Chapter 36

92 4 2
                                    

Mumay’s POV

“I’m very sorry Rob, pero ginawa ko lang naman yun para iiwas siya sa’yo at ditto sa lugar na’to.” – after we composed ourselves kanina, pina-alis ko na rin si Aris at mabilis na bumalik sa rehearsals namin pero umalis na rin pala yung iba at si Rob na lang ang naiwan

Hindi agad siya sumagot. Kitang kita ko sa expression ng mukha niya ngayon kung gaano siya ka-disappointed sa nangyari kanina.

“Yeah that’s the right thing. Anyways, Chrysler… bring this home instead, pag aralan mo na lang.” –inabot niya lang sa’kin itong folder na ito at tumalikod na siya at umakyat sa room niya ditto sa studio namin

At tinawag niya akong Chrysler???

__________________________________

6:00am ang calltime namin sa studio today para nga sa guesting namin ngayon sa isang noon time variety show pero 4:00am pa lang ngayon at aalis na ako upang mauna na rin sa studio. Pa good shot na rin ako lalo na kay Rob, alam ko kasing masama pa rin ang loob niya sa’kin. Ilang araw niya rin akong hindi tinext at tinawagan. Samantalang si Aris ay patuloy pa rin sa pag bigay sa’kin ng baon ko at sinusundo niya rin ako after ng duty ko.

Aris POV

Buti na lang at nagising ako ng maaga. Wala na pala akong stocks ngayon, kaya bibili na muna ako sa convenient store malapit ditto sa apartment namin. 4:00am pa lang naman at madali lang din naman lutuin ang ipapabaon ko today kay Mumay

“Mumay???” –hindi ako maaring magkamali, siya iyon… napaka aga naman niyang pumasok???

Hinabol ko siya agad upang makita kung siya nga, pwede rin naman kasi na mamalik mata ako eh…

Bago pa man siya makalabas ng gate at sumakay ng taxi, nakita ko ng mas malapit at hindi nga ako nagkamali si Mumay nga wala ng iba.

____________________________

“Oh Hello James?” –nagising na lang ako sa tawag ni James

“Dude, did I wake you up? Anyways, are you free around lunch time?” -8am na rin ngayon, hindi ko namalayan na nakatulog din ako kanina

“Ah… Yeah! Pwede naman ako, why?” – inalala ko muna if I have any meetings or appointments later pero wala naman…

“That’s great! I’ll pick you up later, you can ask Mumay too if she can join us”

“Saan ba tayo pupunta?”

“I will tell you later, be ready at 10:30, I’ll pick you up”

“Ok ok.” –we ended the call, sa totoo lang hindi ko masyado ma-absorb yung mga sinasabi kanina ni James, naisip ko kasi si Mumay, san kaya siya pumunta kanina at that early???

__________________________________________

“Where’s Mumay?” –nang sunduin na ako ni James

“Wala eh… tinatawagan at tinetext ko siya pero walang reply at mukhang naka-off din ang phone niya”

“Ah… baka may pasok then siguro naiwan niya rin yung phone niya”

“I guess so, nga pala san ba kasi tayo pupunta?” – 

“We’re going to a show! Hahahaha”

“What?!”

“Easy Dude, we’re not going to perform, we’re just watching a noon time variety show”

“Ah… at kailan ka pa naging mahilig sa mga noon time show???” –seryosong tao si James, imposible na maglaan siya ng time para manuod lang ng isang variety show

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 23, 2013 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ROOM 214 -- [ON GOING SERIES]Onde histórias criam vida. Descubra agora