the ball part 2 - reactions

45 1 0
                                    

The hunks and the brats!

Chapter 12: the ball part 2 - reactions😍

Nicky's POV

Hello There! The one and only heartthrob is here! Hahaha (*pak) naman may bumatok pa! Minsan minsan na nga lang buhatin ang bangko eh wala pang interest babatukan ka pa! Hahaha anyway lahat kami gwapo! Haha...heto na kami papuntang dorm ng school. Naglalakad kami syempre alangang dalhin pa namin mga sasakyan namin eh sa school ground lang din gaganapin ang ball. Yong mga cleaning staff ng school namin oh makatingin wagas hahahaha...ikaw ba naman makakita ng limang prinsipe naglalakad di ba? Dream come true hahaha...

"Iba na talaga pag gwapo no? Pagtitinginan ka talaga hahaha!" Si Bryan sabay hagod sa bangs nya patalikod, suave! Feel na feel nya hahaha by the way di na sya nagsuot ng panloob yong vest lang ni alladin suot nya kaya litaw na litaw ang abs nya. Maraming maglalaway mamaya hahaha. :P

"Teka bat bat ikaw lang ba? Kami din no?" Hahaha ayan si Shane pag kasama kami hindi yan pahuhuli at patatalo. Tatahi-tahimik lang yan pero nasa loob talaga ang kulo hahaha. Kita mo oh? Hahaha.

"Guys, guys guys, lahat tayo gwapo OK? Para pantay pantay." Si mark hahaha father mark welcome back!

"Nasaan na kaya yong tatlo? Para kasing may kulang pag wala sila." Si Kian.

"Kulang talaga wala nga sila eh! To! Hayaan nyo na ang mga yon. Malamang nag gigirls hunting nanaman." Sagot ko.

"Sabi mo yan, pero naiinggit ka ano? Hahaha kitang kita sa mukha mo eh!" Si Mark.

"Bakit ako lang ba? Kayo din kaya no? Di bali one night lang naman eh after this? We're back to our own world! Hello girls! Hahaha!" Sagot ko.

Oh sya narito na pala kami sa tapat ng dorm eh. Later!

Shane's POV

Hello! Talagang inuuna ang mga gwapo hahaha :P (*pak) la! Sapakin ba ako? Joke lang! Ahaha...anyway pinindot ko na ang door bell then after that yong apat na girls ang lumabas ang damn! Our eyes turned out like this😳😳😳😳😳😳 diko inaakalang ganito pala sila kaganda! Kita mo nga naman, kung suswertehin ka hahaha. Aureene looks so stunning in her snow white gown bagay na bagay sakanya kasi maputi sya.

"Hi!" Maikli Kong bati. Natamimi ako eh.

"Hello Shane? Shall we go?" Nakangiti nyang bati sa akin.

"Hoy! Alis na at may susunod pa!" Binatukan ako ni Nicky haha pano I was so stunned with the beauty that's in front of me. Kaya inalok ko ang aking braso Kay Aureene like a real prince, bahala na kayong mag imagine alam Kong your imaginations are running wild as of the moment he he. Tumabi kami konti kasi nga may susunod pang lalabas. Syempre aantayin namin sila para sabay sabay kaming pupunta sa lawn ng school.

"Hi! Janice! You look wonderful tonight!" Bati ni Nicky. Bagay na bagay Kay Janice ang kulay ng tube gown nya. Alam nyo naman yong itsura ng gown ni belle sa beauty and the beast di ba?

"Sus! Nambola ka pa! Malamang sinasabi mo yan sa lahat ng babae mo?" Sagot ni Janice. Hahaha baliktad ata Hindi ata beauty and the beast to. Baka the Prince and the wild beast to hahaha poor Nicky. Man hater ang date eh. I aabot na rin sana ni Nicky ang braso ng "I can walk on my own!" Dag dag ni Janice saka tumabi Kay Aureene hahaha kakamot kamot tuloy ng ulo si Nicky.

"Hi Mark!" Si Jinky hahaha sya na unang bumati pasaway.

"Madapa ka! Di kita sasaluhin bahala ka! Sayang ang ganda mo kung masubsub ka sa semento." Si mark saka inalalayan si Jinky. Hahaha. Is it only my imagination? Lumambot ata si father mark! Hahaha what ever!

The Hunks And The Brats!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon