"I admit, magaling silang mamili" sabi ko habang nakatingin kami sa oversize mirror sa kwarto ni Mary Jane. Doon kasi namin naisipang magready for the prom kaya doon din idiniliver yung mga gowns namin—na binili pa nung mga boys.
"you guys look so elegant!" masayang sigaw ni Vanilla, "too bad we can't come"
"okay lang yan, kasali naman kayo next year, by the way, asan si Ashley?" tanong ni Mary Jane.
"sumama sa tita niya kanina, hindi naman niya sinabi kung saan sila pupunta pero parang ang saya niya." Sagot ko.
"nasa baba na raw sila" sabi ni Crystal na kanina pa kabadong kabado.
"okay! Baba na tayo" masayang sabi ni Mary Jane at hinila siya ni Crystal.
"t-teka, s-sigurado ba kayong...ito talaga ang isusuot natin?" tanong niya at iniadjust niya yung pink tube dress niya—na napili ni Nathaniel.
"oo, you look cute kaya!" sabi ko.
I am wearing a one-strapped red dress na may butas sa waist revealing the left side of my waist just before my belly button. Comfortable naman siyang gamitin kahit hapit sa katawan ko kaya hindi ako nagrereklamo.
Mary Jane is wearing a tube sky blue cottony dress na hanggang knees din, yung bagong labas lang sa fashion industry while Liezyl is wearing a light pink dress na Chinese style—chosen by his brother of course.
"para naman..lalabas na ang kaluluwa natin nito" sabi ni Crystal.
Mary Jane rolled her eyes tapos pumunta siya sa dresser niya at kumuha ng cream na shawl at ibinalot kay Crystal.
"better?" tanong ni Mary Jane at nakahinga ng maluwag si Crystal.
"better" sabi niya.
"okay! Since everyone is ready, let's go na at excited na excited na akong makita ang fiancé dear ko" sabi ko at ako ang naunang lumabas sa kwarto at sinundan nila ako.
Nasa hagdan palang ako, dinig ko na ang ingay nung mga boys na nag aasaran kaya binilisan ko pa ang pagbaba.
Then I saw them, my boys.
"hi!" masayang bati ko at tumingin silang lahat sa akin, pero si Bryce lang tinitignan ko.
He is looking at me like I'm his life! Napansin ko ding parang hindi siya humihinga, pati pala ako. I can't help it! Kahit ilang beses ko siyang nakitang nakatux, lagi padin akong nai-starstruck. Iba't ibang tux, parepareho ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.
Huminto ako sa harap niya, 2 feet away and he's looking down on me. and finally, I can breathe.
"hey" bati ko at saka lang siya nagblink ng ilang beses at huminga. Then he smiled sweetly and touched my chin.
"hey beautiful" bati niya and leaned down for a kiss kaya I closed my eyes, pero bago pa magdikit ang mga lips namin, may kamay na biglang humarang sa pagitan namin and we glared at the culprit.
"mamaya na yan" sabi ni Jason sabay wiggle nung eyebrow niya.
Sabay kaming naggrunt ni Bryce. Nakababa na pala lahat and they are in pairs na. Ang sumundo sa amin ay sina Bryce, Jason at Nathaniel lang. Susunduin kasi ni Kurt si girl friend niya at—
"asan si Allen?" tanong ko.
"may susunduin daw" sabi ni Nathaniel.
"sino? Date niya? Akala ko ba wala siyang date?" Tanong ko
"malay namin, basta nagpalit siya at lumabas gamit yung sasakyan ni Bryce" sabi ni Jason.
"you let him drive? Alone?"
YOU ARE READING
Me and My Boys VOLUME 2
HumorHighest rank reached in humor category: #3 as of Dec.6 ,2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends." Bryce is known as the scariest, coldest, and meanest leader of Phoenix gang. His death-glare is famo...
