Chapter 12

1.2K 65 6
                                    

*Dianne's POV*

Next morning ay ganun pa rin ang routine ko, gigising ng 6 am para mag-ayos papuntanv school, 6:45 papasok na sa school, 7 am dadating na sa school at tutunganga kasi wala pa ang mga kaklase ko, 7:15 am kausap na si Eryell at Beb, si Jo huwag na kayong mag-expect na maaga yun dumating ang hilig nun matulog eh kaya palaging late o di kaya tamang-tama lang sa second bell, 7:20 dumating si Joanna na hingal na hingal (sinong hindi, eh nasa last floor ang room namin eh, dito sa may 4th floor), 7:30 am simula na ng klase namin which is History

(=__=) ang boring...inaantok na ko...

Pagtingin ko sa kanan ko nakita ko si Eryell na nagdo-doodle tapos pagtingin ko naman sa kaliwa ko si Joanna nagwa-wattpad tapos sa likod ko naman ay si Beb, ayun bagsak na.

"Okay class look for a partner and gagawa kayo ng isang seat work" sabi ni miss na nagpagising sa utak ko

Seat work? Hala. Hindi ako nakikinig (0__0)

"Yhan partner tayo" sabi ni Jo kaya tumango ako sa kanya. Si Beb at Eryell naman ang magpartner

"Okay class do this blah blah blah" pag-eexplain ni miss pero nakatutok na ang mata ko sa screen doon kasi prinoject ni miss

Gumawa ng timeline about sa Colonialism?

Ano bang nangyari dun? Sa pagkaka-alam ko eh unang dumating ang mga espanyol tapos yung mga hapon tapos yung mga amerikano kaso hindi ko alam ang exact date. Sinabi yun kanina ni miss eh

(Ms. Ice: halata ngang hindi ka nakikinig. Masamang estudyante. Huwag niyo po siyang tularan)

Ay grabe ka Ms. Ice, nakakaantok naman kasi talaga si miss kaya hindi ako nakikinig sa kanya.

"Yhan eto may konti akong naisulat, ikaw?" Sabi ni Jo

"Hehe wala Jo eh" sagot ko sa kanya na tinanguan niya lang

"Ye may nai-take down ka?" Tanong ko kay Eryell

"Oo konti nga lang, kayo?" Sagot niya

"Si Jo lang hehe" sagot ko sa kanya

"Hahaha sige" sabi niya

"Ikaw Beb?" Tanong ni Eryell kay Beb

"Wala rin, nakatulog ako kanina eh" sagot ni Beb

"Hahahaha apir tayo Beb!" Sabi ko ng natatawa at nag-apir kami ni Beb

"Ye tayo na lang partner" biglang sabi ni Jo kaya agad naman akong napakapit sa kaniya

"Waaa!!! Jo huwag!!! Kawawa kami ni Beb" sabi ko sa kanya habang todo kapit sa braso niya

"Hahahaha baliw, alam ko hahaha" tawa ni Jo kaya pati na rin kami ay natawa na lang

"Guys share share na lang tayo ng notes" suggest ko sa kanila at agad naman silang tumango at nagsimula na kami sa pagsagot ng seat work siyempre kapag kulang eh di tingin sa notes nila.

"Okay class pass your papers. Wala na tayong time" biglang announce ni miss kaya ang ending eh yung sulat ni Joanna ay hindi na maintindihan. Siya kasi ang taga-sulat kasi kung ako yan baka zero na kaagad ang score namin kasi walang maiintindihan si miss sa sulat ko.

"Waah yhan may maiintindihan pa ba si miss dito?" tukoy ni Jo sa sagot namin at sa sulat niya

"Ewan ko Jo, pero bilisan mo na lang nag-pass na sila Eryell eh" sabi ko kaya mas binilisan nga ni Jo ang pagsusulat ibig sabihin eh mas hindi na nga maiintindihan ni miss ang answers namin

"Ayan tapos na dali! Miss sandali! Pahabol po!" Sigaw ni Jo habang winawagayway ang 1 whole yellowpad sa kamay niya at hinabol si miss sa pinto. Palabas na kasi si miss ng natapos kami

Protecting HerWhere stories live. Discover now