"Matagal ka nang nurse dito?" anang pasyente kay Yna habang kinukuhanan niya ng temperature ang ginang na nanganak.
"Hindi po, bago lang ako dito" aniya dito nang nakangiti "First time nyo po ba nanganak dito?" pagkuwa'y usisa naman niya dito.
"Oo eh." anito "Ahm, hindi ka ba natatakot sa hospital na ito? Iba pakiramdam ko dito eh. Alam mo kung hindi lang ito yung pinakamalapit na hospital sa lugar namin - ayoko sana pa-admit dito eh." patuloy nito.
"B-Bakit naman po? Ano po ba yung nararamdaman niyo dito?".
"Hindi ko ma-explain pero ang bigat-bigat ng pakiramdam ko eh. Wala akong third eye or something ha pero nase-sense kong maraming entities dito - particular sa section at floor na ito" ang seryosong sabi nito "Ikaw ba miss may naramdaman na dito?".
Sasagot pa sana si Yna pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking namulatan niya nung madaling araw na nasa booth siya at tinatawag siya nito.
"Kuya!" anang payenteng babae ng makita ang papasok na lalaki.
"Oh kumusta ang maganda kong kapatid?" anito pagkaraang maibaba ang dala-dalang mga prutas sa lamesang katabi ng hinihigang kama ng kapatid.
Pagkababa ng mga dalahin ay tumingin naman ito sa nurse na nasa loob ng kwarto nang kapatid.
"Ay miss, kumusta kapatid ko? Pwede na ba namin makita yung pamangkin ko?" ang baling nito sa kanya.
"Opo pwede po. Puntahan nyo nalang po sa nursery section." ang nakangiting sagot niya dito.
"Salamat" anito "Teka, diba ikaw yung nurse na napagtanungan ko nung isang araw?" anito nang makilala siya.
"A-Ako nga po" aniyang nahihiya pa niya dito.
"Kumusta ka naman miss? Parang wala ka sa sarili kanina eh. May nangyari ba sayo?" ang medyo concern na sabi nito sa kanya.
"Naku, okay lang po ako. Medyo lito lang siguro ako nung time na yon. Pasensya na po pala kayo" aniya dito.
"Naku wala yon, nagulat lang ako sa reaction mo nung tinatawag kita".
"Kilala mo siya Kuya?" ang singit ng kapatid nito sa usapan.
"Siya yung naikwento ko sayo na nurse Crisel" baling naman nito sa kapatid.
"Ah siya ba? Naku buti at okay ka pala non. Alam mo na gaya nang sabi ko sayo kanina iba pakiramdam ko dito" sabi naman ni Criselda sa nurse.
BINABASA MO ANG
OB Ward
HorrorAlas-tres na naman ng madaling araw, darating na naman sila. Handa ka na ba na sila ay makita? /iamestee© Date Started : March 03, 2016 Date Ended : November 02, 2016