21: Lucy

6K 144 83
                                    

Today was such an amazing day, hindi ko makakalimutan ang araw na to. And I thank God for this happiness na nararamdaman ko ngayon. Ang saya ko talaga.

Nakasama ko ang mga importanteng tao sa buhay ko ngayong araw na to. And yes, that includes William.

Kanina nung dinala nya ko sa soccer field hindi talaga ako naging komportable, nakakahiya pa dahil ang tanda tanda ko na iniyakan ko pa ang isang pangyayari sa buhay ko noong bata pa ko. Kasi naman, dahil sa nangyaring yun ay ayoko nang makakita at makapunta sa kahit na saang soccer field.

Pero kanina, matapos kong sabihin ang tungkol doon kay William, kinomfort nya ko. At ang nagpagaan ng kalooban ko ay noong hinalikan nya ko sa noo. Sa halik na yun parang tinganggal nya ang pagaalalang nararamdaman ko and with that I felt something, hnd ko maexplain kung ano pero that time ang lakas lakas talaga ng pintig ng puso ko.

At ang sumunod na nangyari? Naging estudyante nya talaga ko. Infairness ang seryoso nya bilang isang coach at aaminin kong lalo syang gumwapo dun.

Ang sarap talaga nyang pagmasdan. Sana dala ko ang DSLR camera ko kaya lang hindi ko rin sya pwedeng picturan dahil nagtuturo sya at bawal din daw magdala ng cellphone. Ang strict nya ah, eh kaming dalawa lang kanina sa field.

May pagkakataon kanina na niloloko ko ang paglalaro at ang ginagawa ko ay hinahawakan ko ang bola gamit ang kamay ko at pagkatapos ihahagis ko ito sa goal. Tapos kunwari naka goal na ko, sasayaw sayaw pa ko kanina habang sya naka pameywang na parang nanay na galit na pagsasabihan ang anak. Pero hindi naman talaga sya galit, natatawa pa sya sakin siguro dahil ang kulit ko din. Napaka seryoso kasi nya kanina habang nagtuturo at isa pa,  naisip ko na I let go muna ang mga isipin ko magmula kanina sa byahe namin. Masyado akong nagiisip bakit hindi ko na muna i-enjoy ang moment na to kasama sya dba?

Pero infairness sa knya, talagang dumidiskarte sya sa mga moves nya eh! May mga pagkakataon kanina na npapayakap sya sakin, ako din sa knya. Minsan naman hihinto sya tapos tititigan ako. Hindi ko tuloy maiwasang ma conscious dahil pawis na pawis na din ako.

Hay William, ibang klase ka talaga.

Pero ang saya saya ko kanina. Hindi pa ko makamove- on. Mauulit pa kaya ang mga gnung pagkakataon? Sana oo kasi, kasi uuuugh!

Napayakap ako sa unan ko.

Naalala ko na naman kanina na kahit pawisan sya ang bango pa din nya. May ganon pala talaga? His masculine scent is just... Nevermind. Baka san pa mapunta to basta masaya akong nakasama ko sya ngayong araw na to.

Bago matulog, i checked my planner kung ano ba gagawin ko bukas. Tapos na ang weekend kaya naman back to work na pero kahit ganun pa man, I'll try to make time for him now, tutal naman we are officially dating. Hindi naman siguro masama na gawin yun dba?

...

Today is work day ulit, at talagang naging busy ako kaninang umaga. Ang daming nagpunta kanina sa studio, hindi ko alam kung anong meron, minsan naman wala. Kung kelan kailangan ko ng time dun pa wala. Hindi ko pa narereplyan si William sa mga txts nya magmula kaninang umaga. Baka magtampo na sya, wait, tampo agad? Hmmm matampuhin kaya si William? I wonder.

Kung kaninang umaga napaka busy ng studio, pagdating ng hapon naman wala ng tao. Siguro naman kaya na ng mga staff ko dito ang trabaho kung sakali dba? Pwede ko bang puntahan muna si William sa office nila? Bisitahin ko lang naman.

Namimiss ko na sya eh.

Wait...

What?

Omg, i miss him.

...

Hours later, i found myself at the grocery store. Naisip ko kasi na magdala ng something sa office nila William. At dahil may pagka- athletic pala sya, ipagdadala ko nalang sya ng prutas.

Ano kaya ang paboritong prutas nun?

Apple? Banana? Strawberry? Mango? Watermelon? Kiwi? Melon? Pineapply? Orange? Grapes? Lemon? Dalandan?

Bilhin ko nalang kaya lahat ng klase ng prutas dito para sure?

...

Nakarating ako sa office nila na halos wala ng tao, pauwi narin ang ibang empleyado nila. Naku, baka pala sya pauwi na, ede sayang naman pala yung pagpunta ko.

Bakit naman kasi ang tagal ko kanina sa grocery, talagang binili ko pa lahat? Ayan tuloy, nahuli ako.

"Excuse me, may I help you Ma'am?" Pag approach sa akin ng isang empleyado nila.

" I'm Lucy. Ahmmm is William still in the office?

"Ma'am Lucy? Wow, kayo po pala yun, totoong ang ganda nyo nga!"

Sabi nya sakin, anong ibig nyang sabihin ako pala si Lucy? Bukod ba sa partnership ng mga company namin, ano pa ba ang pagkakakilala ng mga tao dito sakin.

At ako maganda? Well, lahat naman tayo maganda dahil walang ginawang pangit ang Panginoon.

"Si Sir William po nasa office pa po nya, may tinatapos pa pong report, pero alam ko tapos na yun, nagpapahinga na lang ata. Sige po puntahan nyo nalang po, for sure matutuwa yun" Dagdag nya.

"Okay." Medyo awkward na sagot ko sa knya.

Naging busy yata sila today, mukhang hindi pa yata maganda ang timing ng pagpunta ko sa office nya.

Pagsakay ko ng elevator, nakaramdam naman ako ng kaba. Ano ba naman yan Lucy, ngayon kapa kakabahan eh anjan kana. Isa pa, medyo mabigat din tong dala ko ah, ikaw ba naman magdala ng halos lahat ng flavor ng fruitas ewan ko nalang kung hndi ka mabigatan.

Nabalik ako sa realidad ng tumunog ang elevator, nasa floor na ko ng office nya. This is it.

Pero pagbukas ng pinto ng elevator, hindi ko inexpect na sya agad ang bubungad sa akin. Sa gulat ko nabitawan ko ang dala kong mga prutas.

"Lucy, hey let me help you. Ang dami nito ah, para sakin ba lahat to?"

"Ha? Ahmmm... O-oo hnd ba obvious?"

Nauutal pa ko, ang formal kasi ng suot nya. Ang gwapo nya lalo sa light blue polo shirt niya na medyo kita yung firmness ng muscles niya. Pwede Talaga siyang model ko eh, lucy? Focus!

"So nagpunta ka talaga dito para lang  dalhan ako ng prutas, halos lahat pa ng flavor sa Fruitas dinala mo talaga?"

Nakangiti nyang sagot sa akin, yung ngiti nya nakakaloko, nakaka asar. Bakit gnun? Pakiramdam ko napapahiya ako.

"Hmmmp, ayaw mo ba? Akin nalang lahat ulit." Sabay kuha ko sa mga prutas na hawak nya. Nakaka badtrip ha, ako na nga tong isu-surprise sya tapos ginaganito nya ko?

"Tampo agad Love? Come on. Ako na magdadala nito and thank you, I appreciate this, Kung Wala Lang rule, I could have kissed you."

Hindi ko napigilang mag blush and to think malapit na naman kami sa elevator. Haaaaaaay.

Okay, Lucy, focus sabi eh!

"Let's do something with fruits? I'll make fruit shake, yung sariling recipe ko ipapatikim ko sa iyo. Yun ay kung okay lang na doon tayo sa condo namin nila Geline? Please?"

Pagpapa cute nya sakin.

Ay nako William! Kung hnd lang kita mahal! Binatukan na kita!

Wait.

What?

Anong sabi nya? Condo?

At anong sabi ko?

Mahal? Mahal ko sya?

"Oo na sige na." Sagot ko.

Oo na sige na dun tayo sa place nya OR oo na sige na aamin na kong mahal ko na sya.

-------

A/N

Just wanna give credits to MsInvisiblyAnonymous for coming up with this super kilig chapter. Hahahaha. Na kahit ako eh napatalon at nagising. Hihihihihi. Agree ba Kayo? - ElydiaReyes

I Found Love at Thirty TwoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz