// Four - Status: Brokenhearted </3

8 0 0
                                    

End of semester.

Nairaos ng section namin lahat ng Final Requirements sa bawat subjects. We’ve got good grades.

Well, maliban sa kanya.

Nung malapit nang matapos ang first sem bigla nalang hindi na siya pumasok. Lahat ng professors namin hinahanap siya dahil sayang daw ang academic performance niya. Hindi alam ng president namin kung paano siya kokontakin, nawala daw kasi phone nun. May narinig ako sa mga boys na na-busted daw sa babae kaya ganun. Pero hindi ko alam kung totoo. Sana hindi.

Pero kung dahil nga dun, what the hell? Dahil sa babae? Napaka-weak niya. Nakakabadtrip siya.

Kinagabihan saktong pagka-online ko, nakita kong online din siya. Ako na unang nagchat sa kanya.

“Uy dre, hinahanap ka ng mga Professor natin.”

Matagal bago siya nagreply.

‘Ah, may Family Problem kasi eh.’

“Oh, I see. So kelan ka papasok ulit?”

‘Di na yata ko papasok. Lilipat na kong school eh.’

Nakaramdam ako ng lungkot sa nabasa ko. Ang ibig sabihin lang kasi nun, hindi ko na siya magiging classmate. Ibig sabihin din, hindi ko na siya makikita kahit kelan. Ouch lang.

“Sayang naman. =( San ka lilipat?”

‘Saka ko nalang sasabihin, pag nakapasa na ‘ko. Hehe.’

Gusto ko sanang sabihin na wag na siyang lumipat, na manatili nalang siya sa section namin.. Pero wala ‘kong lakas ng loob. =(

Sino ba naman ako para pigilan siya diba? Ni hindi nga kami magkaibigan eh. Simpleng magkaklase lang kaming dalawa.

Magchachat pa sana ulit ako kaso naunahan niya na ‘ko.

‘Uy sige ah, out na ko, bye.’

“Ah, sige. Ingat nalang.”

Offline.

Nagstatus na muna ako bago ko naisipan mag-out. Iki-click ko na sana yung Logout nang maisipan ko bumisita muna sa profile niya.

Nakita kong may nagpost sa wall niya na babae.

Kinukumusta siya.

Nagbasa ‘ko ng comments. Pinalampas ko lahat ng comments nung babae, hindi naman ako interesado. Gusto ko lang basahin ‘yung comments niya.

Nabasa ko yung comment niyang ‘imy’ tapos may sad face. I miss you ‘yun diba? Pero bakit siya malungkot? Nakaramdam ako ng selos pero mas nagingibabaw ‘yung lungkot.

Dahil ba sa babaeng ‘yun kaya siya nasasaktan ngayon? =(

Status:  I wanna be HER for YOU. =/

Out.

Mabilis na dumaan ang buong semestral break. From time to time naiisip ko siya. Pero mabilis ko rin naman siyang naalis sa puso ko. Well, ayon sa pagkakaalam ko.

Enrollment for second sem. Nag-chat sa’kin ‘yung bestfriend ko, tulungan ko daw si Guji mag-enroll. Medyo nagulat ako kaya binasa ko ulit ‘yung pangalan.

Guji nga.

And speaking, bigla nga siyang nag-chat sa’kin.

‘San makikita ‘yung enrolment form?’

Nagchat ako ng mabilis pa sa alas-kwatro para sabihin kung nasaan. Tapos nagchat na naman siya ng sunud-sunod na ‘Uy.’

Inulit ko ‘yung reply ko. Ganun parin. Inulit niya rin yung tanong niya.

Saka na ‘ko nagkahinala na sira nga ang chatbox! Punyatera, ngayon pa.

Nagdalawang isip akong mag-wallpost sa kanya kaya lang naunahan na naman ako ng hiya. So hindi ko nalang ginawa. Sa halip, nagstatus ako na sira ang chatbox with so many many many exclamation mark.

Nagcomment naman siya ng ‘haha’ kaya medyo kumalma na ‘ko. Siguro na-gets niya nang hindi ko siya ini-snob. Baka sabihin niya kasi hindi ako nagrereply eh. :P

Pero bakit kaya siya mag-eenroll ulit? Hindi kaya siya nakapasa dun sa papasukan niya dapat kaya magpapatuloy nalang siya sa course namin?

Hmm, Sana nga. =)

 Ts, Mische. Why so bad?

The Proposal. :&quot;&gt; (The Parisian Way)Where stories live. Discover now