[27] Lonely Mommy

2K 110 13
                                    

After 1 Week

Jungkook's POV

After that stupid incident between me and Halla, silent mode nanaman siya. Siguro natauhan na, na hindi ko siya gusto. I just treat her like my noona. And yes, alam kong may gusto sa akin si Halla. Hindi naman ako manhid para hindi malaman.

"Daddy Jeon! Checkup day!" OH RIGHT!! SCHEDULE NI MOMMY JEON NGAYON, AND THIS TIME, SANA SABIHIN NA NI TITA KUNG ILANG BABY ANG NASA LOOB NI MOMMY!!

"Good morning, Mommy Jeon!" Masigla kong bati sa kanya.

"Morning too, Daddy Jeon!" Bati niya pabalik sa akin, "Daddy, dalian mo ng mag-ayos diyan! Malelate na tayo sa appointment natin!" She's really excited, and so am I!

Bumagon agad ako, at dali-daling pumasok sa CR.

"Dalian mong mag-ayos Daddy Jeon ah? Maghihintay lang kami ni baby dun sa sala." Nakangiti niyang sambit.

Kingina, nakakabakla mang sabihin pero ang cute niyang tingnan. Shit. Sarap niyang halikan, pero rerespetuhin ko siya at baka maging kambal pa ang anak namin.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng casual kong suot at inayos ang itsura ko. Dapat alluring at charismatic ka pag lalabas ka. Hahaha.

"Pogi mo talaga!" Sabi ko sa salamin, orayt.

*****

"Mommy Jeon, hindi kita masasamahan ngayon sa checkup mo. May urgent emergency kasi na kinakailangan ako dun. Sorry. Promise, babawi ako." Ang labag sa kalooban kong hindi samahan si Mommy Jeon.

She sighed, "Okay. Naiintindihan ko naman. Sige, I'll be going." And she smiled at me, fakely.

Tzuyu's POV

Hays, solo muna tayo ngayon na pumunta kay Tita Jion, okay baby? Busy kasi ang daddy mo.

Pagkalabas ko ng building, pumara agad ako ng taxi.

Pumasok ako, at sinabi yung address ng clinic ni Tita Jion.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko, at nag-selca na lang. Pagkatapos kong nag-selca, in-open ko na lang yung V App ko, at dun nanood ng livestream ng Produce 101. Pwede naman sigurong bisitahin si Somi dun sa set nila, diba?

Pagdating namin dito sa ospital, binayaran ko yung driver at lumabas. Haist, first checkup without Daddy Jeon. Oo, first time. Kahit na nung may away kami, he still insists to come with me, pinabayaan ko lang naman.

Agad akong pumasok sa clinic, at salamat sa diyos kaunti lang ang mga pasyente!

"Mrs. Jeon! Mrs. Jeon, you're next." Right~ ako lang ang Mrs. Jeon dito. Kasalanan 'to ni Jungkook, hindi akin.

Pumasok agad ako sa loob, at dun natagpuan ko si Tita Jion na nakangiti. O..kay? Ba't and weird at parang may something behind her creepy smile.

"Hindi mo ata kasama si Jungkook ngayon, hija? Nasaan siya?" Tanong niya sa akin, as I sat at the chair.

"May emergency daw eh, kaya hindi ko siya kasama. But yeah, that doesn't matter. Okay lang naman kung ako lang mag-isa." I said while smiling.

Lumapit si Tita sa akin, at nilagay yung dalawa niyang kamay sa mga balikat ko. "Pero mas okay kung kasama mo si Jungkook. Baka may mangyaring masama sa inyo ng anak mo. But anyway, ngayon lang naman siguro diba?" Okay, sa tanong na 'yan hindi ako sigurado kung anong isasagot ko diyan.

Baby Jeon ¦ COMPLETEDWhere stories live. Discover now