Chapter 3

16.8K 402 1
                                    

Pagkatapos ng una naming paguusap ni Mrs. Dela Francia, nasundan pa iyon ng mga sumunod na araw. Biyernes ngayon at rest day ko, papasukan ko sana pero kailangan naming magkita ni Mrs. Dela Francia.

Papunta na ako ng banyo para makaligo ng madaanan ko ang bukas na pinto ng kwarto ni Dianne.

"Si Sheina? Wala, hindi na makakapag-aral yon ng college.." narinig ko ang pagtawa pa niya habang may kausap sa kanyang cellphone. "Ewan ko kung anong gagawin niya, kapag kinuha ko ulit iyong pera niya sa ilalim ng kama sa susunod na sumahod siya." halakhak pa niya.

Napatigil ako sa paghakbang palayo at napahigpit ang hawak ko sa tuwalya sa aking balikat. Nanginginig kong itinulak nang malakas ang bahagyang nakabukas niyang pinto. Agad napabangon siya sa pagkakahiga sa kanyang kama dahil sa gulat.

"Bakit Dianne?!" matigas na tanong ko sa kanya. "Bakit mo kinuha ang pera ko? Bakit mo ninakaw ang pera na dapat ay pangtuition fee ko para  sa college!!" sigaw ko sa kanya habang tumutulo na ang aking mga luha.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong ninanakaw sayo! Ayusin mo buhay mo Sheina! Wag kang namimintang diyan!" sabay duro niya sa akin.

"Anong wala? Narinig kitang sinabi mo sa kausap mo, na kinuha mo ang pera ko sa ilalim ng kama ko?" Idinuro ko rin siya at ang cellphone na hawak niya.

Napanganga siya bago nakabawi. "Para limang libo lang naman iyon kung makapag salita ka naman." inirapan niya ako. Parang gusto ko na siyang sabunutan. "Tsaka bagay lang yan sayo, dapat naman talaga huwag ka ng mag-aral, magkatulong kana lang! Masyado ka kasing ambisyosa!!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabunutan ko siya, matagal na akong nagtitimpi sa pang-aapi at pakikialam niya sa mga gamit ko noon. Pero iba na iyong ngayon na pati ang pagkakataon kong makapag college ay nanakawin niya.

"Ahhh!!" tili niya habang hinihila ko ang buhok niya. Kinakalmot naman ng mahahaba niyang kuko ang aking braso pero hindi ko ininda ang hapdi noon.

"Anong nangayari dito? Sheina!! Bitiwan mo si Dianne!!" mabagsik na sigaw ni tito.

"Sheina, itigil mo yan!!" awat naman ni ninang.

Hinihingal kong binitiwan ang buhok ni Dianne na ngayon ay parang pusa kong makaiyak. Napatingin ako sa mga braso kong may dugo, ito ang parte na inabot ng mga matutulis na kuko ni Dianne.

"Ma, Pa!! Sinaktan po ako ni Sheina!! Sinampal at sinabunutan niya ako, dahil pinagbibintangan niya na ako ang kumuha ng nawawalang pera niya!" pumalahaw pa siya ng iyak pagkatapos sabihin iyon.

Umiling ako sa sinabi niyang sinabunutan ko siya. "Hindi po-"

Napabaling sa kanan ang pisngi ko nang malakas na dumapo sa aking mukha ang malaking palad ni tito. Naiiyak na napahawak ako sa aking nasampal na pisngi at bumaling sa kanya para magpaliwanag.

"Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko! E, sampid ka lang dito!!" at sinampal niya akong muli.

"Mario! Tama na iyan!" awat ni ninang.

"Anong tama na? Sinaktan at pinagbintangan niya ang anak natin sa mismong pamamahay ko?" sigaw niya kay ninang bago bumalik sa akin ang kanyang tingin. "Pagkatapos kitang paakyatin at palamunin dito? Ito pa ang igaganti mo sa amin?!" sigaw niya at akmang sasampalin akong muli pero pinigilan siya ni ninang.

"Tama na, Mario!" awat sa kanya ni ninang.

"Tangna yang batang yan! Walang utang na loob!" sigaw niya na mas nagpabuhos sa mga luha ko. "Lumayas ka dito!! Hindi ka namin kailangan!! Tutal may trabaho ka na, kaya mo ng mabuhay mag-isa kaya lumayas ka!!" singhal pa niya. "Dianne!"

The Hired Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon