Extreme Condition

457 6 0
                                    

Jeremy's POV

"Kasi mahal kita!!! Mas mabuti nang mamatay na lang rin ako kesa maiwan ako mag isa! I love you Liane!"

"I-i l-love you too Jeremy..."

"Jeremy, hanapin na natin ang susi!" Sigaw ni Zayn na madaling madali

Patuloy kami sa paghahanap at wala parin kaming makitang susi. Kaya namin to. Dapat hindi kami mawalan ng pag asa.

"Isang minuto na lang Jeremy!" Sigaw ni Zayn.

Sht. Kailangan na naming mahanap.

Sa wakas at nahanap na rin namin. Iniwan namin si Ian na nag iisa at binuhat na namin papalabas si Liane. Dali dali kaming lumabas at sakto pag kalabas namin ay biglang sumabog ang kwarto kung nasaan kami kanina.

Sinugod namin si Liane sa pinakamalapit na ospital. Tinawagan narin namin ang magulang ni Liane.

"Sht bro."

"Pare wag ka mag alala. Magiging maayos din si Liane."

"Asaan si Liane!?" Sigaw ng isang babae na pamilyar sa aking boses.

"Si Angelica to! Asan siya!?"

"Angelica! Buti nabalitaan mo. Naka confine siya ngayon. Malala ang kondisyon niya. Tinorture siya ng ating kaklase, isa sa killer."

"Ano!? Sino ang gumawa sa kanya nito?"

"Si Ian." Matipid kong sagot.

"OMG!" Sigaw ni Angelica.

"Pero hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa isang tao. Isang tao na pinagkatiwalaan natin."

"Sino Jeremy!?"

"Si Max. Inutusan ni Ian si Max na dalhin si Liane sa lugar na iyon para sa malaking pera."

"Traydor yang Max na yan. Asan na siya ngayon!? Papatayin ko siya!"

"Patay na Angelica. Pinatay na ni Ian."

Ilang minuto kaming nag aabang sa paglabas ng doktor para kausapin kami. Lumabas na rin ang doktor at kinausap kami

"Kaano ano po kayo ni Liane Atos?"

"Mga kaibigan niya po. Papunta na po ang magulang niya. Kamusta na po siya?"

"Sa ngayon, malala pa ang kondisyon dahil sa aming nakitang resulta sa tests, ang katawan niya ay namamaga dahil sa sobrang init na nakatutok sa kanya. Approximately, 45○C to 49○C ang tinutok sa kanya. Bibihira sa isang tao ang mabuhay pa sa kalagayan na ito. I'm sorry but ang ratio ng mabuhay siya ay 25:75 . "

Sumakit ang dibdib ko. Parang tinusok ang puso ko ng mga sinulid at ramdam ko na parang may pumipiga sa aking dibdib. Ang sakit. Aatakihin na ata ako sa puso.

"Jeremy okay ka lang!?" Tanong ni Zayn

"A-ayos lang ako." Matipid kong sagot.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang magulang ni Liane.

"Asan ang anak namin!"

"Nasa loob po siya. Naaksidente po siya." Sagot ni Zayn na tinatago ang katotohanan.

"SHT!" sigaw ng tatay ni Liane.

Napaiyak na lang ang magulang ni Liane dahil wala silang magawa pero ang hindi ko napapansin ay tumutulo na rin pala ang luha ko.





Class STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon