Chapter 8

1.5K 44 1
                                    

  MAAGANG NAGISING ng umagang iyon si Janet kaya nagpasya siyang bumaba na at personal na ipagluto ng almusal ang mga kasama.Ngunit bago tuluyang makababa ay nahagip ng kanyang mata ang nakabukas na silid ng binatang si Jonathan.Naglakad siya pabalik roon at pumasok sa silid nito.Napailing siya nang mabungaran ang katabi nitong mga papeles na tila nakatulogan na lamang nito kaya maingat niya itong dinampot at ipinatong sa table na katabi ng kama nito.

Isa pang sulyap ang ginawa niya dito at di niya maiwasang makaramdam ng awa sa binata.Dahil sa pag-aaruga at pag-aku nito sa responsibilidad ng kanilang anak ay tila nawalan na ng sariling kalayaan ang binata.Dito na ito tumira sa kanila simula nang hikayatin nilang mag-asawa at alukin ng trabaho sa kanilang kumpanya.Maya-maya pa'y inayos niya ang kumot sa katawan nito at lumabas ng kwarto saka dumiretso sa kwarto ng mag-ina.

Masuyo niyang pinagmasdan ang mga ito at nang hindi makatiis ay lumapit siya sa gawi ng dalaga.Hinaplos niya ang makinis nitong pisngi at sa ginawa niyang iyon, nanumbalik ang mga ala-alang nagdulot ng sakit at hirap ngunit nagpatatag dito bilang tao at bilang isang ina.

BALIK-TANAW:

Isang linggo matapos ang aksidente ni Akie, napagdesisyunan ng mag-asawa na dalhin na nang maynila ang binatilyo.Dahil sa tinamo ng mga tuhod nito, tuluyan itong hindi nakalakad at naging bugnutin.Naging sadista sa sarili at madalas maririnig nalang nilang sumisigaw ito ng mga salitang, "I HATE YOU! I REALLY HATE YOU!" mga katagang wala mang pangalan, batid ng mag-asawa na patungkol iyon sa kasintahan nito.Pinabayaan nito ang sarili at hindi rin iniinum ang mga gamot nito hanggang sa...

"Mom, Can i go to the Europe?"

"Yeah.Kilan mo balak umalis para maayos ang mga papeles mo?"

"As soon as possible Mom."

"Okay."

"Mom?" Tawag ulit nito.

"Why?"

"I want Jennifer to be with me."

"What?!"

"Please Mom! I want my friend." Nakikiusap nitong saad.

"Okay.Tatawagan ko siya."

"Thanks Mom." At sa kauna-unahang pagkakataon, nasilayang muli ni Janet ang ngiti sa labi ng anak, kaya labag man sa kalooban ay pinayagan nila itong umalis kasama ang kaibigan nito.

Sept.11 2004

Ito ang araw kung kilan lumisan ng Pilipinas ang kanyang anak na si Akie kasama ang kaibigan nitong si Jennifer para doon magpagaling.Ang araw kung kilan din nila natunton ang kinaroroonan ng Pamilya Pascua, Pamilya ng naiwang kasintahan ng kanilang anak.Sa tulong ng inupahan nilang detective, nakausap niya ang ina nito at napagkasunduang magkita para mapag-usapan ang tungkol sa bata.

"What do you want?" Tanong ng ina ni Shanner.

"Anong plano mo sa bata?"

"Plano? Tapos na ang plano dahil wala na ang bata."

"Come on.Alam kong nagsisinungaling ka." Aniya niya dito.

"I don't want my daughter to raise the child." direkta nitong sagot na ikinagulat niya.

"Anong gusto mo? Ipalaglag ang bata?"

"Walang ina ang gugustuhing mapasama ang kanyang anak."

"Ganon naman pala eh! Bakit hindi kana lang makipagkasundo sa'kin?"

"What do you mean?" Nalilitong tanong nito.

Ngumiti ng makahulugan si Janet dito at pinag-usapan nila ang gusto niyang mangyari.Makalipas ang isang oras, ay masayang nagtatawanan ang dalawa.

"Tingin mo Balae, Lalaki kaya ang magiging apo natin?" Nakangiting tanong ni Janet dito.

"Mapa-babae man or lalaki, tiyak magandang lahi iyon.Sa mga Lola palang, tiyak hindi pahuhuli sa ganda." Nakatawa namang sagot nito.

"Oh, pa'no? Tara na sa bahay nang mapuntahan na natin ang future manugang mo." Yakag nito na sinang-ayunan naman ni Janet.

Madali silang nakarating sa bahay ng mga Pascua.Ipinaliwanag ng dalawang babae ang kanilang plano na agad namang sinang-ayunan ng Papa ni Shanner.Naguluhan man ang dalagita ay wala itong nagawa kundi ang sumama sa Mama ni Akie.

Ang dating malungkot na bahay ay muling naging masigla sa pagdating ni Shanner.Madali itong nakagaanan ng loob ng mag-asawa, ganon din ang dalagita sa mga ito.Araw-araw na namamasyal at nagshoshopping ang dalawa bagay na ikinatutuwa ni Kelvin dahil naaaliw ang kanyang asawa.Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ng dalagita..Ang araw ng kanyang panganganak.

Wala noon ang mag-asawang Ferrer dahil may business trip ang mga ito.
Tanging mga katulong lang at ang driver lang ang kasama ng dalagita sa malaking bahay.Nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ay mabilis siyang bumaba ng hagdan at pumunta sa labas ng bahay saka malakas na sumigaw ng, "MANGANGANAK NA'KO! PLEASE HELP ME." Dahil sa lakas ng sigaw, ay agad namang lumabas ang driver mula sa kwarto nito at mabilis na binuhat ang dalagita sa sasakyan.

Ngunit dahil sa sobrang trapik, nanganak si Shanner sa loob ng sasakyan at ang nagpaanak? Hmmmm...Sarili niya lang...Nang umandar muli ang sasakyan ay malakas siyang sumigaw.

"Yes! It's baby boy..." Ngunit hindi siya narinig ng natataranta paring driver. "Manong tingnan mo oh...Ang gwapo niya!" Nakangiting sigaw niya ulit. Sa pagkakataong iyon ay lumingon sa kanya ang may katandaan nang driver at mabilis na itinabi ang sasakyan saka lumabas at dumako sa banda ni Shanner.

Maingat nitong kinarga ang bata saka tuwang-tuwa na nagwika.

"Kamukha niya talaga ang ama niya."

"Oo nga po."

"May little Akie na sa bahay simula ngayon.Sigurado matutuwa ang mag-asawa kapag nalaman nilang nanganak kana."

"Tawagan po kaya natin?"

"Pwede rin." At mabilis nitong tinawagan ang mga amo.

Tuwang-tuwa nama ang mag-asawa nang marinig ang magandang balita.Nang araw ding iyon ay nagpasya na silang umuwi at hindi na tinapos ang kanilang business trip.Nagbilin din ito sa driver na idaan sa hospital ang dalagita para malinis ang bata at mabigyan ng tamang gamot.

Mabilis na dumaan ang araw, buwan at mga taon.Limang taong gulang na noon si Akie nang mangyari ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ng mag-ina.Habang namamasyal sila sa isang park nang bigla nalang...

"Holdap ito." Bulong ng lalaking lasing saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg ang bata.

Hindi agad nakahuma si Shanner dahil sa pagkagulat.

"Akin na ang bag mo, kung ayaw mong mamatay itong anak mo."

Dahil sa takot para sa anak ay mabilis naman niyang ibinigay ang bag dito, ngunit dahil sa walang pera na nakuha, nagalit ang lalaki at idiniin nito ang kutsilyo sa leeg ng bata dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.

"Mom, ang sakit!"Paiyak na saad nito.

" Bibigyan kita ng kahit magkano, pakawalan mo muna ang anak ko."

"Niloloko mo ba'ko? Eh kahit singkong duling walang laman yang pitaka mo, tapos sasabihin mong kahit mgkano?"Aniya ng lalaki at idiniing muli ang kutsilyo sa leeg ng bata.Sa pagkakataong iyon ay may tumulo nang dugo mula sa leeg nito kaya mabilis na hinablot ni Shanner ang braso ng lalaki kaya nabitawan nito ang patalim.Hinatak niya ang kanyang anak ngunit mabilis na nakabawi ang lalaki at pinulot ang kutsilyo saka inundayan ng magkasunod na saksak sa tagiliran at tiyan ang dalagita.Matapos iyon ay mabilis na tumakas ang lalaki.

Dahil nanghihina ay unti-unting napaupo ang dalagita saka mahigpit na hinawakan ang kamay ng anak.

"Kahit anong mangyari, tandaan mo, mahal na mahal ka ni Mommy.Magpakabait ka ha." Wika niya sa anak na ngayon ay umiiyak na.

"Mom, Please! Don't leave me.I love you."

"Mahal ka din ni Mo---m---my..." At tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

Agaw-buhay na dinala sa ospital ang dalaga dahil sa dami ng dugong nawala dito.Ayon sa doctor kailangan nitong masalinan ng dugo.Iyak ng iyak ang bata at sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanyang ina.Nagpakuha din ito ng dugo para ibigay sa ina ngunit sa kasamaang-palad, hindi magka-match ang dugo nila.Nagtest din ang mag-asawa ngunit ganon din ang resulta.Salamat sa dugong ibinahagi ni Jonathan dahil nabigyan ng pangalawang buhay ang dalaga.Ang binata na siyang kaagapay ng tatlo para mapalaki ng maayos ang batang si Akie.

Sa lahat ng nangyari sa mag-ina ay walang kaalam-alam ang kanilang anak.Hindi dahil sa ayaw nilang ipaalam, kundi dahil iyon ang hiling ng dalaga.Tanda pa ni Janet ang sinabi nito matapos maisilang ang anak nito.

"Hayaan nalang po natin si Akie.Gusto kong ipagpatuloy niya ang buhay niya nang wala ako.Gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya kahit hindi kami ang kasama niya.Gusto kong maging mabuti siyang anak ulit para sa inyo.Hayaan nalang po natin siya na magawa at matupad niya ang mga pangarap na binuo niya na walang Shanner sa buhay niya."

KASALUKUYAN...

Marahang gumalaw ang dalaga dahilan para malantad sa kanya ang peklat nito sa tagiliran.Limang taon na ang dumaan, nawala man ang sugat at sakit, ngunit nanatili ang bakas.

Naging masaya sila dahil sa pagdating ng mag-ina sa kanilang buhay.At iisa lang ang pangarap nilang mag-asawa para sa mga ito, ang mabuo ang pamilya ng kanilang anak.Ngunit sa pagbabalik nito at may asawa't anak na, parang biglang naghalo ang pag-asa nilang makamtan ng kanilang apo ang isang buo at masayang pamilya na inaasam-asam nito.Napaiyak siya sa isiping iyon at tuluyang napahagulhol dahilan para magising ang dalaga.

"Ma.Why are you crying?"

"Wala iha.Masaya lang ako na nakikita ko kayo."

"Tungkol ho ba ito kay Akie?"

"Iha, pa'no kung sa pagbalik niya, may malaman ka tungkol sa kanya?"

"What do you mean, Ma?"

"He's back."

"When?"

"Yesterday.Dumaan sila dito kasama ang mag-ina niya."

"WH---A---TT?!"

"Oo iha.May anak na sila ni Jennifer."

Tumalikod ang dalaga dito para itago ang nagsisimula nang pagtulo ng kanyang mga luha.Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang paghagod nito sa kanyang likod na kalaunan ay naging yakap.Umiyak siya dito ng umiyak at nang mahimasmasan ay mabilis na pinunasan ang mga mata.

"Nakita po ba niya ang bata?"

"Hindi."

"Good."

"Why?"

"Mas mabuti na pong wala muna siyang makita at malaman."

"Okay.Kung yan ang gusto mo."

"Thanks Ma."

"For what?"

"Dahil lagi kang nandiyan para sa'ming mag-ina."

"Ano ka bang bata ka.Wala iyon.Tungkulin ko iyon bilang ina." At muling niyakap ang dalaga.

"Hey! The two beautiful ladies, can i join?" Ang batang si Akie na hindi nila namalayan gising na pala.

"Yeah, Handsome boy." Panabay nilang sagot at niyakap ito ng mahigpit.

"Mom! Grandma! I can't breathe." Reklamo nito.

Mabilis naman nila itong binitiwan saka pinupog ng halik.Halik na nauwi sa kilitian kaya napuno nang mga halakhak ang kabuuan ng naturang silid.

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon