Surroundings

620 10 0
                                    

Angelica's POV

Nanginginig ako sa takot. Natatakot ako dahil baka ako na yung isunod. Pero sandali... Kung ang pumatay kay Ms. Iza at yung killer ng Lolo ni Jeremy at yung nag tetext sa amin ay iisa..........

Ibig sabihin......

Nandito lang siya sa amin. Maaring Guro siya o estudyante. Pero kung si Liane naman talaga yung pakay niya, bakit pati iba madadamay? Hahanapin namin siya. Hindi naman pababayaan na may mamatay pa ulit.

May biglang kumalabit sa akin, nagulat ako, pagtingin ko ay si Xander lang pala.

"Bakit parang kanina ka pa may malalim na iniisip?"

Natatakot ako, gusto ko siyang yakapin at umiyak sa balikat niya pero pag nakita ng killer na mahina ako, baka ako ang puntiryahin niya.

"Ha? Hindi naman ah. Baka naman na imagine mo lang yun, Hahahaha"

Ang hirap pala magpeke na masaya ka.

"Sandali ah, tawagin ko lang si Jeremy at Liane" Sinabi niya sa akin.

Tinawag niya si Jeremy at Liane at pumunta naman sila kumg saan kami nakaupo.

"Guys, nasa paligid lang natin ang killer." Nanginginig kong sinabi.

"Tama ka Angelica." Sagot ni Jeremy

"Huwag na huwag niyong ipapaalam sa iba na tayo ang nakatanggap ng sulat. Hindi natin alam kung sino ang mapapagkatiwalaan at kung sino ang hindi."

Seryosong seryosong nagsasalita si Jeremy. Hindi niya napansin na lumakas na pala ang boses niya.
Sana ay walang nakarinig na iba.

Nagvibrate na naman yung phone ni Jeremy.

"Eto na naman siya"

From: 09128754216

Oo. Nasa paligid niyo lang ako.

"Sht. Narinig niya tayong nag uusap."

Killer's POV

Hay nako, mga bobo talaga sila. Kung akala nila na mahahanap nila ako puwes, nagkakamali sila.
Masyado akong matalino para sa katulad nilang bobo.

Jeremy's POV

"Tatawagan ko siya, at kung kaninong phone ang tumunog, siya na yun." Galit niyang sinabi.






Class SWhere stories live. Discover now