Chapter 3 || that attitude

7 0 0
                                    

Facebook: Tim grandedios
Twitter: puccholla
Instagram: puccholla

Ang nakaraan:

"M-miss a-ano po kase eh?" Utal na sabi ni roma

Oh my god baka nabagok yung babae?
Kung ano man mangyayare kasalanan lahat iyon nitong dear na to

"Anong nangyare??" Sigaw ng prof.

-------------

"Miss, sali po kayo?" Tanong ni roma sa prof

Sa-sali??, what?? Anong nangyayare, bakit sali? Sali sa away ba ang tinutukoy ni roma?

Nagkatinginan kami nitong si dear (dear ata ang pangalan nya kase yun yung bati sa kanya nung babae) at pareho kaming nagtataka kung anong nangyayare na sa paggitan nung dalawa

"Sige sali ako" sagot ng prof.

Teka ano ba talaga ang nangyayare

Hinawi ko ang mga estudyante na nakaharang sakin para makita ko kung anong nangyayare kay roma at sa gulat ko napapasok ako sa loob ng bilog

"Sali ako" sabi ko sa kanilang dalawa

Tumingin sakin si roma sabay ngiti, ang taba ng utak kung paano makakalusot

"O sige sali ka, next ka pagna-dead si miss" sabi sakin ni roma

Ilang sandali pa ay natalo na ito at ako na ang sumunod, ibinigay nya sakin ang bola at naglaro na ako

Favorite ko talaga itong JACKSTONE, simula pa kase nung bata pa ako ay lagi akong naglalaro nito

Meron pa ngang isang beses na natusok ako sa mata nung bato dahil tumalbog yung bola kaya tumalsik yung bato sa mata ko, mabuti na lang at nakapikit agad ako kaya hindi ako tuluyang natusok

"Ang daya naman, kanina pa yan ah, bakit ang galing galing mo jan, wag mo masyadong karerin teh hindi mo ikakasikat yang jackstone" sabi nung babae sakin kaya napatawa kami at na-dead ako sa laro

"Napaka dupang mo naman, nagpapatawa ka eh"

Sabi ko dun sa babae, pero teka, parang kanina lang nagaaway pa silang dalawa nung babae ah tapos ngayon naglalaro na sila, anong nangyayare?

"Tigilan na yan mamaya na kayo magpatuloy sa laro" sabi samin ng prof.

bumalik kami sa kaniya kaniyang upuan namin at tinago ko naman yung jackstone

Mukang cool tong si ma'am ah, magiging masaya itong buong sem ko panigurado

Umupo naman sa tabi ni roma yung babae na kaibigan ata nitong si dear na ito

Baka nga magkakilala sila at hindi talaga sila magka-away

"Bessy" bulong sakin ni roma na ngiting ngiti na naman

"Ano?" sabi ko rin sa kaniya

"Si leah nga pala short for gal---" hindi na natapos ang sasabihin ni roma dahil tinakpan na ng babae ng kamay ang bunganga ni roma

"Hi beh, i'm leah, nice meeting you" sabay lahad sakin ng kamay nung babae, mabait naman pala sya at pala ngiti rin, acting lang pala yung kanina
"And that guy beside you" sabay turo nya dito kay dear ata ang pangalan nito

"His name is seph, short for stephan chriss guillermo guevarra, masyado kaseng mahaba ang pangalan nya kaya seph na lang tinatawag namin sa kanya"

"Ah seph pala ang pangalan nya, akala ko kanina dear, yun kase ang tawag mo kanina sa kaniya" napatawa naman sila sa sinabi ko, sabay tingin ko dito kay seph pala, maganda pala pangalan nya bagay sa muka nya na mala-anghel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon