Chapter 8 (The Debutant)

1.3K 37 0
                                    

....

Abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na pagiging ganap na dalaga na ng iisang anak na si Elisa. Minsan lamang ito magaganap kaya sisiguraduhin nila na magiging maligaya ito.. Lahat ng matataas na tao ay kasama sa mga imbitado ng kanyang ama. Meron pa ngang ibang mga kilala sa industriya.

Dahil paboritong banda ni Elisa ang sikat na sikat na Callalily, hiniling nito na sila ang tutugtog sa kanyang debut.. Mejo hectic ang sched ng mga ito kaya nahihirapan ang kanyang ama na makuha ang mga ito...

Hindi na lamang niya muna ipinaalam sa anak dahil ayaw niyang ma dismaya ito. Meron nmn silang ipinalit na nirekomenda ng isa niyang amigo na taga malayong lugar..

Dahil sa may tiwala ito sa kaibigan niya ay pumayag na din na ito na lamang ang tutugtog.. Maraming magiging bisita at mga personalidad na dadalo kayat madami din ang magbabantay sa mansiyon..

Sa dami ba nmn ng mga kaibigan niya pati na din ang sa ama ay tiyak na magmimistulang isang piyesta sa araw na iyon...

...

Gabi na noon at kinabukasan ay Debut na niya..
Wala pa rin ang kanyang ina. Ang totoo ay itinatago lng niya ang pangungulila sa ina. Lumaki kc siya na malayo ang loob dito. Ni hindi nga nito alam ng una siyang matutong magsalita, lumakad, bumasa, sumulat at lahat ng mga unang nangyari sa buhay niya..

Swerte na lamang niya at nandoon ang kanyang yaya na mula baby palang siya ay nakagabay na sa kanya.. Sagana sa mga materyal na bagay pero nangungulila sa totoong pagmamahal.. Ito na rin ang nagtulak sa kanya upang kalimutan ang salitang love..

Ngunit hindi niya ito maaring iwasan. kusang darating at mararamdaman niya rin ito at ang tanging hiling lamang niya ay nandoon ang kanyang ina, Kahit man lamang sa unang

heartbreak niya... :(

.....

Kinabukasan ay maagang dumating sa knila ang kanyang mga tropa pra tulungan siyang i prepare ang kanyang sarili.. abala silang lahat at pati na rin sa mansiyon...

....

"Pare wake up... big break na ito pare, we need to prepare na bilis bangon na jn.." hila hila pa ang paa ng binata habang pinipilit itong tumayo..

naparami ang nainom nito kagabi kaya nanghihina ang katawan. Nakadapa lang sa kama at ayaw idilat ang mga mata. Nilaksan pa niya lalo ang sounds ng headset niya na nsa tainga at saka muling pumikit..

umiling iling na lamang ang kanyang kaibigan at napawika.."hayy,,, kelan kaya dadating ang babaeng mgpapatino dito?"...

....

Ilang oras na lamang ay mgsisimula na ang celebration. Excited siyang pinagmamasdan ang kanyang imahe sa malaking salamin habang soot soot ang kanyang red long gown na kung titingnan ay mukha tlga siyang prinsesa..

Maingay na din sa labas at unti unti ng nagdadatingan ang mga bisita. My pumasok sa kanyang silid at narinig niyang pinalabas nito ang iba pang naroon na nag aayos sa dalaga.. Lumapit ito sa kanya at sabay niyakap niya ito.

"Anak, my little girl.. Im so happy na dalaga ka na tlga, and Im so sorry kung palagi akong wala sa tabi mo anak. Don't worry babawi si mommy ha kapag may oras ako." sabi ng kanyang ina na nakayakap sa kanya..

Gustong maluha ni Elisa hindi dahil na touch siya sa sinabi ng ina kundi sa pag iisip kung kelan makakabawi ang ina sa kanya at kung kailan ba ito magkaka oras talga pra sa kanya.. Ayaw niyang sirain ang gabi kya pinigil niya ang maluha at tuluyang maiyak..

"At least for this night, be with me and with daddy, you can make me feel happy,maybe.."

....

Nagsimula na ang party.. Isang boses ang tila nanghaharana sa buong bisita. Live music at kahit hindi nila nakikita kung sino ang kumakanta ay alam nilang isa itong professional na mang aawit.. Nagsimula na siyang bumaba sa hagdanan at lahat ng bisita ay nag aabang sa kanya sa baba..

Namangha sila at hindi makapaniwala sa ganda at alindog ni Elisa.. Nagsilapitan sa kanyang ama ang ibang mga lalaki at kumamay dito na tila gustong mkipag close sa kanyang ama.. Napangiti lamang siya sa kanyang nakita..

Ng tuluyan na siyang nakababa ay sinalubong siya ng kanyang ama at kaagad ikinawit ang braso niya sa braso nito.. "You look like your mom but prettier than her. my little girl is now a lady.. Mas dapat na ata kitang paghigpitan sa ngayon ah.." sabay tingin sa mga lalaking naroon sa okasyon..

"Daddy naman, dapat nga malaya na ko ngaun dahil malaki na ko oh at kayang kaya ko na sarili ko."

"No anak, sa nakikita ko sa paligid ay mukhang palagi mo akong pag aalalahanin sa tuwing lalabas ka ".

napa smile na lamang si elisa at maging siya ay nahalata ang reaksiyon ng mga kalalakihan sa loob...

"You are so beautiful tonight''...

musika na naririnig mula sa isang estrangherong boses na lalong nagpapabuhay sa kanilang gabi...

...

nagsimula na ang pagsasayaw at kagaya ng nakagisnan sa isang debut ay mayroong candles,gifts,wines at ang 18 roses kung saan hinihintay ng lahat...

naging masaya ang lahat lalo na si Elisa dahil kompleto ang family niya noong gabi na iyon Hanggang sa my nag request na kung maari daw ay makita nila kung sino ang kumakanta..

Excited si Elisa dahil ang buong akala niya ay si Kean Cipriano ang makikita niya. Hindi nmn kc ngkakalayo ang boses nila. May pagka rockstar din ang dating ng boses nito..

ng lumabas ang lalaking kumakanta at hindi agad napansin ni Elisa sapagkat busy siya sa pakikipagtawanan sa kaibigan.. Ng bigla siyang humarap ay nagkatitigan sila ng lalaking kumakanta at tumutugtog.. Bigla itong napahinto sa pag kanta at halos lahat ng nandoon ay napahinto din.

Animoy naka freeze ang lahat ng taong nandoon. Hindi kaagad nakapag react si Elisa na noon ay sobrang kunot na ang noo pero hindi nmn niya maalis ang pagkakatitig sa lalaki. Nagulat na lamang ito ng bigla na lamang muling kumanta ang binata...

Lookin' at you from a distance
Gettin' all of my attention
Could this be love at first sight, baby
You walked away and I missed you
Visions of wanting to kiss you
How could this be if I don't really know you?
Ohh baby, baby

Dali dali siyang tumakbo palayo sa mga tao na naroon. Tuloy lng ang pag awit ng binata. Nagtataka silang lahat at pti na rin ang mom and dad niya..

Nagsalita sa microphone ang kanyang ama pagkatapos ng isang awit ng binata. Dahil isang magaling na public speaker ang ama ay kaagad nmn niyang nakuha ang atensiyon ng mga tao at muling naibalik sa normal ang kaninang mga gulat na bisita...

....

pabalik balik ng paglalakad si Elisa sa my hardin at animoy hindi alam ang gagawin ng may biglang lumapit sa kanya na mejo tumikhim pa..

.....

Baby NathanWhere stories live. Discover now