-18-

2.1K 59 5
                                    




                  

"Diyos ko, tulungan mo po ako. Kailangang ko pong matulungan si Yna." ang paghingi nang tulong ni Christian sa Diyos Ama upang siya ay tulungan nito hanggang ngayon kasi ay nakikipagbuno pa din siya sa ayaw mabuksan-buksang pintuan na iyon.

Maya-maya ay nakarinig siya nang mahinang click at bumukas na nga ang pintuang nasa kanyang harapan.

Abot-abot naman ang pasasalamat niya sa Diyos sa pagtugon sa kanyang dasal.

Nagmamadaling lumabas si Christian sa pintuan at kahit ubod ng dilim sa paligid ay nakipagsapalaran na siya. Halos matumba-tumba siya sa dinaraanan niya subalit nagpatuloy pa din siya.

Sa wakas ay narating niya ang nurse station.

"Yna!" ang malakas na tawag niya ngunit wala siyang narinig na tugon mula dito kaya tinawag niya itong muli - mas malakas sa una "Yna! Nasaan ka?".

***

Nanlaki ang mga mata ni Yna nang mapansing may panibagong bulto ng tao na nasa likuran ng nilalang na nasa harapan niya ngayon.

"S-Sino na naman ba ito? Hindi ko pa nga alam kung paano ko tatakasan ang mga ito ay may dumagdag pa" sa loob-loob ni Yna.

Matamang pumikit si Yna at umaasang sa pagdilat niyang muli ay mawala na ang mga nilalang na ito.

Makalipas ang ilang minuto ay idinilat na muli ni Yna ang kanyang mga mata.

Nagulat pa siya nang makitang maliwanag na at nasa loob pa din siya nang nurse station booth. Sa huling pagkakatanda niya ay lumabas siya sa booth, madilim ang paligid at may tatlong nilalang na lumitaw mula sa dilim ngunit paanong nangyari na nabalik siya dito sa loob na para bang walang nangyaring kung ano.

***

"Yna!!!" ani pa Christian bago biglang umilaw.

Nagtaka pa siya nang makitang nasa loob pa rin siya nang kwarto nang kapatid.

"Kuya, napapaano ka? Bakit mo tinatawag si Nurse Yna dito sa room?" ang nagtatakang sabi pa ni Crisel sa kapatid.

"Huh? B-Bakit ako nabalik dito? I was supposed to be with Yna right now" aniya sa kapatid "I promised to be with her" patuloy niya.

"Uy, may something na ba sa inyo kuya kaya dapat magkasama kayo ngayon? Naka-duty pa siya diba?" ang nanunuksong sabi pa nito.

"Sira! Hindi ganun yon!" aniya sa kapatid.

"Okay, so ano nga yon?" anitong nakakunot-noo.

"I'll explain later. For the meantime, puntahan ko muna si Yna" ani Christian at tuloy-tuloy ng lumabas ng kwarto.

Walang nagawa ang kapatid niya kundi tumango na lang na hindi naman na nakita pa ni Christian dahil nagmamadali na siyang makalabas.

OB WardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon