UNTIL YOU 7: Push and Pull

2.5K 86 31
                                    

     Namumulikat na iniba ni China ang pagkakaupo sa sarili. Malaki ang bungangang humikab siya habang tinignan ang relos niya.

     Aba matinde! Nakatulog na siya at lahat. Hindi na siya magtataka kung matuklap na yung pintura ng inuupuan niyang silya kakaupo niya doon.

     5 oras na pala siya nag-aantay kay Hezekiah at ni anino nito ni hindi an lang niya masilayan. Nasa tapat naman siya ng opisina nito pero bat ganun walang Hezekiah na nadaan doon.

    Wow ha! Sobrang busy at indemand lolo Hezekiah mo!

    Nakasara kasi ang pintuan kaya sa labas na lang siya nag-antay . Kung hindi pa nakalagay sa dingding ang nameplate ni Hezekiah baka kanina pa siya umalis doon. Nagtanong na din siya sa reception. Hindi pa daw nila nakikitang umalis si Dr. Ford na muhkang sikat na sikat at kilala ng lahat sa ospital na iyon.

     Tumayo na siya sa mahabang pagkakaupo at kiniskis ng daliri niya ang gold na nameplate ng fiancé niya.

    "Pffft!" Natawa si China sa sarili at pinagdudutdot ang pangalan ni Hezekiah ng maalala kung paano nagpropose ang mokong na ito.

    "Fiance ko." Proud sabay tango na sabi niya sa Nurse na dumaan sa tapat niya ng makita nito ang mala-sisa na pinaggagagawa niya sa nameplate ng isa sa mga residente doon. May pahabol pa siya ng kinunutan siya ng noo ng Nurse. "Oo. I know right. Di ka rin makapaniwala!"

    Shete mababaliw na ata siya. Nagkakaganito siya dahil gutom na gutom na siya, Kung ano-ano na pinagsasabi niya. Asan na ba si Hezekiah!

    Mabigat ang katawang umupo siyang muli.

     Nangangalam ang sikmura na inabot niya ang dala niyang bag na may lamang mga Tupperware. Lunch sana yung dala niya kaya lang naabutan na siya ng panghapunan kakaintay dito. Ilang lingo na rin siyang walang balita dito. Hindi nito sinasagot mga text at tawag niya. Kung di pa niya tatanungin si Heath hindi malalaman ni China na buhay pa pala ang lalakeng nagpropose sa kanya ilang linggo na ang nakakaraan.

    Buti pa ang SMART text nang text ng mga promo e si Hezekiah ni wrong send wala man lang itong ireply sa ilang daan na ata na text niya.

    Iniisip na lang niya na walang load si Hezekiah kapag nasasabunutan na niya ang sarili sa inis kakaantay ng message at tawag nito. Kesa naman isipin niyang hindi nakarehistro numero niya sa cellphone nito o kaya ay naka-divert call or block siya. Happy thoughts lang lagi ang motto niya.

    Pati sa mga social sites tinitignan niya kung online ito. Lalo na sa FB. NAKO! Para siyang sinisindihan sa pwet kapag nakikita niya na ACTIVE NOW ito pero ni isang message o kaya emoticon wala man lang itong ireply gayong nakapag-POST na ito ng mga medical chuchu nito at naka-like na ng mga pages at posts! Kinukumbinsi na lang niya ang sarili nab aka nahack account nito kahit mun-ewan lang ang rason na iyon.

     Napatingin si China sa palasingsingan ng wala sa oras at inikot ang mabigat na singsing na nakalagay doon. Ano yun? Sa kasal na lang sila mag-grand eyeball? Wala man lang silang FIRST DATE!

"Weh! Tae mo China. Dami mo alam. Kami pa talaga lolokohin mo. Si Hezekiah at ikaw? Ikakasal?! WEEEEHHH!"

Nasabunutan niya ng wala sa oras ang mga alipores niyang hindi makapaniwala sa binalita niya.

"E kung pagbuburahin ko kaya pangalan niyo hindi lang sa wedding invitation ko pati na rin sa NSO! Ayaw maniwala? Ano ako nagsha-shabu lang? Kulang kulang ang turnilyo ang peg? Bibili ng ganito kabigat na singsing para magpropose sa sarili ko? Tanungin niyo yung bangkay na ine-embalsamo ko ng mga oras na yon!" Hamon niya sa mga ito habang iwinawagay-way sa ere ang singsing niyang may malaking bato. "Hukayin natin si kuya na witness kung gano kasweet si Hezekiah!"

UNTIL YOU : Hezekiah & China (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon