Chapter 2

7.7K 80 3
                                    

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa drugstore para bumili ng contraceptive pills. Hindi ako tanga para hayaang may mabuong bata nang dahil sa kapusukan ko.

Marami pa akong pangarap sa buhay at hindi ko gusto na makabuo ng anak sa murang edad. Palamunin pa nga ako, magdadagdag pa ako ng isipin sa pamilya ko? Isa pa, ang dami kong issue sa buhay, dadamay ko pa ba ang walang muwang na bata?

Pagdating ko sa tapat ng bahay ay ganoon na lamang ang pagtataka ko nang makita ko ang mga kagamitan namin na nagkalat sa labas ng pinto.

Napaawang ang bibig ko at nakita ko ang pagkaladkad ng isang babae sa Mama ko palabas ng bahay na tinutuluyan namin.

"Ang kapal ng mukha mo! Pinagkatiwalaan kita pero ganito lang ang isusukli mo sa pamilya ko! Napakalandi mo, Mariella!" parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at walang maapuhap na salita.

Anong sinasabi ni Mrs. Guevarra?

Biglang napasubsob sa lupa si Mama nang walang habas na binitawan ng ginang ang nanay ko. Nagmamadali ko nilapitan si Mama at inalalayan patayo. Niyakap niya ako ng mahigpit at kita ko na hilam na ng luha ang mukha niya.

"M-Mrs. Guevarra.. A-ano pong ginagawa niyo sa Mama ko? A-atsaka ano ho ba ang problema?" kinakabahang tanong ko sa ginang. Pilit na kinakalma ang sarili ko.

Huminga siya ng malalim bago ako sinulyapan. Kita ko ang galit sa mga mata niya at tila ba parang sasabog ano mang oras.

"Iyang walang hiya mong ina! Ang kapal ng mukhang makikabit sa asawa ng may asawa! I treated her like my sister because I thought that she will not do anything stupid against me! Pero nagkamali ako! All this time, she's having an affair with my husband! That Bitch!" nanggagalaiti siya at akmang sasabunutan ang Mama ko nang humarang na ako sa pagitan nilang dalawa.

Hindi ko mapigilang mapaluha at makaramdam ng inis o awa sa Mama ko. Sa buong buhay ko ay naging mabuti naman itong ina sa amin ni Ate at hindi ko kailanman naisip na gagawin niya ang inaakusa ni Mrs. Guevarra

"M-melani tama na.. Patawarin mo ako sa kapangahasang nagawa ko. H-hindi ko sinasadyang mahalin si Rico! Patawad! Patawad!" humahagulgol lang si Mama habang magkaakap kaming dalawa. Pare-parehong hilam ng luha ang mukha naming tatlo.

Nakakaramdam na rin ako ng hiya dahil halos lahat ng kapit bahay na namin ang nakakakita ng kahihiyang inaaabot ng pamilya namin. Nasaan na ba kasi si Ate Yana?

"Patawad?! Huh! Ang kapal ng mukha mong hilingin sa akin ang bagay na iyan! Kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik ang nakaraan! Isa kang ahas! Puta! Kabit!" sigaw niya sa Mama ko at ibinato sa amin ang mga gamit namin.

"Simula ngayon, kalimutan mong naging magkaibigan pa tayo! Lumayas kayo sa pamamahay na ito tutal ay halos ako ang nagpundar nito para sa inyo! Mga walang utang na loob! Diego! Siguraduhin mong wala na sa paligid ng lugar na ito ang mga iyan mamayang gabi dahil baka pati ikaw eh alisin ko sa landas ko!" nagmamadaling umalis si Mrs. Guevarra at naiwan lang kaming luhaan sa labas ng bahay.

Bumitaw ako kay Mama. Unti-unti kong nilimas ang mga nagkalat naming damit at ipinagsiksikan iyon sa mga maleta namin na nakakalat. Hindi ko maiwasang panghinaan ng loob lalo pa ngayon na ga-graduate na ako sa senior high school.

Paano na ito? Isang buwan na lang naman ang natitira pero ganito pa ang kinahantungan ng buhay namin. Paano naman si Ate Yana? Nasa ikatlong baitang na siya sa kolehiyo.

"P-patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ang nanay sa lahat ng kasalanan ko sa inyo." hinawakan ako ni Mama sa balikat kaya napapiksi ako.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa mga oras na ito. Para akong namamanhid na ewan. Gusto kong sumabog pero ayokong mag-mukhang bastos. Nanay ko pa rin siya.

Hermoso Series #1: Enchanted Memories (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now