Chapter 6

4.1K 123 4
                                    

  HINDI na tinapos ni Goldie ang paghikab nang bumungad sa paglabas niya ng silid ang binatang magdamag naging laman ng kanyang panaginip.

"Good morning!"

Napatingin ang dalaga sa orasang ibinigay ni Steve. Pinagpahinga na nito sa baul ang luma at mula sa araw na iyon ay wala na itong hubaran. "It's still early."

Sumalubong sa pag-angat ng mukha ni Goldie ang ngiti ng matikas na adonis.

"Lumuluwang na naman ang garter ng salawal ko nang dahil sa'yo."

"What?"

"I said, you're handsome. Ha? No, no!" Natuliro na ito dahil sa bilis ng tibok ng puso. "I mean, you're too early. What are you doing here?"

Palihim na napangiti si Steve. Sinundan nito ang tumalikod na dalaga at umabay dito sa pagbaba ng hagdan. "The rooster outside our window keeps on making a loud noise."

"Oh! Sorry about that," hinging-paumanhin nito. "I'll make it tinola tomorrow."

"No need to. It might be useful like an alarm clock..."

Napasulyap si Goldie sa binata. Napaisip ito kung alam ba nito ang nabanggit niyang ulam.

"Anyway, what's your plan for today?"

Biglang napatigil sa paghakbang ang dalaga nang maalala nito ang naudlot na paghingi sana ng partial payment kagabi. Nagkaroon na kasi sila ng hindi pagkakaunawaan ni Pamela kaya ipinagpaliban muna niya ito.

"Where will we go?"

Hinarap ni Goldie ang binata. "Mr. Kinley," bungad nito.

"Just call me Steve. By the way, I remember we never introduced ourselves formally." Inilahad nito ang palad, "Admiral Steve Antonio Kinley."

Tinanggap naman ng dalaga ang pakikipagkamay ng kaharap, "Carol Arrambulo."

"Goldie is not your real name?"

"That's what they called me which means GOLD."

"Really?"

"I was born in a mine," pinagpatuloy nito ang pababa sa hagdan.

"Really?"

"My mother was with my father in the mine that time. The hospital was far from the place and my grandma who was a midwife is not around. And before she came, I was already out."

"A one of a kind story," papuri ng binata. And he wants to hear more. Ramdam niya na may iba pang kuwento sa likod ng pangalan nito.

"The miners are after the gold, so they called me Goldie."

"Did they really found gold?"

Muling napahinto sa paghakbang ang dalaga at lumingon. Bago pa man siya tuluyang makalimot sa dami ng tanong ng usyuserong dayuhan, mabuti nang deretsahin na niya ito. "Mr. Kinley, I need partial payment for our service."

Hindi naman nagdalawang-isip si Steve. Kagabi pa niya ito inaasahan at pinaghandaan. "Sure, no problem."

Nagliwanag ang mukha ni Goldie. Hindi naman pala ito kuripot tulad ng naging impresyon niya dito noong una nilang pagkikita.

"Which one do you prefer? A visa or an atm card?" tanong nito nang mailabas sa pitaka ang dalawang puwedeng pagpilian ng dalaga.

"Mr. Kinley, I really appreciate your generosity and kindness." Pigil nito ang pagbangon ng inis. "Your cards are good, but I need CASH!"

Kunwaring hinalungkat ni Steve ang pitaka habang dismayado namang nakamasid dito ang dalaga.

"Ops! I have only a hundred bill here," sabay pakita ng buong isang daang papel.

Napabuga ng hangin sa bibig si Goldie. Mukhang ang natisod nila ay hindi lang kuripot kundi SAKSAKAN NG KURIPOT.

"I really don't bring cash with me," paliwanag nito. "Is there any nearest bank here?"

"The nearest one is in Cervantes. And we're going there today for a tour."

Lihim na nagdiwang si Steve. His plan worked. Kailangan lang niya ng iba pang estratehiya upang makuha ang buong tiwala ng dalaga.

----

HUMAKBANG sa umahan ng grupo si Pamela at kinunan ng larawan ang mga kasama.

"Closer, guys. That's it! One, two..." Huminto ito sa pagbibilang, "Closer."

Inakbayan ni Steve ang katabing dalaga.

"Pefect! Mare, huwag masyadong magpakipot. Alam kong gusto mo naman, kunwari ka pa." Napangiti ito nang pandilatan ng kaibigan, "One more!"

Matapos ang picture-taking ay inakyat na ng apat ang sunod nilang destinasyon.

"This is a MORO WATCHTOWER," panimula ni Goldie nang makarating sila sa tuktok ng parola. "One of Ilocos Sur historical sites and perhaps the oldest landmark here in San Esteban. The old folks say that this was used as a vanguard against approaching pirates during the Spanish Era."

Sariwa ang hangin sa paligid. Malamig man ito dahil sa dagat na malapit dito ay naghatid naman ito ng kaginhawahan sa lahat.

"Awesome!" bulalas ni Steve. "In my thirty-three years of existence, this is only the second time I've seen like this. Really relaxing and refreshing!"

"I agree, amigo!" agad na sang-ayon ni Alejandro. "And being here in a place like this with someone close to your heart..." Sinulyapan nito si Pamela na gumanti naman ng matamis na ngiti, "...is more enjoyable and memorable!"

Patay-malisyang tiningnan ni Goldie ang kaibigan. At sa nakikita niya, mukhang may
espesyal na pagtitinginang namamagitan sa dalawa.

----

"TRINAD PAS?"

"Tirad Pass!" pagtutuwid ni Goldie sa baluktot na pagbigkas ni Alejandro."This landmark was declared as the National Shrine here in the
municipality of Gregorio Del Pilar."

Habol man ang paghinga ng apat dahil sa paakyat na bahagi ng daan ay sulit naman ang pagod nila dahil sa magandang tanawing sumalubong sa kanila.

Narating ng grupo ang malawak na parang kung saan sa gitna nito ay nakatayo ang makisig na monumento ng isang sundalo na nakasakay sa kabayo.

"Who is he?" tanong ni Steve habang nakatunghay sa higanteng rebulto.

"He was one of the bravest heroes here in the Philippines," sagot ni Pamela na
nakatingala din sa malaking imahe. "His name was Gregorio Del Pilar, the youngest Filipino who became a General that led a battle against American soldiers whom by that time was after the captured of the Philippine President Emilio Aguinaldo."

"His act of bravery is to defend the President," dagdag ni Goldie. "He was shoot and died, but his name was written in the history. He will never be forgotten."

Sumaludo si Steve sa rebulto. He was a soldier too and he knew the sacrifice of a public defender.

"I want to be like him..."

Nadako ang tingin ng tatlo kay Goldie na walang kurap na nakatitig sa monumento ng hinahangaan nitong bayani.

"I will fight for my family. I will seek justice for them!"

Palihim na nagkatinginan sina Alejandro at Steve. Nalalapit na sila sa kanilang pakay.

----

"THIS route is the Bessang Pass. Also one of the historical sites here in Ilocos Sur."

"But this is just simply a road," kumento ni Steve habang nakatanaw sa labas ng tinatahak ng kanilang sasakyan. "What makes it historical?"

"Tourists may say that it is simply a road, but for all Filipinos, it brought significant in the history."

Ipinarada ni Goldie ang sasakyan sa tabi ng kalsada at isa-isang bumaba dito ang mga lulan.

"That was the Lapog Bay," turo ni Pamela sa malawak na ilog kung saan mula sa kanilang kinatatayuan ay tanaw nila ang kahabaan nito. "It was part of the Malaya River where the history told that it became the backdoor to General Yamashita's last ditch defense during the last stage of World War 2."

Sa pagkakarinig sa salitang YAMASHITA ay mabilis na nagkatinginan ang magkaibigang dayuhan. They are just an inch away to their victory.

"In June 1945 the US-FIP NL spearheaded by the 21st Infantry, defeated the Japanese Imperial Forces here in Bessang Pass," paliwanag ni Goldie. "During the Japanese occupation, it was at Cervantes particularly at Bessang Pass, that the Japanese forces made their last stand in the operations in the North against a band of Filipino Guerillas. These events hasten the surrender of General Tomoyuki Yamashita, who is referred to as the TIGER OF MALAYA."

"I've heard about that famous Japanese general, but I just don't remember the full story." Umiwas ng tingin si Steve upang hindi mabasa ng dalawang dalaga ang kanyang pagsisinungaling. "If I'm not mistaken, he became well-known on the YAMASHITA TREASURE."

"Yes. He's famous here with his treasures. In Cervantes, there was a place called YAMASHITA CAVE where the locals believed that the treasure was buried."

Nagningning ang mga mata ng magkaibigan. Dumating na sila sa punto kung saan sa matagal na panahon ng kanilang paghahanap ay sa wakas natagpuan na rin nila ang tamang lugar na tinutukoy sa antigong mapa na nahukay sa Greece.

"Have they found it already?" mabilis na tanong ni Alejandro habang mainit-init pa ang usapan.

"The Yamashita Treasure?" balik-tanong ni Goldie. "That's only a MYTH!" natawa ito.

"What do you mean?" pagtataka ni Steve.

"It's been a decade since the news of that famous treasure. Many miners died in the attempt to find it. Many lives vanished. Many families were abandoned. Lots of money have been wasted. But unfortunately, there's no success. It's just a myth!"

Muling nagkatinginan ang magkaibigan. Nag-aksaya nga lang ba sila ng pera at panahon sa isang alamat lamang?

"Let's go!" yaya ni Goldie. "Cervantes is just a few miles from here. And..." Hinarap nito si Steve, "we will drop-by first in a bank. Is it okay, Mr. Kinley?"

"No problem if you only call me Steve."

"Good! You're such a nice person, Steve."

Nakangiti nang tumalikod ang dalaga at nagpatiuna na kaabay ang kaibigan.

"What do you think, amigo?" pabulong ni Alejandro.

"We need to go in the cave."

"How about them?" tingin-turo nito sa dalawang dalaga na nasa unahan nila. "Do we still need their service?"

"If we cannot go with Goldie in the mine, we'll take the cave us our last option."

----

ITINIGIL ni Goldie ang minamanehong sasakyan sa tabing kalsada ilang dipa mula sa arko ng Munisipalidad ng Cervantes.

Ilang beses na siyang pabalik-balik dito mula nang ideklara ang pagkawala ng buo niyang pamilya matapos ang naganap na pagsabog sa minahan, pero hindi siya masanay-sanay.

Siguro ang proseso ng paglimot ay mahirap talagang makasanayan dahil kahit lumipas na ang isang taon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang sakit na mawalan ng mga mahal sa buhay.

Puno siya lagi ng pag-asa, ngunit mailap sa kanya ang kapanatagan. At sa bawat araw na dumaraan na wala siyang nagagawa kundi ang maghintay, unti-unting naglalaho ang natitirang tiwala at pananampalataya sa puso niya.

"Why we stop? That was the entrance to Cervantes, right?" usisa ni Steve.

"Just give me a few minutes, guys."

Sinundan ng tingin ng tatlo ang pagbaba ni Goldie.

"What's her problem?" pagtataka ni Alejandro.

"She lost her family here," maikling tugon ni Pamela.

Bumaba ng sasakyan si Steve sa kabila ng pagpigil ng dalawang kasama. Tumayo ito sa tabi ng dalaga na nakatanaw sa malayo, "Are you okay?"

"I tried. And hopefully, I will."

Isang malawak at matarik na bangin ang nasa ibaba ng kinatatayuan ng dalawa habang sa kanilang harapan ay nakalatag ang berdeng tanawin mula sa mga nagtataasan at naglalakihang punongkahoy hanggang sa mga bundok at burol na nasa paligid.

Malamig at sariwa ang simoy ng hanging hatid ng Lapog Bay sa kanan. At sa kaliwang direksyon naman ang Malaya River.

"You have a very beautiful country," wika ni Steve.

"And it's more beautiful if only life is fair."

"If life is easy, there will be no bravery. Sometimes, we need to face challenges to make us strong. I've been through with it," ngumiti ito sa dalaga upang palakasin ang loob nito. "Just hold on to your faith and to your goal."

"Tama!" bulalas ni Goldie.

"Huh?"

"I need the money. Halika na, bilis!"

Naiiling at nagtataka na lang na sumunod sa paghila ng dalaga si Steve. Nakangiti na ito nang pumasok sa sasakyan na agad nitong pinaharurot papasok sa lugar na dating nagdala sa kanya ng masasayang alaala kasama ng pamilya.

----

AGAD na sumalubong kay Steve sa paglabas ng bangko ang isang palad mula sa dalagang tila hindi nainip sa paghihintay dahil sa lapad ng ngiti na nakaguhit sa labi nito.

"Can I have it now?"

"Not so fast, lady."

Nakaramdam ng panghihinayang si Goldie nang lumagpas sa humabang kamay ang inaasam na grasya.

"Where will you spend this?"

"It's none of your business!" asik nito.

"Okay," sabay talikod.

"Uy, teka!" Mabilis nitong sinundan ang binata at hinarang ito, "I need it!"

"Then, tell me."

"You'll know it later!" sabay hablot sa pera na hindi na naiiwas ni Steve.

"Don't waste it!"

"Oo na. Kuripot ka talaga!"

"I'm not!"

Napaangat ng tingin si Goldie mula sa pagbibilang ng pera, ngunit tumalikod na sa kanya ang binata. Sinundan niya ito ng tanaw hanggang makapasok sa kanilang sasakyan. Naintindihan ba nito ang sinabi niya?

"Imposible," wika nito sa sarili.

"Com'on, time is running!"

Matapos ang mahigit sampung minutong biyahe ay pumarada uli ang minamaneho ni Goldie sa tapat ng isang malaking tindahan. Inabisuhan nito ang mga kasama na manatili na lang sa loob ng sasakyan dahil mainit ang klima sa labas.

"Bilisan mo lang, mare. Nakakahiya naman kung paghintayin natin sila."

"Oo, sandali lang ako. Ikaw na muna ang bahala sa kanila. Itong mestisong bangus na 'to..." Pasimple nitong sinulyapan si Steve na abala sa pagbabasa ng pahayagan, "...bantayan mo dahil baka kung saan-saan pumunta! Mukhang bopol pa naman."

Pigil ni Pamela ang pagtawa.

"Tingnan mo nga," tingin-turo nito sa binata. "Nagbabasa ng diyaryo natin, e akala mo naman ay naiintindihan!"

"Sige na, ako na ang bahala sa kanila. Huwag kang magtatagal, ha?"

Tumango lang ang dalaga at muling humingi ng paumanhin sa dalawang dayuhan. Bumaba na ito ng sasakyan.

"Goldie?!" bulalas ng matandang lalake na nagulat nang makilala ang pumasok sa kanyang tindahan.

"Kumusta po, Mang Estor?"

"Ha? Ah, okay lang. Halika, halika!"

Tinungo ng dalaga ang unahan ng counter.

"Buti naman at napadaan ka. Ano? May balita ka na ba sa pamilya mo?"

Umiling si Goldie, "Wala pa po. Kayo? May balita na dito?"

"Wala rin."

Lihim na nagpasalamat ang dalaga. Minabuti kasi nila ni Lola Ada na itago ang tungkol sa kanyang ama tulad ng kanilang ginawa noon kay Mang Kaloy.

Hindi man kilala ng mag-lola ang kriminal, pero tiyak na may higit pa itong kayang gawin. Baka lahat sila ay mapahamak.

"May mga pulis pa namang pumupunta sa Miranda," pagtukoy ng matanda sa minahan na sumabog.

"Huh? At ano? Tutunganga sila doon? Tatambay, magbabaraha tapos aalis."

"May awa ang Diyos. Maghintay pa tayo."

"Naiinip na ako." Inilabas nito ang kapirasong papel mula sa harapang bulsa ng suot na polo at inilapag ito.

Nanlaki ang mga mata ng matanda habang binabasa ang nakasulat sa listahan. "Gamit ito sa pagmimina, ah?" bulalas nito.

"At kailangan ko ang mga 'yan ora mismo," isinunod nito ang bugkos ng pera. "Kung kulang pa 'to, utang muna. Alam mo naman po siguro kung saan nakatira si Lola Ada. Marami siyang baboy at manok doon!"

Hindi pinansin ni Mang Estor ang naging pahayag ng dalaga, "Ipapaalala ko lang sa'yo na ipinagbawal ng munisipyo ang sinumang sibilyan na lumapit o pumasok doon. Delikado daw dahil posible na may gumuhong bahagi sa ilalim."

Naiintindihan ni Goldie ang pag-aalala ng matanda dahil isa ito sa malapit na kaibigan ng pamilya niya. Suki kasi dito ang kanyang ama. "Kapag hindi na ako nakalabas, delikado nga."

"Huwag mong gawing biro ang pagpasok sa minahan, Goldie. Kamatayan ang gusto mong hanapin at hindi pamilya mo."

Naputol ang usapan ng dalawa nang bumukas ang pinto at bumungad dito si Steve.

"Nand'yan na pala ang alalay ko," tumalikod na ito. "Siya na ang bahala sa pagbubuhat ng mga binili ko at uutangin ko. Sayang ang ipinapasahod ko sa kanya kung puro pagpapalaki lang ng katawan ang ginagawa."

Pinasadahan naman ng tingin ni Mang Estor ang makisig na binata mula sumbrero hanggang sapatos. Mas mukha itong action star kaysa alalay.

The RED MANSION                                       by: Lorna TulisanaOnde histórias criam vida. Descubra agora