Chapter 4

17.8K 393 0
                                    

Hindi ko alam kung kasabwat ba si manong Caloy pero mukhang pinagkakatiwalaan siya ni mommy.. Oo, mommy na ang itinatawag ko sa kanya pagkatapos naming mamasyal kahapon. Para daw mas maging komportable ako, at hindi na Mrs. Dela Francia.

"Just be yourself, Sheina.. Nagustuhan kita sa kabaitan mo, kaya I'm very sure magugustuhan ka rin nila." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Yes mo-mommy.." tipid kong ngiti.

"Ang sarap talagang pakinggan hija, kapag tinatawag mo akong mommy." naluluha na naman siya.

Ngumiti muli ako sa kanya bago napatingin na sa labas ng sasakyan, nasa loob na kami ng isang subdivision dito sa Makati. Huminto ito sa isang malaking puting gate, kita sa di kalayuan ang isang puti ring bahay. May nadaanan pa kaming fountain, grabe, naimagine ko ng mayaman si Mrs. Dela-mommy pala, pero not as this rich! Grabe ang bahay nila, malamang may swimming pool sila sa likod.

Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko si Mrs. De-mommy na pwede na kaming bumaba. Nauna siyang lumabas at kinakabahan akong napababa rin ng sasakyan. Nilingon niya ako. "Let's go Sheina. Welcome to our humble abode." ngiti niya at hila sa kamay ko dahil parang nagyelo na ang mga paa ko sa sahig.

"Welcome back, Ma'am!!" bati ng isang kasambahay, tatlo silang nakatayo sa gilid pagpasok namin sa malaking pinto ng bahay. Napatingin ako sa kisame.. ang taas nito, parang nasa third floor ang ceiling.

Napatingin sa akin ang ibang mga kasambahay at ang isa pang driver, nasabi kong driver siya dahil sa uniporme nito tulad ng kay manong Caloy. Ngunit mga wala namang sinabi. Linggo ngayon at maaga pa siguro.. mga alas nueve palang yata. Ilang days rin kaming naghotel ni Mrs. Dela-mommy.

"Nasaan si Michael?" tanong ni mommy sa kasambahay na bumati sa kanya.

"Pababa na po si Sir, Ma'am." nakangiting sagot nito.

"Alright then, hija maupo ka muna.. And finally.. feel at home!" masigla niyang sabi sa akin.

Naupo ako sa couch nila na parang mas malambot pa sa bulak.. Napaayos akong muli ng upo, baka makitaan ako. Nakacream long sleeves dress pa naman ako na hanggang kalahati ng mga hita ko. Ganito ang gusto ni mommy na isuot ko daw sa bahay at sa araw araw. At talagang mahihirapan ako dahil sanay akong shorts at pants lang.

"Dorothy, honey.. welcome back! Nasaan na ang anak natin? Nasaan na si Venus?" excited na boses ng isang lalake ang narinig kong pababa kaya napalipat ang tingin ko sa kanya mula center table.

Kinakabahan na napatayo ako sa upuan, shit, ito na ang huhusga sa akin. Napatingin ako sa isang lalaking ipinaglihi yata sa mga diyos ng Greece, kaya ganito kagandang lalake ang nabuo. Hindi maitatanggi ng edad niya na napakagwapo nito noong kanyang kabataan. Palapit na ito sa amin at huminto kay mommy at humalik sa lips, napaiwas ako ng tingin. Malamang sa ganda ni mommy na angat sa iba ay dapat magandang lalake rin si daddy.

"She's here.. meet Sheina.. Sheina Estrella. Soon to be Sheina Dela Francia!" may pagmamalaki sa boses ni mommy.

Kinakabahan akong napangiti. "He-hello po.. da-daddy.." nahihiya kong bati sa kanya.

"I-is she for real?" nabasag ang boses niya. "Oh my God! My baby, my baby Venus!!" lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. Naramdaman kong nabasa ang bandang balikat ko at yumuyugyog na ang balikat ni Mr. Michael Dela Francia. "Oh my God! My baby.. alam kong hindi ka namatay noon.. Alam kong buhay ka at babalik sa amin.." sinasabi niya iyon habang hawak ng mga kamay niya ang aking mukha. Ang mga mata niyang namumula at may bakas pa ng luha.

"I told you, Mike.. buhay siya at babalik siya sa atin.." sumisinghot na rin si mommy.

Kahit ako, naiiyak na rin sa mga pangyayari. Nakokonsensya man ako sa pag-iyak ni Mr. Dela Francia, masaya pa rin ako na napasaya ko sila dahil sa pagpapanggap ko.

The Hired Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon