Chapter 33

979 13 0
                                    

Sabay na napatingin sa ibaba nila sina Elisa at Nathaniel at doon nakita nila ang nakatingalang si Baby Nathan at papalit palit ng tingin sa kanilang dalawa habang nakakapit sa short ni Nathaniel...

Napangiti si Nathaniel pagkakita kay kulit. Napatingin nmn si Elisa kay Nathaniel at hindi nya alam ang dapat sabihin dito. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula. Kung paano niya ito ipapaliwanag..

Mdami pang mga tanong sa mga puso at isipan nila at kulang ang araw na iyon pra mpag usapan nilang lahat ito.. Umupo si Nathaniel pra mgpantay sila ni kulit. Hinawakan nya ang balikat nito saka nagsalita.. Si kulit nmn ay prang iiyak na at tumitingin sa kanyang mama dahil hindi niya kilala ang lalaking nsa harapan niya...

Umupo nA rin si Elisa at hinawakan ang kamay ng anak...

"anak,makinig ka sa mama... "sabay tingin niya kay Nathaniel..."siya ang daddy mo,yung nsa panaginip mo, yung palagi mong nakakausap.."...

Napakunot ang noo ni Kulit sabay tingin kay Nathaniel..."u are my daddy? Pero bkit mas gwapo ka sa nsa dreams ko?"......

Napangiti si Nathan dahil sa sinabi ni Elisa na siya ang ama ng bata at sa sinabi ng makulit na nilalang na nsa harapan nya.. Binuhat nya ito at pinaupo sa kanyang lap.. Nakaupo na silang tatlo sa damuhan sa itaas ng pool.. Nakatingin nmn sa kanila ang mga tsismosang katulong ng animoy mga teenager na kinikilig sa sulok at nagtutulakan pa.

"baby,hindi na aalis si Daddy,dito na siya sa tabi nyo ni mommy. I will protect you both at hindi ko hahayaan na mapunta si mommy sa ibang lalaki.." sabay tingin niya kay Elisa ngunit ang dalaga naman ay nag iba ng tingin.. Naalala nya yung eksena nila kanina ni Lance...

Bigla nyang naalala si Lance..
"nasaan si Lance? Bigla na lamang siyang nawala. Hindi man lang nagpaalam..."..

Kumunot ang noo ni Nathaniel... "bakit hinahanap mo pa siya, nandito na ko, nakalimutan mo na ba ang mga ginawa nya sa atin?"...

Tinitigan siya ni Elisa..."ano bang ginawa ni Lance? Db wala naman siyang nagawang masama sa atin dahil tinakasan natin siya?,malaki ang naitulong nya sa akin ng mga oras na iniwan mo ako,iniwan mo kming mag ina.. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng malaman kong patay ka na... Hindi ko yun kinaya Nathan,na halos mgpakamatay na rin ako dahil wala ka na.."... Umiiyak na noon si Elisa at napapansin ito ni Baby Nathan dahil nandoon lang din siya..

Humarap siya kay Nathaniel at saka ngsalita..." you hurt my mom?, I hate you for making her cry, you are not my daddy because my daddy loves my mom so much...!!!" galit na galit na wika ni Kulit..

Tinawag ni Elisa ang yaya nito saka inutusan na ipasok muna sa loob si Baby Nathan.. Nagpupumiglas ito habang buhat buhat ng kanyang yaya... Pero naipasok pa rin ito sa loob ng kanyang yaya...

Ngaun ay sina Elisa at Nathaniel na lang ang naroroon..

"Elisa,listen to me... Alam ko hindi biro ang tatlong taon... Tatlong taon ang nasayang dahil sa nangyari,tatlong taon na hindi kita nakasama at hindi iyon nakakatuwa lalo pat tatlong taon akong nakaratay na buogng akala ni dad ay hindi na ko magigising... Pero nagpakatatag ako pra sayo. Lumaban ako pra mabuo muli tayo.. At lalaban pa lalo ngaun na may anak pla tayo... Isa na pla akong ama.." hinawakan nya ang dalawa nitong kamay saka inilagay sa may tapat ng puso niya..."pakinggan mo Elisa,ang puso ko,ikaw lang ang tinitibok nito... Kahit na mukhang may iba ng laman ang sayo..." biglang nalungkot ang boses ni Nathan pagkakasabi nito sa dalaga...

Hinawakan ni Elisa ang mga pisngi ni Nathan saka nagwika...."Nathan, hindi mo alam kung gaano ko kagustong mahawakan ka gaya nito,maramdaman ka,mayakap at mahalikan.. Na pag gising ko sa umaga ikaw ang makikita ko, pero sa pag aakala ko na wala ka na,na patay ka na,pinilit kong kalimutan ka na,pinilit kong buksan ang puso ko sa iba khit tutol ito sa kagustuhan ko.. At yung nakita mo kanina,,siguro kung hindi ka dumating ngaun ay baka...."....

"Elisa please,,kalimutan na natin yun,,dahil nandito na ko,nandito pra sa inyo ni baby,hindi ko kayo pbabayaan.. Magsimula tayong muli.. Pakakasalan kita..."...

"Nathan,hindi ganun kadali ang sinasabi mo. Maraming taong dapat pagdaanan bago mangyari yan..."

Hinawakan ni Nathan ang mukha ng dalaga..."kahit sino pa sila ay haharapin ko mapasa akin ka lamang Elisa,,ikaw at ang anak natin... Walang maaaring mgpahiwalay sa atin..." sabay halik nya sa mga labi ng dalaga na kaagad namang tinugon ng dalaga..

Nagtagal pa itong mga halik at halatang sabik sila sa isat isa... Kapwa sila hingal ng matapos ang mga halik niLa at saka nagyakap ng mahigpit...

"Elisa,uuwi muna ako pero babalik din ako kasama ni papa,hihingin ko na ang mga kamay mo sa iyong ama.. Pakakasala na tayo. Hindi ko na kakayaning mawala ka pa sa akin..."

Nagpaalam muna siya sa dalaga at doon tinungo ang palabas ng bahay nina Elisa.. My ngiti sa mga mata at handa na siyang kunin ang kanyang mag ina...

.....

"oo naman iho,yun lang pla at matagal na naman naming pinaplano yan..dont worry isang sabi ko lng yan kay kumpadre at tyak ang pagpayag nya sa gusto mong mangyari..."...

"salamat dad,,salamat tlga,,at gusto ko ngaun din mismo..ngaun na.."..

Nag uusap ang mag amang sina Lance at Rodrigo.. Sinabi ni Lance na gusto niyang makasal sila ni Elisa tutal maayos naman na dw silang dalawa at mtgal na namang gusto iyon ng knilang mga ama.. Pabor na pabor ito sa dalawang ginoo dahil sa mga negosyo nila..

At ngaung gabi ay pupuntahan na nila ang bahay dalaga pra maisaayos na ang kasalang

Lance at Elisa...
....

....

Baby NathanWhere stories live. Discover now