuMakbo palabas pero hindi ko alam kung saan ako patungo.  Rinig ko pa ang tawag sa akin ng mga tao sa loob at alam kong sinundan ako. Ng kambal.

"Oi oi..  Cha..  Ano ba..  Bakit ba bigla ka nalang tumakbo.. Ano bang problema mo?  Haahy.. "Sigaw ni Allisa na alam kong napagod din sa kakahabol sa akin.

ACE ACADEMYWhere stories live. Discover now