Chapter 13

1.6K 42 0
                                    

  NAGISING SI AKIE na masakit ang ulo kinaumagahan.Mabilis s'yang bumalikwas ng maalala ang dalaga ngunit laking dismaya niya nang hindi ito makita sa kanyang tabi.Paglabas niya ay malungkot niyang pinagmasdan ang shop na nasa tabi ng kanyang bahay.Nabuo at natupad nga niya ang ilan sa pangarap nila, ngunit nakakalungkot isipin na ang taong pinag-alayan niya sa mga ito ay hindi niya maabot ngayon.Naipilig niya ang kanyang ulo at sumakay sa kanyang kotse saka umuwi.

Pagdating niya sa bahay kung saan kasalukuyan silang nakatira kasama ang mag-inang Jennifer at Jeanlie ay agad niyang sinilip ang mga ito sa kwarto.Bahagya siyang napangisi nang makita ang ayos ni Jennifer.

"Wala ka paring ipinagbago, Pest." Naiiling na saad niya habang pinagmamasdan ito.He love her so much more than a friend, he love her like an older sister.Marami silang masasayang pinagsamahan, ito din ang tagapagligtas niya nung bagong salta siya sa lugar ng Tito Lawrence at Tita Yanne niya.Ito din ang laging nagtatanggol sa kanya kapag binu-bully siya ng mga kaklase niya noong elem.pa lamang siya.Hindi niya sukat-akalain na ang babaeng naging dahilan kung pa'no siya napapayag noon ng Tito Lawrence niya na magpatuli ay siya ring tumulong sa kanya para maging matatag at harapin ang bagong umaga na may ngiti sa labi.

Ilang minuto pa ang itinagal niya sa naturang silid saka nagmamadaling inayos ang sarili para pumasok sa trabaho.No! Para pala kausapin ang dalagang si Shanner.Makalipas ang trienta minutos ay nagmamadali na niyang nilisan ang kanilang bahay.

May pagmamadali parin na tinahak niya ang pasilyo patungo sa kanyang opisina, ngunit bago paman siya tuluyang makapasok, narinig niya ang dalawang pamilyar na tinig sa dulo ng pasilyo.Ayaw sana niyang lumapit pero tila ba may nagtutulak sa kanyang makinig sa mga ito, kaya maingat siyang nagtago malapit sa pwesto ng dalawa.

"Did you tell him already?" Narinig niyang tanong ng lalaki na walang iba kundi si Jonathan.

"No.I don't know how to tell him the truth." Sagot ng dalaga.

Napakunot-noo ang binata ngunit napalitan iyon ng pagkagulat sa sumunod na sinabi ng dalaga.

"Kagabi, may nangyari sa'min.Gusto kong sabihin sa kanya na buhay ang anak niya ngunit nahihirapan ako." Humihikbing patuloy nito. "Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya.We both know na ang paniniwala niya ay ipinalaglag ko ang bata."

Tila nabingi sa narinig ang binatang si Akie.Sapo ang ulong tumakbo siya palabas ng gusali at tinahak ang daan patungo sa bahay ng kanyang mga magulang.Yes! Tanging ang mga ito ang makakapagpaliwanag sa kanya ng totoong mga nangyari.

Halos paliparin niya ang minamanehong kotse para lang makarating agad sa bahay ng mga magulang.Di nagtagal ay narating niya ang pakay at may pagmamadaling pumasok sa kabahayan.

"Mom! Dad!" Malakas niyang sigaw ngunit walang sumasagot.Umakyat siya sa ikalawa hanggang pangatlong palapag ngunit hindi niya ito nakita kaya bumaba siya ulit.Nagtungo siya sa likod bahay at naabutan niya ang inang abala sa pagtatanim ng mga halaman.

"Mom, Can we talk?" Seryoso niyang saad.

"About what?" Tila baliwalang tanong ni Janet.

"Mom, Can you please seat down here?" Nagmamaawa ang tinig ng binata kaya napalingon dito ang ina.Nakita niyang tila maiiyak ang anak kaya naghugas siya ng kamay at naupo sa upuang kahoy malapit sa pwesto nito.

"Anong gusto mong pag-usapan?"

"About Shanner.About what happened for the last ten years."

"Alam mo na pala." Mahinang tinig ng kanyang ina.

"No, Mom.That's why i'm here.I want to know the truth!" Malakas na sambit ng binata. "Totoo po bang buhay ang anak ko?"

Nabanaag ni Janet sa mga mata ng anak ang tila nagbabanta nitong mga luha kaya napilitan siyang magtapat.

"Yes."

"But how? Bago ako umalis we both know na----"

"Ten years ago.Nang araw na lumipad kayo ng kaibigan mo papuntang Europe ay ang araw din kung kailan namin nadiskubre ng Daddy mo ang kinaroroonan ni Shanner.Doon na rin namin nalaman na hindi totoong ipinalaglag niya ang bata.

"Pero bakit niya ako iniwan?"

"Dahil sa labis niyang pagmamahal sa'yo kaya mas pinili niyang lumayo."

"Pero bakit? Sa anong dahilan? Tell me, Mom please?!" Halos yugyugin ng binata ang mga balikat ng ina dahil sa pagmamakaawa, kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

May awang humaplos sa puso ni Janet para sa anak.Niyakap niya ito bago nagpatuloy.

" Ayaw ng magulang niyang maging isang batang ina ang kanilang anak kaya pinapili ng mga ito si Shanner.Ipapalaglag ang bata or lalayo siya sa sa'yo.She love's you that much kaya pinili niyang buhayin ang inyong anak kahit kapalit niyon ay ang paglayo niya sayo."

Dahil sa narinig ay tuluyan nang napa-iyak ang binata.Sa mga nakalipas na taon, nagtanim siya ng galit para sa dalaga dahil sa paniniwalang ginusto nitong mawala ang kanilang anak.Pero ang marinig mula sa kanyang ina na buhay ang kanilang anak? Pakiramdam niya, siya itong walang silbi dahil wala man lang siyang ginawa or nagawa para hanapin ang dalaga noon.Umiiyak paring nagtanong siya sa ina.

"What happened to her, after the day you found her?"

"Kinuha namin siya sa magulang niya at itinuring na parang isang anak.Dito siya namalagi hanggang sa manganak siya." Wika ni Janet at binalikan sa isip ang mga nangyari. "Naging masaya kami lalo nang dumating ang batang si Akie sa pamamahay na ito.He looks like you when you are young." Patuloy pa nito.

Napatingin si Akie sa ina at matamang nkikinig kaya pinagpatuloy ni Janet ang nasimulan na.

"Lumaking bibo at masayahing bata ang anak mo.Dahilan kung bakit kahit nasa malayo, para ka na ring narito dahil sa batang iyon." Aniya na napapangiti pa." Pero isang pangyayari ang naganap na nagdulot ng pasakit sa mag-ina." Patuloy nito na napalitan ng kalungkutan ang mukha nang maalala ang nangyari.

"Ano hong ibig niyong sabihin?" Kinakabahang tanong ng binata.

"Apat na taong-gulang noon si Akie nang may isang lalaking lasing ang nagtangkang holdapin ang mag-ina, ngunit dahil sa walang nakuhang pera, ginawa nitong pain ang bata para makuha ang gusto." Huminga muna ng malalim ang ina bago ngpatuloy. " Sa kagustuhang mailigtas ang anak, itinaya ni Shanner ang sarili dahilan para magtamo siya ng dalawang saksak na naging dahilan para malagay sa alanganin ang buhay niya."

Ang pag-iyak ng binata ay nauwi sa paghagulgol. "Oh, God." Tanging nasambit niya saka tumingala at pumikit. "Bakit? Bakit napaka-lupit magbiro ng tadhana?" Himutok niya na patuloy sa pagluha.

"May dahilan ang lahat ng ito.Maaayos din ang lahat at babalik sa dati." Aniya ng kanyang ina na marahang hinagod siya sa likod.

"Ang gago ko! Ang laki kong gago! Gago!" Galit na saad ng binata at pinag-sisipa ang mga pasong wala pang laman. "Napakalaki kong tanga! Ang tanga mo Akie!" Patuloy nito at pinagdiskitsahan naman ang pader.Pinagsusuntok niya iyon at di alintana ang pagdurugo ng kamao. "Putang ina mo Akie! Ang gago mo!" Mura nito sa sarili at nanghihinang napaupo sa semento habang sapo ng dalawang kamay ang mukha. "Mom, bakit ang tanga ko?" Tanong niya sa ina habang patuloy na umiiyak.

Bilang isang ina, nasasaktan si Janet na makita ang anak sa kalunos-lunos na itsura kaya lumuhod siya sa harapan nito at niyakap.

"Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo.Isipin mo nalang na naging instrumento ang mga nangyari para mas makilala ninyo ni Shanner ang inyong mga sarili.Naging matatag kayo na harapin ang mga pagsubok kahit hindi kayo magkasama.At ngayon, nakakatiyak akong mas kaya niyo nang harapin ang mga susunod or darating na pagsubok sa inyo na magkasama." Pampalubag-loob niyang wika dito.

"Hindi ko lubos maisip na nakaya niyang lagpasan ang mga iyon." Mahina nitong saad.

"Dahil sa pagmamahal anak.Lahat kayang isakripisyo para dito."

Yumakap ang binata sa ina at nagmamadaling tumayo. "I think i have to go, Mom."

"Pupuntahan mo ba siya?" Tukoy nito sa dalaga.

"I don't know.Hindi ko pa kayang humarap sa kanya.Lalo pa't naalala ko ang mga binitiwan kong salita laban sa kanya."

"Anuman ang desisyon mo.Andito lang kami ng Daddy mo."

"Salamat, Mom." At mabilis na siyang lumabas ng bahay.

Hindi na siya sumakay sa kanyang kotse.Mas pinili niyang maglakad-lakad dahil gusto niya ng katahimikan at gusto niya ding mapag-isa.

Masaya siya dahil sa kaalamang buhay ang anak nila at may pagkakataon pa siyang bumawi sa mag-ina niya.Ngunit sa kabilang banda, nalulungkot din siya dahil wala siya sa tabi ng mga ito nang mga panahong kailangan siya ng dalaga.May awang humaplos sa kanyang puso nang maalala ang itsura nito nang paratangan niya itong isang kriminal.

"Damn! Napakagago mo talaga Akie!" Mura niya ulit sa sarili at wala sa sariling pinagsisipa ang mga bagay na madaanan.

Patawid na sana siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na bulto ng isang lalaki.Humarap ito sa gawi niya kaya naman malaya niyang nakilala ito.

Sumiklab ang galit niya para dito kaya nagmamadali siyang tumawid sa kalsada at hindi niya alintana ang paparating na mga sasakyan.Ang importante sa kanya ay ang makaganti sa taong dahilan ng pagkakawalay niya sa mag-ina niya ng mahabang panahon.

Ngunit hindi paman siya tuluyang nakakatawid ay...

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon