PROLOGUE: Red Box

3 1 0
                                    

>(^___^)<

Kuya, pahiram naman ng t-shirt mo... diretso talon sa kama nya.

Nakaharap sa laptop si Kuya, busy na naman sa paglalaro ng Dota. Hindi na tumayo buong hapon, kaya 'on fire' na naman si Mama.

Na naman? Nakailang hiram ka na, hindi mo pa nasasauli yung iba! ...patuloy sa pagpindut-pindot ni kuya sa laptop. Hinding-hindi ko talaga maintindihan ang nilalaro nya.

Sigi na, ngayon lang ulit. Nagmamakaawa kong tingin sa kanya kahit alam kong hindi nya naman mapapansin.

Walang lingun-lingon... Ikaw talagang bata ka, hindi ka na natuto. Alam mong ayaw ni Mama 'yang ginagawa mo.

Hindi n'ya naman malalaman kung hindi mo sasabihin.

Paanong di n'ya malalaman, alam n'ya kaya kung ano mga damit ko sa damit mo. Wala ka na bang ibang damit at lagi na lang ang hiram mo sa akin? Ikaw talagang bata ka, hindi na natuto. ...kumuha ako ng papel sa ibabaw ng desk nya at ballpen sa side table nya. Saan na naman ba ang lakad? Gabi na ah? Alam ba yan ni Mama? Sino kasama mo? Wala ka bang pasok bukas? Yung mga assignments mo, tapos mo na ba? Yung uniform mo, naplantsa mo na?

HEP! HEP! HEP! Taympers Kuya... Pakiulit nga mula umpisa hindi ko naisulat lahat ng tanong mo, hindi ko alam kung ano unang sasagutin. HAHAHAHAHAHAHA!

Lang'ya ka talagang bata ka, niloloko mo ako... iiling-iling na ulo nya.

Kuya, Friday po kaya ngayon? Tsaka, hindi pa naman ganun kagabi. Sa mga Villanueva ako pupunta, birthday ni Lea. Ikaw ba, hindi ka ba pupunta? Alam mo, hindi mo kailan man malalaman ang araw at oras dahil nakatutok ka dyan sa nilalaro mo. ..blehhh! Ang sarap talaga magpagulung-gulong dito sa kama ni kuya...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remnants of the Past: One of the boys...Where stories live. Discover now