Three.

157K 1.9K 71
                                    

Tiningnan ko ang suot ko'ng wristwatch. Six thirty na.

Iyon na nga lang yata ang pinaka mahal na item na meron ako. Regalo sakin yun ni lolo nang maka graduate ako ng elementary.

Luminga linga ako sa paligid. Padami na ng padami ang mga pumapasok na students pero hindi ko pa rin makita ni anino ni Shin. Nasa kanya ang mga gamit ko. Hindi ko na sya nahabol kagabi nung umalis sya, kinailangan ko pang harapin yung katulong nila na hindi alam na dumating sya ng may kasama.

Mabuti na lang at sinabi nung bata na kasama talaga ako ni Shin.

Jiro. Jiro yung pangalan nung bata. Eight years old na ito at nagkaintindihan kami kasi marunong naman sya mag english. Dalawa lang daw silang magkapatid, at yung parents nila nasa Korea. Pure Korean sila pero si Shin daw ay matagal ng nasa Pilipinas kaya matatas mag tagalog.

Nagtaxi nga ako pauwi. Hindi ako marunong mag commute at hindi ko din alam kung saan ang lugar na iyon. Masyado'ng malaki ang isang libo para ipamasahe ko, kaya balak ko isoli yung sukli. Ngayo'ng mahirap na kami, tsaka ko lang na appreciate kung gaano na kalaki ang isa'ng libo.

Nag dahilan ako kay mommy na iniwan sa locker yung gamit dahil wala naman kami assignments, which is ikinababahala ko kasi may assignment nga kami sa english. Kainis! Ang malas naman. Unang assignment, mukhang wala pa ako maipapakita.

Ilang sandali pa, nakita ko na yung motor ni Shin. This time, naka jacket na sya ng itim. Nakita ko na sukbit nya na sa katawan nya yung bag ko, kasama ng bag nya. Tumigil sya sa harap ko. Parang nag freeze yung paligid dahil napatigil yung ilang studyante at tumingin sa amin.

"Follow me." Sabi nya, tapos pinaandar ulit papasok yung motor.

Napanganga ako. Ano na naman ba plano ng tukmol na iyon? Kainis!

Ipinarada nya ulit sa gilid ng canteen yung motor nya.

Tumakbo na ako palapit sa kanya. Inilahad ko yung kamay ko para iabot nya na yung bag ko, pero naka tayo lang sya sa harap ko.

"Ui, ano ba? AKin na yung bag ko! Hindi pa ako nakakagawa ng assignment sa English!"

Para lang syang tanga na nakatayo. Hindi nya pa rin tinatanggal yung helmet nya.

Imbes ay kinuha nya yung cellphone nya, nag dial at ini loud speaker. Lalaki yung sumagot.

"Andito na ako. Pumunta ka na." Sabi lang ni Shin tapos pinatay na yung line.

"I don't have time for this. Akin na yung bag!" Mariin na sabi ko.

"Chill ka lang. Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong nito. Medyo ngongo ang dating kasi suot nya pa rin nga helmet nya.

"Hello! First subject ko yung English, at hindi pa ako nakaka gawa ng assignment! Lagot ako!" Sigaw ko na sa kanya.

Bago sya maka sagot , may lalaki na naka salamin ang lumapit sa amin, may inabot na notebook kay Shin. "Eto na."

"Ok. Alis na." Sabi lang ni Shin sa lalaki. Inabot nya sa akin yung notebook. "Heto."

"Ano naman yan?"

"Notebook!"

"Para kang tanga! Alam ko na notebook yan, bakit mo binibigay sa akin?" Galit na talaga ako.

Tumawa lang sya. "Assignment sa English. First subject mo diba? Last subject ko naman yan, at iisa lang ang teacher natin. Gawan mo na lang ako ng bagong kopya mamaya tapos ibigay mo sa akin sa recess." Binigay nya na sa akin yung bag ko.

Tatalikod na sana ako ng naisipan ko na may sukli nga pala yung binigay nya'ng pera. Bumalik ako, tyempo na tinatanggal nya na yung helmet nya.

"A-ano.." Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makita na may sugat sya sa labiat may band aid sa ilong. Yung bukol hindi na masyadong visible."Anong nangyari sayo?" Out of instinc ay natanong ko.

Seducing Bad Boys (Published)Where stories live. Discover now