MCHH - Chapter 29 : Changes

4.2K 82 1
                                    

Hello readers! Fast forward ang ginawa ko sa chapter na to, just letting you know para hindi kayo malito :D

Anyway, leave your comments/reactions below!

Love lots ;)

---------------------------------------------

[FIBLEY]

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung narinig ko yung mga pinagsasabi sakin ni Kent. Haha, tinatawanan ko na nga lang eh.

Umiyak ako ng umiyak nung araw na yon. Buti nalang nandun si Zach.

Nung gabing yon, nalaman ko nalang na nagalit ang papa ni Yohan sakanya. Ang parusa nya ay eh kunin lahat ng collections ng kotse nya. Nagalit din kay Tita Yna at pag naulit pa daw ay dun na sila titira sa America.

Marami ng nagbago, marami ng nangyari.

Isang araw nagulat nalang kami na lumipat na ng bahay sila Tita Yna at Yohan. Sabi ay sa condo na sila tumira, para daw malapit sa University na pag aaralan ni Yohan.

Aaminin ko nalungkot ako don, simula kasi pagkabata magkapit bahay lang kami ni Yohan. Sa totoo lang, maninibago talaga ako sa pagkawala nila sa bahay na katapat namin.

One month nalang graduation na namin, yes ga-graduate na kami sa pagiging high school, sa pagiging seniors.

Sa mga nag daang taon, hindi ko na nakita si Kent. Kahit isang beses, pano naman kami mag kikita eh ang way lang ng pagkikita namin is si Yohan. Kung kami nga ni Yohan hindi nagkikita, kami pa kaya ni Kent?

Nagmove on na ko kay Kent, don't get me wrong.

Pero si Zach, halos linggo linggo ko kasama. Pano ba naman pumupunta punta sa bahay okaya minsan naman eh susunduin ako dito sa school. Sabi nga ng mga kaklase ko, simula nung nag third year ako, nakikit nila minsan na sinusundo ako ni Zach.

Nakakahiya pero hindi ko nalang binibigyan ng malisya. Kaibigan ko lang naman sya eh, oh wait. Best friend ko nga pala sya.

Oo nawala si Yohan na best pinsan at best friend ko, pero dumating naman si Zach. Opp, that never mean na pinagpalit ko si Yohan ha?

Nung christmas break last year at this year hindi rin kami nagkita ni Yohan, dun kasi sila nagcecelebrate ni Tita Yna sa America. Miss na miss ko na nga yun eh, sana naman pag nagkita na kami, okay na sya. Okay na kami.

Sila parin naman ni Shedry, oo nakakagulat na ang tagal na nila. Pero, sa nakikita ko naman noon totoong nagmamahalan yung dalawa. Sweet nga nila eh.

Kami naman ni Shedry ay best friends parin, pero minsan hindi ko sya nakakasama. Nagiging busy na kasi sya eh. Kaya it realy happened na lagi kong kasama si Zach.

Aware naman ako na may gusto sya sakin, lagi nyang sinasbai yon kaya lagi daw syang nakabuntot sakin. Pero nagtataka nga ako kung bakit hindi ako naiilang sakanya eh. Magaan na talaga loob ko kay Zach.

Yung about sa Vindemiatrix naman, yung iba sakanila hindi ko na talaga nakikita. Yung iba naman minsan nakakasalubong ko sa mall or kung san ako kumakain. Yung group chat naman namin wala ng nagchachat. Nagulat nga ako nun eh, after nung gabing yon wala ng nagparamdam sa chat. Pero nandon parin naman ang group chat na yon.

Sa family ko naman, walang nagbago. Mga loko loko parin ang mga kuya ko, si ate naman wala paring boyfriend. Hahaha, hopeless romantic na nga raw sya.

"Kanina ka pa nakatulala dyan" Napalingon ako kay Zach. Nandito kami sa playground kung san tambayan namin minsan.

My Cold Hearted HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon