Forty - Two

31.4K 496 49
                                    

Eros Pov

"Mamaya mo na ako titigan, baby. Eat your breakfast now." Saway ni mommy sa'kin habang nagre-ready sya ng coffee nya.

Eh, pano ba naman kasi parang may kakaiba sa kanya ngayon.

"Mommy, bakit po ang tagal mo pong bumalik sa kwarto ko kagabi?? Sabi mo tabi tayong matulog..." Inaatok na ako kakahintay sa kanya pero hindi naman sya dumating.

Akala ko nga umalis na sya kasi pag-gising ko, hindi ko na sya nakita sa tabi ko.

"Uhm-a-ano...baby, kasi may ginawa pa kasi ako kagabi. Tapos medyo natagalan at saka pagdating ko sa room mo natutulog ka na..." Sabi nya.


"Ano naman po 'yun??" Tanong ko.

"Huh?? A-ano k-kasi..." Tapos parang hindi nya alam kung ano ang isasagot sa tanong ko.

Eh, madali lang naman 'yun diba?? At bakit parang kakaiba si mommy ngayon??

Tatanungin ko ulit sana si mommy kung okay lang sya nung biglang dumating si daddy.

"Morning." Sabi nya pagkaupo nya sa may bandang kaliwa ko. Tapos nagmamadali si mommy'ng gumawa ng coffee.

Tapos binigay nya kay daddy.

"Sexy." Imbis na magthank you si daddy 'sexy' ang sinabi nya. Eh hindi naman sya nakatingin kay mommy,

nakatingin naman sya coffee nya. Tapos si mommy ang pula ng mukha. Bakit kakaiba sila ngayon??

"Mommy, may sakit po ba kayo??" Maya-maya'y tanong ko. Kanina pa kasi ako nakatingin sakanila habang kumakain ako.

At kanina padin namumula si mommy.

"Ha?? Wala naman, baby. Bakit mo naman natanong??" At umupo sya sa tapat ko. Bali nasa bandang left side sya ni daddy.

"Eh, kasi po kanina ko pa napapansin na ang cheeks nyo po ang, pula..." Tapos bigla nyang hinawakan ang magkabilang cheeks nya.

"Pfftt..." Narinig na lang namin si daddy na nagpipigil ng tawa.

Nakatingin na lang ako kay daddy ngayon kasi hindi na talaga sya gaya nung dati na hindi nya ako sinasabayan kumain.

Ngayon kami ng tatlo, pero sana lagi na kaming magkasama. Pero 'yung mga mata nya, nandun parin 'yung daddy'ng kilala ng lahat... 

"Tsss...kumain ka na, Eros Kiel ang dami talagang napapansin." Tapos nilagyan nya ng madaming foods ang plate ko, di ko naman ma uubos lahat 'to.

*pout*

Tapos tiningnan ko ulit si daddy, na kanina pa tahimik na nakikinig sa amin ni mommy. Pero hindi padin nya tinitignan si mommy.

"Daddy, hindi ka po ba nilalamig??" Kasi wala syang t-shit tapos naka-jogging pants lang sya. Ang lamig-lamig kaya.

"No..." Sagot nya. Ang ikli padin nya kung sumagot. "What are you doing??" Tanong ni daddy. Napansin nya siguro na tinitingnan ko ang katawan tapos 'yung akin.

Bumaba muna ako sa chair ko tapos lumapit ako sa kanya. Tapos hinawakan ko ang tummy ni daddy, bakit ganun hindi naman ganito ang tummy ko. Kay daddy matigas tapos 'yung akin hindi.

*pout*

"Bakit po ganun?? Matigas po 'yung tummy nyo, akin po hindi." Tapos pinakita ko sa kanya ang tummy ko.

My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Where stories live. Discover now