13. Plus one, minus one

25.5K 516 50
                                    

"Kasal ko, sinong plus one ninyo?"

Caleb was shaking head habang nakatingin siya kay Lex, paikot-ikot ito sa loob ng studio at tinatanong sila isa-isa kung sinong plus one ang isasama nila sa kasal nito sa Sabado. He sighed. He was of course, thinking of bringing Aiko. Gusto niya na ito ang kasama niya sa oras na iyon. He smiled at Lex.

"Si Aiko." Sabi niya sa kaibigan. Lex looked at him.

"Bakit? Bakit na kayo ni Miss Japan?" Tudyo nito sa kanya. Natawa lang siya. Kung tutuusin ay hindi naman sila nag-away ni Aiko, misunderstanding lang iyon. Maswerte siya at inintindi nito ang side niya kahit alam niyang napakahirap gawin noon para dito. Kung ilalagay niya kasi ang sarili niya sa sitwasyon ni Aiko, alam niyang mahihirapan din siya – isipin niya pa lang na may makikihati sa kanya sa pagmamahal niya dito ay nanghihina na siya – marahil ay ganoon din ang pakiramdam nito. He sighed.

"Hindi naman kami nag-away." Sabi niya kay Lex sabay tingin sa binabasa niyang music sheet. He sighed.

"Good. Si Calen, pwede kaya niyang plus one si Jin Hye?" Tumingin si Lex sa kanya. "Teka, invited si Jin Hye sa kasal ko, baka magtaka siya kapag hindi siya ang kasama mo?"

"Takte naman Lex!" Hindi niya napigil ang pagsigaw. Lex back off. Umalis ito sa harapan niya at si Kerky naman ang insitorbo. Of course, Kerky will bring Hanna. Napailing na lang siya, mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin naaalis kay Lex ang kakulitan nito tuwing excited ito sa isang bagay.

Bumaling siya sa kanyang kaliwa. He saw his twin brother sitting on the couch – texting. Ang laki-laki ng ngiti sa mukha nito at hindi niya alam kung bakit nakangiti ito nang ganoon na para bang sayang-saya ito sa buhay. Tumayo siya at saka lumapit dito.

"Sinong ka-text mo?" Tanong niya dito. Calen looked at him. He was still smiling.

"Si Harmony." He simply said. Kumunot ang noo niya. Harmony? Bakit pamilyar ang pangalan ng babaeng iyon para sa kanya?


"Iyong nag-opening act sa last gig?" He confirmed. Calen nodded. He sighed. Hindi niya alam kung nakikinig ba ang kapatid niya sa sinasabi ni Lex kanina kaya uulitin na lang niya dito. "Calen, walang kasama si Jin Hye sa kasal ni Lex, siya na lang ang plus one mo, because I'm bringing Aiko." Sabi niya dito. That caught Calen's attention.

"What? Akala ko si Jin Hye ang plus one mo. Balak ko pa naman ayain si Harmony sa kasal ni Lex." Kumunot ang noo niya. What the hell was Calen talking about? He would invite that woman to Lex and Keith's wedding? Seriously? The Pastels are family so bakit ipapasok ni Calen ang isang outsider sa mundo nila?

"What did you just say?" He asked his brother. Umiling si Calen.

"Wala..." He sighed. "Did you say that Jin Hye will be there?" Tanong nito sa kanya. Tumango siya. Bigla ay napangiti na naman ito – iyong ngiting alam niyang galing sa puso nito at hindi lang basta sa pisngi o sa labi. He was smiling because of the fact that he'll be with Jin Hye – sigurado siya doon. Calen looked at him.

"Can I- like pick her up that day?" He asked him. Tumango na lang siya at saka tinapik ang balikat nito.

"You can even kiss her if you want." Sabi niya sabay tayo. Calen laughed.

"Lol, sa'yo siya in love – sa ngayon." Sabi nito. Tumango na lang siya.

"Oo, pero iyong naaalala niya, ikaw." He said. "Oo nga pala, ilalabas ko si Jin Hye ngayon, gusto mo bang ikaw na lang?" He was so sure na papayag si Calen pero he got the biggest surprise of his life when he said:

The oneWhere stories live. Discover now