Chapter 8

3.4K 127 7
                                    

  HINDI pa man lumalapag sa paliparan ng Laoag ang sinasakyang eroplano ni Elena ay nagsimula na itong makaramdam ng panghihina.

Pinipigilan nito ang pangangatal ng katawan, ngunit nangingibabaw sa kanyang kaibuturan ang takot.

Napakalupit ng tadhana. Matapos ang sakripisyo at hirap na pinagdaanan, narito't ibinalik sila sa pinagmulan.

Humigpit ang hawak ng ginang sa rosaryo na nanatili sa kanyang kamay mula kahapon pag-alis ng Las Vegas. Ipinagdarasal niya ang kaligtasan ng anak. Sana ay hindi ito mapahamak.

"Ma'am?"

Napapitlag si Elena nang isang tinig ang pumukaw sa kanyang naglalakbay na diwa.

"Sorry," hinging-paumanhin ng stewardess.

Pinagala ng ginang ang tingin sa paligid. Hindi na niya namalayan na tanging siya na lamang ang naiwang pasahero sa loob.

"Do you need an assistance, Ma'am?"

Umiling lang si Elena at tumayo. Kinuha nito ang bag sa compartment at mabilis nang lumabas ng sasakyan.

Kailangang mahanap agad niya ang anak bago pa man malaman ng ama nito ang kanilang presensiya.

----

"PARDON?"

"Black Yama," pag-uulit ni Goldie.

"It sounds like a black curse. Is it?"

"No. It happens only when a heir or heiress of Yamashita was around the place."

Napatigil sa paghakbang si Steve dahilan upang bumangga sa likod nito ang nakasunod na kaibigan.

"Careful, amigo. I'm just behind you."

Madilim ang lugar na kanilang kinaroroonan kaya pandinig at pakiramdam lang ang gamit nila sa pagtahak sa makipot na daan.

"Are you sure?" tanong ni Steve.

"Ofcourse, I'm sure!" sabay hampas sa balikat ng kaibigan upang iparating dito na siya ang nasa likuran.

"Not you!"

"Ow!"

Nagpatuloy sa paglalakad si Goldie na agad namang sinundan ng mga kasama.

"So, does it mean that one of us has Yamashita's blood?"

"It must be me," singit ni Alejandro. "I can feel in my veins that I have a royal blood!"

Napahagikhik si Pamela.

"Wait!" pigil ni Steve. "Why we're walking in the darkness?"

"Simply because there's no light," papilosopong tugon ni Goldie. "Am I right?"

Sa halip na sumagot ay ginagap ni Steve ang kamay ng dalaga at kinapa ang suot nitong relo. May pinindot siya dito na agad nagbigay liwanag sa paligid.

"Look!"

Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa direksyong itinuro ni Alejandro kung saan ay makikita sa kanilang unahan ang limang maliliit na lagusan.

Humakbang palapit ang apat hanggang makarating sila sa harap.

"Which is which?"

"We will take the first one on the left," suhestiyon ni Steve.

"My instinct is better than yours, amigo. So I think the third to the right is safer."

"First to the left is much safer."

Bahagyang lumayo si Goldie sa dalawang nagbabangayan. Pumikit ito at pinatalas ang pandinig. Tila may maliliit na tinig na tumatawag sa kanyang pangalan.

"Third to the right."

"First to-"

"Mare?"

Huli na para mapigilan ng tatlo ang mabilis na pagtakbo ni Goldie. Pumasok ito sa isa sa limang lagusan.

"Mare!"

"Goldie!"

Hindi pinansin ng dalaga ang pagtawag ng mga kasama. Sinusundan nito ang mga tinig na pamilyar sa kanyang pandinig.

"Gold-"

"Ssshhhh!"

Natahimik si Steve sa pagsaway ng dalagang nakapikit habang nakalapat ang dalawang kamay sa itim na dingding.

"Is she okay?" pabulong na tanong ni Alejandro sa katabi.

"No," deretsahang tugon ni Pamela.

Nakasunod ng tingin ang tatlo kay Goldie na maging ang lupa ay pinadaanan ng mga palad.

"Mare," itinayo nito ang kaibigan. "Ano bang nangyayari sa'yo?"

Napadilat naman si Goldie at napatitig sa nag-aalalang kaharap. "Naririnig ko sila, mare. Nandito sila!"

"Ha? Sino?"

"Ang pamilya ko," ngumiti ito. "Naririnig ko ang boses at tawa nila."

"Huwag ka ngang ganyan, tinatakot mo ako!"

Hindi pinansin ni Goldie ang naging reaksyon ng kaibigan. Muli nitong pinagala ang tingin sa paligid. "Nandoon sila!" sabay takbo sa itinurong direksyon.

"Mare!"

"Goldie!"

Mabilis na sumunod ang tatlo.

"Yamashita won't like a crazy heiress. So, only the three of us left!" pabiro uli ni Alejandro.

Makakalipas ang ilang sandali ay narating ng grupo ang isang malawak na lugar kung saan ay agad na makikilala sa hitsura ng paligid na dati itong minahan.

"Mare, okay ka lang?" tanong ni Pamela sa kaibigan nang mapansin ang malapad nitong ngiti sa labi.

"Mare, ito 'yun."

"Ang alin?"

Nagpalakad-lakad si Goldie. Pinasadahan nito ng kamay ang bawat kawayan at pundasyon na madaanan o maging ang mga gamit na nagkalat. "Ito ang minahan kung saan ako ipinanganak."

"What did she said?"

"This is the place where she was born," tugon ni Steve sa tanong ng kaibigan.

"Really?"

"I can feel them." Pumikit pa ito, "I heard their shouts and cries of joy. It was grandpa who first called me Goldie. He said, I am a gold!"

Paluhod na dinampot ni Steve ang namataang itim na bag. Nakabukas ito kaya tumapon ang mga laman nitong maliliit na gamit sa pagmimina. "Sorry," hinging-paumanhin nito dahil sa nilikhang ingay.

Pinalipas ng grupo ang ilang sandali sa pag-iikot sa lugar.

"Is this place still part of the Yamashita Cave?" tanong ni Alejandro na pasimpleng isiniksik sa likuran ng pantalon ang nakitang patalim. Wala silang dalang anumang armas kaya mabuti na ang laging handa kung sakaling maharap sila sa panganib.

"I think so," tugon ni Goldie. "When I was a child, my grandpa kept on telling me that the cave have many secret tunnels or passageways. And only a TRUE SEEKER can find it."

"Another myth, is it? Just like the famous treasure." Pinagmasdan ni Steve ang hawak na mahabang bakal na bagama't kinakalawang ay matulis pa rin ang dulo nito. "Anyway, how did you know about the black thing?"

"Black Yama," pagtutuwid ni Goldie.

"Is it true?"

"What?"

"Is it true that one of us might be Yamashita's heir or heiress?"

"It's just a stupid story."

"And your grandpa?"

"He's not stupid!" asik nito sa tila makahulugang tanong ng binata.

Isang beteranong sundalo ng World War II ang kanyang abuwelo. Matagal ito sa serbisyo mula noong panahon ng mga Hapon.

"I didn't say that..."

Umirap ang dalaga. Humakbang ito palayo upang makaiwas sa usapan. Hindi naman kasi siya sigurado kung totoo ngang Black Yama ang nakaharap nila kanina.

Matanda na ang kanyang lolo kaya mahirap nang paniwalaan ang mga kuwento nito dahil kung minsan nga ay nakakalimutan nitong maligo at magsipilyo.

"Guys..."

Nabaling ang atensyon ng lahat sa pagtawag ni Pamela. Paatras itong humakbang patungo sa kinaroroonan ng mga kasama.

"What's wrong, Pam?" pagtataka ni Alejandro na hinawakan pa sa braso ang dalaga.

"There's someone over there," sabay turo sa direksyong tinutukoy.

Kinuha ni Steve ang kamay ni Goldie at itinutok ang liwanag ng orasan nito sa dakong unahan. "What is it?"

Humakbang palapit ang grupo upang malinaw nilang matukoy kung ano o sino ang nakahandusay sa lupa.

"Whoooaaaa!" bulalas ni Alejandro.

Isang naaagnas na bangkay ng lalaki ang bumungad sa apat. Ilang parte ng katawan nito ang nawawala habang ang mga buto ay halos maghiwa-hiwalay na.

"He was brutally killed," obserbasyon ni Steve. "Who did this?"

Itinulos sa posisyon ang grupo nang makarinig sila ng ingay mula sa likuran. Dahan-dahan pa ang kanilang naging paglingon.

"Grrrrrr! Arrrrfff! Arrrfff!"

"Don't move!" utos ni Steve.

Nanlilisik ang mga mata ng dambuhalang itim na aso habang nakatitig sa magkakaibigan. Nakalabas rin ang mga matutulis nitong ngipin at pangil.

"Grrrrr! Arrrrffff! Arrrrffff!"

Napaatras ang apat.

"Run fast and don't look back!"

Inabot ni Alejandro ang kamay ni Pamela. "Don't let go, no matter what happen!" pabulong nito.

Marahan lang na tumango ang dalaga kasabay ng pagpisil sa kamay na nakahawak sa kanya.

"NOW!"

Mabilis na hinila ni Steve si Goldie. At kasunod nang pagtakbo ng apat ang pagkaripas rin ng aso na lalong bumakas sa
mukha ang bagsik at galit.

"Is it dangerous?" tanong ni Goldie.

"Wanna try?"

"Never!"

Hindi tumigil ang grupo sa pagtakbo hanggang makalabas sila sa bunganga ng lagusan.

"Amigo, here!"

"Mare!"

Hindi narinig nina Alejandro at Pamela ang pagtawag sa kanila ng dalawa.

"Mare!"

"Com'on!"

"Hindi!" Kumawala ito sa pagkakahawak ng binata at aktong susundan ang kaibigan na nahiwalay sa kanila, ngunit biglang humarang dito ang humahabol na aso.

"Let's go!" Muling hinatak ni Steve ang dalaga at isinabay na ito sa kanyang pagtakbo.

"Hindi ko siya puwedeng iwan," pasigaw ni Goldie na pilit kumakalas sa kamay ng binata. "Ipinagkatiwala siya sa amin ng mga magulang niya!"

"We'll find them later!"

"Grrrr! Arrrrffff! Arrrffff!"

Walang lumingon kina Steve at Goldie kahit dama nila na ilang metro na lamang ang layo sa kanila ng tila hayok na nilalang.

"Faster!"

"Ah!"

Muntikan pang mawalan ng balanse si Steve nang madapa ang kahawak-kamay nitong dalaga. "Com'on, get up!"

"Go! Leave me here," nakangiwi ito dahil sa pagtama ng isang tuhod sa nakausling bato.

Sa halip na tumalima ang binata ay iniharang nito ang sarili kay Goldie.

Nagkatitigan ang dalawa sa pagitan ng paghingal. Halos magkadikit na ang mukha at katawan ng mga ito kaya dinig maging tibok ng kanilang puso.

"Grrrrrr! Arrrrfff! Arrrrrffff!"

Mahigpit na niyakap ni Steve ang dalaga nang maramdaman nito sa likod ang hininga ng asong humahabol sa kanila, ngunit ang inaasahan niyang ngipin at pangil ay hindi bumaon.

"Arrrrrggggg! Arrrrggggg!"

Isang malamig na dila ang paulit-ulit na dumantay sa pisngi ng binata.

"Arrrggggg! Arrrrgggg!"

Nadako ang mga mata nina Steve at Goldie sa nilalang na kanina lamang ay nakalarawan sa kabuuan ang nakamamatay na bagsik. Ngayon ay mababakas dito ang kakaibang kasiyahan na animo'y nakatagpo ng isang kaibigang matagal nang hindi nasisilayan.

"Arrrggggg! Arrrggggg!"

Nagkatinginan ang dalawa na hindi pa rin natitinag sa posisyon. Iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isip, marahil ay suwerte ang pagiging masamang damo.

----

"RAMSES."

Lalong nasiyahan ang aso nang marinig ang binigkas na pangalan.

"He's a male, so I will call him Ramses." Ipinagpatuloy ni Steve ang pahaplos sa makapal na balahibo ng nilalang. "And I think he like it. Right, Ramses?"

"Arf! Arf!"

Hindi umimik si Goldie. Nakatitig lang ito sa aso. May iba siyang nararamdaman dito...PANGANIB!

"When I was a child, I always asked my parents to give me a puppy. But they don't allow me. Mum always get mad."

"Why Ramses?" biglang tanong ng dalaga.

"I heard that name everytime my mum woke up screaming and crying..."

Napakunot ng noo si Goldie.

"Well, it's just a nightmare. She used to it since I was born. Dad told me about it." Tumayo na ito mula sa pagkakaluhod sa lupa. "Com'on, let's find the two."

Sumunod kay Steve ang aso na tila wala nang balak pang humiwalay dito.

"You want to go with us, Ramses?"

"Arf!Arf!"

"I think he's a smart dog!" papuri nito na muling pinasadahan ng kamay ang balahibo.

Hindi naman maiwasan ni Goldie na maya't mayang sulyapan ang aso. Wala siyang tiwala dito.

"Alejandro! Pam!"

Umalingangaw sa paligid ang pagsigaw-tawag ni Steve sa mga nahiwalay na kasama.

"Mare!" segunda ng dalaga.

"Do you think they already found the way out?" tanong ng binata.

Nagkibit-balikat lang si Goldie.

"Alejandro! Pam!"

"Mare!"

Ipinagpatuloy nila ang pagtawag at paghahanap hanggang makarating uli sila sa harap ng limang maliliit na lagusan.

"So, where will we go?"

"We'll take the third to the right this time..."

"Arf! Arf! Arf!"

Natigil ang dalawa sa paghakbang nang tumakbo patungo sa ibang lagusan ang aso.

"Ramses!" Pagtawag ng binata, "Here!"

"Arf! Arf! Arf!"

Hindi umalis ang aso sa kinaroroonan nito.

"Com'on, leave him here!"

"No. I think he's leading us the right way."

"Arf! Arf! Arf!"

"I don't trust him!"

Hindi pinansin ni Steve ang naging pahayag ng dalaga. Humakbang ito palapit sa aso at lumuhod sa harap nito. "Look at me, Ramses!" sabay hawak sa ulo ng kaharap at ipinantay sa kanyang mukha. "Hindi mo naman kami ipapahamak, 'di ba?"

"Arf! Arf!"

Napanganga si Goldie. Bigla nitong naalala ang isang senaryo kanina sa bangin kung saan ay una niyang narinig na magsalita ng Tagalog ang binata.

"Ituturo mo sa amin ang tamang daan, 'di ba?"

"Arf! Arf!"

Namula ang buong mukha ng dalaga. Malinaw pa sa tubig ng kanal ang kanyang narinig. At kahit bumaluktot ang dila ni Steve ay maayos naman ang naging pagbigkas nito sa mga salita.

"Matalino ka talaga!" papuri nito. "Pareho lang tayo." Tumayo ito at hinarap ang dalaga na bukod sa ipinako sa kinatatayuan ay walang kurap pang nakatitig sa kanya. "Let's go?"

Sumunod agad si Goldie sa pagtalikod at paghakbang ng binata. "You're American, right?"

"My parents are Spanish and I grew up in Madrid, but I work in Las Vegas as an American soldier." Pigil nito ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi.

"It's your first time to visit the Philippines, right?"

"Yes."

"And you don't know anything about our language, right?"

"I got an A+ for it."

Pakiramdam ni Goldie ay tatakasan siya ng lakas.

"I took an online tutorial and I passed it in just two weeks. My mentor told me na mabilis daw akong matuto. Kapag determinado ka talaga sa isang bagay, lahat ay handa mong gawin para magtagumpay. Tama ba ako?" sabay kindat nito sa namumulang dalaga.

"Kapag nag-uusap kami ni Pamela, naiintindihan mo?"

"Crystal and clear!"

Napangiwi si Goldie.

"Don't worry. Sometimes I close my ears specially when you call me ANTIPATIKO, PRESKO, HAMBOG at AROGANTE. But I like the word GUWAPO!" Muli nitong kinindatan ang dalaga na may kasama nang pilyong ngiti, "Tingnan mo ang garter mo, baka lumuwang na naman!"

Mabilis na itinakip ni Goldie ang dalawang kamay sa magkabilang tenga. Ayaw na niyang marinig pa ang ibang kahihiyang sasabihin ng binata.  

The RED MANSION                                       by: Lorna TulisanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon