Thirty-Four

26.2K 493 25
                                    

Eros Pov


"Mommy, ito po ba ang house nyo??" Tanong ko kay mommy nung nasa loob na kami ng house.

"Yes, baby. Pasensya ka na, ha? Hindi kasi kasing laki ng house ng daddy at tito Caleb mo ang house ni mommy?" Sabi nya. Hindi naman importante sa'kin kung maliit lang ang house nya. Ang importante sa'kin ay kasama ko na si mommy.



Pagkatapos kasi akong sunduin ni mommy doon daddy ay dumiresto kami sa house ni tito Caleb. Tapos, sabi ni tito ay mas mabuting kay mommy na daw ako tumira, kaya andito na ako sa house nya.




"Okay lang, mommy....mas mabuti pa po nga 'tong maliit po ang house nyo, eh. Para po lagi tayong magkita.hihi. Di po tulad sa house ni daddy at tito Caleb, masyadong malaki kaya lagi ko silang hindi nakikita." Dire-diresto kong sabi.



Tumawa lang si mommy sa sinabi ko. Pero halata sa mga mata nya ang lungkot. Tapos na alala ko ang araw na 'yun.




*Flashbacks*


"Kasi po....mahirap po ba kaming mahalin ni mommy, d-daddy??" Nagbabasakali akong sagutin nya ang tanong ko. Pero, wala ni hindi nga sya tumingin sa akin eh.



Kaya wala na akong nagawa kundi lumabas sa kwarto nya na bagsak ang mga balikat. Ito na siguro ang huling pagkakataon na makita ko sya at makausap. Huhuhu.


'Daddy...'


Pero, hindi ko pa nahahawakan ang door knob. Nung magsalita sya....




"I'm sorry...I'm very sorry for e-everything....until know." Tumingin ako sa kanya. Gustong-gusto ko syang takbohin at yakapin ng mahigpit na mahigpit.

Nakita ko syang nakaluhod sa harapan ko at umiiyak. Hindi sya 'yung dating daddy na lagi kong nakikita. Yung laging galit at walang pakialam??


At hindi ko maintindihan kung bakit sya umiiyak. Kinakabahan ako. May nasabi ba akong masama??


"D-daddy, bakit ka po umiiyak??" Tanong ko. Huhuhu. Bakit ganun nadadala ako sa iyak nya.



*sniff sniff*



"I'm so sorry...son." Pagkarinig ko sa huli nyang sinabi ay bigla akong tumakbo pa alis. Bakit ganun?? Bakit nakikita ko sa mga mata nya ang matinding pagsisi.

At bakit ako tumatakbo palayo sa kanya?? Ito na 'yung hinihintay ko. Yung sasabihin nya na anak nya ako.


'...son.'



*End of Flashbacks*

"Mommy...pano po pagpumunta si daddy dito at...at-" Di pa ako tapos sa sasabihin ko nung biglang natumba si mommy at nawalan ng malay at putlang-putla na sya.


"Mommy...gumising ka. Mommy?? Huhu~ mommy...Wag nyo po akong iiwan, please."






--

A/N : HELLO WATTPAD WORLD!! \\(^_^)// I'm back, hohoho~ *Q* Pasensya na at ngayon lang ako nakapagUD. May nagbabasa parin ba nito??

At sa mga patuloy naman sa pagbabasa sa puchuhu kong story. Thank You!! :D Lab Yu all!! :*

My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon