Chapter 4

2K 94 5
                                    

*Dianne's POV*

"Aaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!"

"Dianne! Anong nangyari!?" Oh oh lagot! Si papa tsaka si mommy? Nandito na pala siya?

"Hehe hi pa! Hi mommy!" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mommy

"Dianne ang sabi ko anong nangyari, hindi yung batiin mo kami ng mommy mo -__-" si papa yan

"Hehe wala pa ok lang ako. Walang nangyari ^__^" sagot ko naman sa kanya

"Wala raw nangyari pero kung maka-tili ka kanina eh para kang nakakita ng anghel" sabi naman ni mommy. Haay naku mommy hindi ko man siya nakita narinig ko naman ang mala-anghel niyang boses (♡__♡)

"Ah hehe" awkward kong tawa sa kanila.

"Kuu ikaw talaga. Hala bumaba ka na diyan at kakain na tayo" sabi ni papa at bumaba na siya

"Psst! Anak ano ba kasi yung rason at nagti-tili ka kanina?" pahabol pang tanong ni mommy

"Eeehhh! Mommy kasi...eeehh..." eh kenekeleg eketch

"Hala ka! Kinikilig siya oh! Haha oh sige na nga hahayaan ko na yan sa'yo basta pakilala mo ko ha? *wink*" sabi naman ni mommy at tumakbo na pababa.

"Diaaaanne!!! Bumaba ka na dyan at kakain na tayo!!!" Grabe naman si papa maka-sigaw oh. Tanggal na siguro ngala-ngala nun haha de biro lang

"Opo nandiyan na po!" Sigaw ko naman pabalik at nilagay na muna yung cellphone ko kasama na yung headset ko sa ibabaw ng mini table ko pagkatapos eh bumaba na ako.

Pagkababa ko eh nakita ko na sila mommy at papa na naka-upo na sa lamesa kaya umupo na rin ako. Tatlo lang kami ni mommy at papa dito sa bahay. Only child ako eh ^__^

Bakit kamo mommy ang tawag ko kay mommy at papa naman kay papa? Simple lang kasi...
.
.
.
.
.
Trip ko. Paki mo ba? Haha

Nag-pray na kami at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ay biglang nagtanong si papa

"Dianne? Kamusta naman yung first day mo as a second year college?" Ay grabe parang nung first day of college lang.

"Okay lang naman pa. Ganun pa rin naman yung school ko. Yung mga kaibigan ko ganun pa rin naman. Si Eryell, sirena pa rin. Si Joanna, loading pa rin minsan. Si Beb at Sabel naman eh ayun may bf pa rin" mahabang paliwanag ko naman kay papa

"Haay hindi yan ang ibig kong sabihin, ang ibig kong sabihin eh kung may~"

*kring*

"Ay sandali lang. Hello?...Ah oo...sige...oo... sige sige salamat" si papa yan habang kausap si IDONTKNOWWHO

"Sino yun hon?" tanong ni mommy sa kay papa. Napatingin naman ako sa kanya at hinintay rin ang sagot niya

"Ah si Jun yung katrabaho ko. Meron raw kaming pupuntahan bukas tapos kailangan ko daw pumunta sa opisina may sasabihin raw sakin yung boss ko" mahabang sagot ni papa. Ay nakalimutan kong sabihin sa inyo kung ano ang trabaho ni papa. Nagtatrabaho siya sa isang network station, ang Stars Media. Isa siya dun sa mga team ng isang sikat na artista. Ang swerte nga ni papa eh palagi siyang nakaka-kita ng mga artista. Eh ako? Nganga

"Oh siya tapusin na natin ang pagkain natin" tumango na lang ako sa sinabi ni papa at nagpatuloy na lang sa pagkain.

*nguya*

*nguya*

*lunok*

*subo*

*nguya*

*ngu~*

*cough cough*

Protecting HerWhere stories live. Discover now