MCHH - Chapter 49 : Kate & Kai

3.9K 71 4
                                    


[FIBLEY]

"Ugh, when will you stop? Fuck!" Inis na sabi sakin ni Charles. Pano ba naman kasi, ayaw nyang sabihin yung past nila ni Kate. Nacu-curious lang naman ako okay?

How come naging girlfriend nya pala yon? So, kaya ba galit sakanya sila Kent? Aish! I mean-- 'badword'

"Kapag sinabi mo na yung past nyo!" sigaw ko sakanya, nandito na kami sa room kasi tapos na ang break.

"Tsk, i'm pissed off."

"I don't care! Hindi ako titigil hanggat--" Natigil ako nang bigla nyang nilapit yung mukha nya, nagkadikit pa nga ang ilong namin.

Oh my gosh, ano bang ginagawa nitong Charles na to sakin?!

Magsasalita na sana siya dahil naramdaman ko at naamoy ko yung hininga nyang amoy mint T^T Pero hindi natuloy dahil may kumalabog sa pinto.

"Vivienne, come here." hindi ko alam kung magugulat ako o maiinis, ang alam ko lang.. Kinikilig-- WAIT! Hindi ka kinikilig Fibley! Sinaktan ka nyan, move on na dba?

"No." Inirapan ko siya, pasaway. Porket kasama nya sila James, papasok nalang siya ng ganon na may prof.

"Omggg! Si Kent guys!"

"Shet yung Vintrix nandito sa room! Oh my gooooosh!"

"Kyaaaaah!!!"

Kulang nalang mabasag ear drums ko sa lakas ng tilian dito, kung hindi lang pinatahimik ni Santiago. Hays. Ano bang kailangan ng panget na to sakin?

"What the fuck did you just said? Did you say no to me?"nilagay nya ang dalawang kamay nya sa desk ko.

"Nakakatamad ulitin, narinig mo naman pala." sabi ko sakanya ng hindi nakatingin. Hindi ko na siya gusto, hindi na!

"Tss." Akala ko aalis na siya pero bigla nya kong hinila palabas.

"Hoy 'bad word' ano bang kailangan mo sakin?!" sigaw ko sakanya, napalingon naman agad siya sakin ng nakakunot noo.

"What?! What do you mean bad word?"

"Ikaw, bad word ka. Bad word name mo, tsaka bat mo ba ko kinakausap?! Bitawan mo nga ako." naramdaman ko namang lumuwag ang hawak nya sa wrist ko.

Hindi na siya nagsalita kaya naiinis akong tumingin sakanya.

"Tsk, ano bang problema mo?"

"Ikaw, why are you flirting with my cousin's ex?" Napakunot noo ako sa sinabi nya. Sinasabi nya bang flirt ako?! Damn it! Ang hangin talaga ng lalaking to, napaka nya eh no! Ako flirt? Bwisit talaga tong lalaking to.

"Hoy lalaking harina! Hindi ako nakikipag flirt at hindi kami naglalandian okay?!"

"W-what? Harina?!"

"Oo! Mukha kang harina sa puti mo eh! Tsk, dyan ka na nga!" Inirapan ko siya at tumalikod na. Nako, wala lang naman akong mapapala sakanya. Maiinis lang ako ng sobra, sira na araw ko! Aish.

"Don't flirt with him." napahinto ako sa sinabi nya.

Napangiti ako ng mapait. Ganun na ba ang tingin nya talaga sakin? Malandi? Katulad ng mga tingin sakin ng mga kaklase ko-- Or wait, buong school pala. Okay lang naman sila, na isipin nila yon. Kaibigan ko sila, ang Vindemiatrix. Bahala sila kung anong isipin nila, pero etong si Kent? Iisipan ako ng ganon? Ang sakit. Kahit na ayokong masaktan, hindi ko maiwasang hindi masaktan.

"Mind your own business." bulong ko, nagulat ako nang bigla nya kong hinila paharap sakanya. Inis na inis na ang mukha nya ngayon. Well, ganun din naman ako sakanya.

My Cold Hearted HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon