Revenge Part 1

10.1K 155 2
                                    

Andito kami ngayon sa kwarto ni drew. Naghahanda kami ng susuotin dahil pauwi na kami ngayon sa bahay namin.

Nagtext si mama ko na nasa bahay na si Dad. Pinaliwanag din daw niya na medyo malelate lang ako ng dating.

" Drew? Piggy ? Anu liligo lang ako. " medyo naiilang kong sabi.

" Oh hawak ko ba ang tabo? " Pilosopo ampupu. Batuhin ko kaya to ng timba?

" Pilosopo dyan ka na nga ! " sabay pasok ko sa cr.

Binilisan ko ang pagligo. dito na din ako sa cr nagbihis. Mahirap na Hahha. alam nyu na.

Sinuot ko ang dress na binili ni drew. Above the knee dresa and naka doll shoes lang ako. Nakapuyod ang buhok at konting pulbos at lip gloss. Ganda ko talaga !

" Nag ayos ako nun ng bag ng biglang may yumakap mula sa likuran ko. Si drew :)

" Oh bakit ? Ligo kna piggy ihahatid mo pa ako sa bahay.
Naligo na siya at naisip kong tawagan ang dad niya.

*Rrrrriiiiinnnnngggggg*

" Hello Tito Francis si nam po ito " sabi ko kai tito. sana ay pumayag siyang mameet ang parents ko.

" Oh iha napatawag ka? " sabi niya sakin

" Anu po kasi tito free po ba kayo ngayon? yayayain ko po sana kayo magdinner sa bahay. papakilala ko po kasi si drew sa parents ko. Gusto ko po sana ay ipakilala din kayo."

" Oo naman iha. It's an honor to finally meet your parents. I'll be there. Just text me the location okay? " O'right masaya to hahha. sabi ko sa sarili ko.

" Thanks po tito. See you later po "

* Call End *

Francis's POV

Nasa office ako ngayon. nang biglang tumawag si Nam.
she invited me to a family dinner. para raw mameet ko ang parents niya.

Kung alam mo lang Nam. Matagal ko ng kilala ang parents mo.

Alam ko eto na ang pinaka hihintay kong pagkakataon para humingi ng tawad sa pamilya nila. Patawarin man nila ako o hindi atleast ay nalaman nila ang sincerity ko.

Nam's POV

Dito na kami ngayon sa kotse ni drew. As usual pinagbuksan niya ako ng car door at kinabitan ng seat belt.

Pinaandar niya ang kotse. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sobrang saya ko. knowing that the guy beside me is the one that i waited for so long.. is finally mine again.

" Patty anung nginingiti mo dyan? " sabi niya

" Ah e wala masama ba? "

ngumiti lang siya sakin at hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nagddrive.

We' re finally here.
Pasensya na kayo sa bahay namin.Simple lang kasi itong apartment na inuupahan namin.

" Oh anak Andito kna pala. Ang ganda ganda mo" sabay yakap ni mama sakin. sobra ko syang namiss.

" Mama kamusta na po? si papa po? "

Biglang lumabas si papa sa kwarto. Tumulo ang luha ko dahil sobra ko siyang namiss. Miss na miss ko ang papa ko. niyakap ko siya. at umiyak.

" Princess ikaw naba yan? " sabay yakap ni papa sakin. Hayyy si papa talaga.

" O-opo papa ako po ito. " nangingilid ang luha long sabi.

" Dalagang dalaga ka na. at napakaganda mo. Oh anak may kasama ka pala" ayyy oo nga kasama ko nga pala si drew hahha.

" Ay opo papa ai drew nga po pala. Tanda nyu po ba siya papa? " nag iisip si papa

" Ahhh e James naba yan? " sinimangutan ko na lang. si james kasi ung nagkakagusto sakin dati.

" Paaaaa. Hindi po siya po si Piggy. Si piggy ko papa. nagkita na po kami ulitn sabi ko sayo papa e magkikita kami ulit. " nakangiti kong sabi.

" Ah e siya naba yun. aba laki ng pinag mo iho. halika tuloy ka. " sabay tap sa balikat ni drew.

Ricky's POV

Aba aba talagang mai POV din ako. Salamat naman Miss Author :D

Finally Im home :)
Its good to be back.although madaming alaala ang naaalala ko dito sa pinas.

Andito na ako sa bahay. Nagulat ako ng biglang andito na pala ang prinsesa ko. Si Nam.
Ilang taon ko na ding hindi nakasama ang anak. Miss na miss ko na siya.

Princess ikaw naba yan? " agad kong tanung sa kanya.
Dalagang dalaga na ang anak ko. dati ay napakaiyakin pa niya. at matatakutin sa dilim. ngayon kaya ay ganun pa din siya hehe.

Napansin kong may kasama siyang lalake.
Gwapo matipuno at familiar sa akin. He reminds me of someone in the past.
Pinakilala ni Nam sakin ang lalake nyang kasama.

Nung una ay akala kong si james un. ang masugid niyanh manliligaw simula high school siya pero mas ikinagulat ko ang sinabi niya.

na ang lalaking kasama niya ay ang best friend niyang kung tawagin niya ay Piggy. Ang anak ng napagaling kong kaibigan.

biglang naalala ko ang lahat ng nangyri sa akin sa past..

Naalala ko kung paano ako tindaydor ng daddy niya. si francis montefalcon. Hanggang ngayon ay sinisisi ko siya dahil hindi niya ako kinayang ipagtanggol. Alam ko na ang lahat na may inutusang tao ang major client namin ang Saavedra para sabihing ninanakaw ko ang major share sa company. Alam kong nung oras na iyon ay siya lamang ang makakatulong dahil hawak niya ang proof. Ang CCTV footage. Doon makikita na wala akong kasalanan.

Umasa akong ipagtatanggol niya ako ngunit ng dumating ang hearing at kinuha siyang witness ng kalaban ay sumang ayon siya sa mga ito at sinabing ako nga ang nasa CCTV na iyon.

Nawalan kami ng kabuhayan. Naghirap ang pamily ko kaya napilitan akong maghanap ng trabho sa ibang bansa. Hindi ganung kadali maghanap ng trabaho doon. Halos lahat ng aming gamit sa bahay ay aming pinag bili. Napatigil ng pagaaral si Nam dahil wala na kameng ipapang tuition pa sa kanya nung mga oras na yun.

Ginawa ko lahat ng magagawa ko. nagsumikap ako. hanggang sa mapadpad ako sa isang kompanyang nangangailangan ng tao. Nung una ay napakaliit lamang ng sweldo ko. ngunit ngsumikap ako. Naging CEO ako ng kompanyang iyon na kasalukuyang itatayo ang branch sa pinas kaya dito na ako muling mananahan.

Umpisa pa lang ito ng ganti ko sa pamilya nila.

Umpisa pa lang ito.


*****************************************

Hayy paano na ang pagmamahalan nila piggy at Patty?

Abangan po natin :)

30 Days Contract Wife         ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon