Kabanata 2

10.2K 369 107
                                    

Konting-konti na lang at sasabog na ako sa inis sa kakahintay sa Florentino na iyon dito sa labas. Makakalimutan ko talagang lalaki siya at masasabunutan ko siya ng bonggang-bongga. Malapit ng mag-alas diyes. At hindi ako dapat ma-late sa hiring sa Elite's Group of Company. Kailangang freshness at blooming ako habang ini-interview.

Ilang sandali pa ay may huminto ng isang black na BMW sa tapat ko. Napaangat ang kanang kilay ko nang makita kung sino ang lumabas sa driver's seat. Si Florentino! And he's freaking gay. Chos lang. Oo na. Lalo siyang gumwapo. Tesoyen pa rin. Parang si Edward Cullen na may blush on sa mukha. Chos ulit.

Inismidan ko siya nang ngumiti siya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"God, Purita. I really miss you!"

Limang segundo na lang ay hindi na ako makahinga kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi kita na-miss."

"Gano'n ba?" Napanguso niyang sabi.

Bading talaga. Napatingin ako sa sasakyan niya.

"Nasaan ang girlfriend mo?"

"Ah, bukas pa ang dating niya rito sa Pilipinas. May tinatapos pa siyang design eh."

Isa daw kasing fashion designer sa London ang girlfriend ni Florentino.

"May gagawin ka ba? Pasyal na muna tayo."

"No. May appointment ako today."

"Ano?"

"Mag-a-apply akong secretary sa Elite's Group of Company."

"Sayang naman. Baka kasi bukas wala na akong oras eh. Susunduin ko na kasi ang girlfriend ko at dederetso na kami siguro ng Camiguin Island."

"Nako walang problema. Eh di next time na lang," nakangiti kong sagot sa kanya saka may kinuha sa bag ko.

Calling card ko iyon at ibinigay sa kanya. Nakakunot-noo niya itong tinanggap at binasa.

"Part-time sales representative sa isang rubber company?"

"Oo. Oh di ba? Oh siya aalis na ako ah? Kailangan ko nang makapunta ng maaga do'n eh."

"Ano bang binibenta mo?"

Nakatalikod na ako sa kanya nang itanong niya iyon. Kinuha ko na lang ang isang box ng condom at iwinagayway ito sa hangin. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil sa sobrang pagmamadali ko.

Bago ako pumasok sa main door ng napakataas at napakalaking building dito sa Campuestuhan ay bahagya ko munang inayos ang sarili ko. Napabuga ako ng hangin bago lumapit sa security guard.

Nilapag ko ang aking bag for inspection. Naiinip na ako dahil parang ang tagal naman ni Manong mag-inspect. Eh wala namang ibang laman ang bag ko kundi mga box of condoms lang naman.

"Ang dami nito miss ha?"

"Marami talaga 'yan dahil marami akong kliyente," wala sa loob kong sagot sabay sulyap sa relo sa palapulsuhan ko.

Narinig ko ang pagpalatak niya sa sinabi ko. Ano bang masama doon? Eh marami naman talaga akong kliyenteng kumukuha ng order sa akin. Kaagad kong kinuha ang bag ko saka pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa reception area para magtanong sa isang receptionist na parang kamukha ng ingrown ni Taylor Swift. Chos. Maganda naman siya. Pero wala siyang binatbat sa akin. Hmm, magkano kaya ang sweldo ng receptionist kada buwan? Mas mataas kaya kesa sa secretary?

"Good morning ma'am. What can I do for you?" nakangiting bati niya sa akin.

"Magtatanong lang sana ako kung mas mataas ba ang sahod mo kesa sa secretary dito?"

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now