UNTIL YOU 9: The one who gives happiness

982 59 70
                                    

           

"ON THREE! ONE TWO THREE! NGITEEEE!"

Masakit na ang pisngi na pinilit ni China na ibigay ng todo ang ngiti niya ng mga oras na iyon sa lalakeng humihingi ng ngiti niya. Pabaling-baling ang ulo niya para umanggulo sa photographer na nasa harapan nila. Ang tanging nagpapalakas na lang sa pisngi at bunganga niyang nag-cra.cramps na ay ang ideyang ang pictorial na iyon ay libre at regalo lang naman ni Tito Boy Abundo... Mali...

Ninong Boy Abunda na pala!

Ang Ninong Boy Abunda lang naman ay nagbigay ng pictorial package para sa kanilang dalawa. The services that this pictorial studio was high end. Pang mayaman talaga at animo gagawa ng pelikula.

Napangiti ng kaunti si China ng totoo sa ideyang Ninong na niya ang sikat na talk show host. Ito lang ang pinayagan ni Hezekiah na imbitahin sa kasal nila because he was a family friend. Besides him walang ibang may coverage sa kasal nila. Ang unico hijo ba naman ni Heath at Venice Ford ang ikakasal, it was a big scoop. Gusto nga niyang magpainterview kay Ninong Boy pero sa hilata ng muhka ni Hezekiah ng sabihin niya iyon animo sasakalin siya.

"CUT! YUNG GROOM KONTING NGITI NAMAN!"

Napairap si China ng marinig ang cut at binalingan ng nakakamatay ang katabing lalaki na sinasabihan ng photographer.

Walang iba kundi ang magaling na si Hezekiah na nag-I do sa harap ng altar kanina.

Humikab si Hezekiah habang tinitignan ang photographer na sumisigaw sa likod ng camera. Walang anuman na tinanggal lang ni Hezekiah ang salamin na malinis naman at hindi nagmamadali na  pinunasan iyon gamit ang panyo nito. Hindi ba nito nakikita na pekeng peke na ang tawa ng 5 pares ng abay nila sa kasal dahil sa kaka-retake ng dahil sa kanya. 

"What?" Hezekiah asked innocently at her.

"Let's just do tight shots for the couple! Pwede nang umalis ang mga mga bridesmaid at groomsmen."

Gustong umiyak ni China habang nakita na paalis na ang mga abay na muhkang nakalaya at kakain na. Gustong pagsasabunutan ni China ang mga traydor na mga kaibigan niya noong highschool pa na nagmamadaling umalis dahil muhkang gutom na din.

She cursed silently under her breath at the photographer that wanted perfection. Sinimulang ayusin ng mga bente kataong nandoon sa likod ng camera ang mga gamit para sa tight shot na gusto ng photographer. Struggle is real sa mga same day edit wedding videos. They had to do multiple shots before the wedding, during the wedding and after the wedding. Sising-sisi si China dahil pagod na siya kaka-project sa camera.

"Kaya mo yan!"

China smiled at that single person who cheered for her. Nagpaiwan saglit ang mga ito habang inaayos pa ang set. Vida was her name and she looked elegant on her Venus cut dress. Eto na ata ang pinakasosyal at graceful na bridesmaid niya, halatang mayaman at disiplinado base sa kilos at pananalita nito. Sana ito na lang ang kinuha niya na maid of honor pero sabi ni Hezekiah may sakit daw ito kaya hindi pwedeng kasama niya noong inaasikaso pa lang ang kasal niya. Sabi ni Hezekiah minsan bigla-bigla na lang na inaatake ito ng sakit nito. Naaawa tuloy si China dahil agad na gumaan ang loob niya dito. China even made friends sa maganda pero malditang anak nito na si Elle whom Vida and Chronos brought during the rehearsals. 

"Thank you ha. Pasensya na kayo tigas kasi ng ulo ni Hezekiah. Ayaw maki-cooperate. Gutom na siguro kayo." Asawa ito ng bestfriend ni Hezekiah na si Chronos na kabaligtaran ng asawa niyang si Hezekiah.

Nilaro ni China ang puting necktie na suot ni Hezekiah. She smoothened out the crease on his collar and gave him a smile and asked him sweetly. "Baby ngiti ka na kasi please."

UNTIL YOU : Hezekiah & China (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon