Chapter 12: Lipat Bahay time!!

31.6K 496 54
                                    

Cornelia's POV


"There they are! Right on time kiddos!" bati ng tatay ni Andy sabay tayo sa kinauupuan nya.


Kinakawayan nya kami kaya lumapit kami para maupo.


"Nelly, sweetheart, anything you want?" tugon nya sabay abot sa akin ng menu.


Tinignan ko at nagulat ako. Lahat kasi ng nasa menu ay ang mga kadalasan na kinakain ko sa Sweden.


"Yes sweetheart, pinili talaga namin ng mommy mo na kumain sa Swedish restaurant, hope you like it." aniya kaya napangiti ako.


"Thank you Sir. Rakor na lang po saka Princesstarta." pili ko ng pagkain kaya sinenyasan nya ang waiter.


"Oh by the way iha, try calling me Dad." hirit nya kaya awtomatiko kaming nagkatinginan kami ng Andy.

"Nelly iha, remember what weve talked about last night?" biglang singit ni Mama at hawak sa kamay ko. I bit my lip and answered her.


"Uh. Oo Ma."


"So okay lang sayo?"


"Uhhm...."


I looked at them and theyre all watching me. Antay na antay sila sa sagot ko. Napakagat ako sa labi ko at napaisip.


Well mom's been bugging me.. kakaengage lang nila at maglilive in na daw sila ng papa ni Andy.. I told her na ayoko ng sumama at kaya ko naman ang sarili ko kung magisa sa hotel. Ayaw lang nila akong payagan.


"Cornelia?" tawag sakin ni Papa ni Andy para kunin ang atensyon ko.


Napatingin naman ako kay Andy at nagkibit balikat lang sya. Napabuntong hininga na lang tuloy ako. May choice pa ba ko? Mula ng namatay si Pappa, ngayon lang naging masaya ang Nanay ko.


"O sya! Sige na! sige na!" sagot ko nalang sa wakas kaya napatayo ang Papa ni Andy.

"Yes!" sigaw nya.

"See? I told you, sabi ko dito natin sya pakainin eh." bulong pa nya kay Mama kaya umawang ang bibig ko.

What?! Inuto nila ako! Mga walanghiya!


"Welcome home sweetheart." sarkastikong bulong ni Andy sabay nguya ng manok.

Lumabas na kami ng restaurant at nakaparada na ang sasakyan ng papa ni Andy, pagbukas ng trunk, nakita ko na ang mga gamit ko.


"Hey! bakit nandito na agad ang mga gamit ko!?" sipat ko kaya inakbayan ako ni Mama.

"Haha! were gonna force you anyways if you'll say no." hirit nya kaya nanggigil ako.

"Ma naman eh!"


Sumakay na kami sa sasakyan at umuwi sa bahay nila Andy. Bumukas ang pinto and I saw they're Manang's familiar face.


"Sir Fred, Sir Andy welcome back!" salubong nya.

"Mam Caroline at huh? Ikaw si Cornelia?" kunot noong tanong nya sabay turo sa akin.

Lumapit sya kay Andy at bumulong.

"Andy! sya yun dumalaw sayo dati!" kalabit nya dito kaya tumaas ang kilay ko.

Bumulong bulong pa eh narinig ko naman!

"Oo na! oo na! kailangan pa ba iannounce?!" nakanguso kong komento kaya umakbay sakin si Andy.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon