Chapter 45 : The Returns

266 7 0
                                    

Simon's POV.

Before the accident...

Herah Hotel

Lobby Lounge ...

Ako talaga ang pumili ng hotel na to para makita ang kaibahan nito sa hotel nila Morgan.

Pinag-aralan kung  mabuti ang magiging husband to be ni Morgan. At doon ko napagtanto na sya pala yung suitor na patay na patay sa kanya noon. Ang dating payatot at nasa middle average lang sa buhay ngayon ay  isa nang  multi-billionaire bachelor at kilalang pinakabatang president ng isang Multi-icon Stock-holders sa isang malaking Association.

Namangha talaga sa kabuoan  ng lobby. Hindi lang basta design ang mga palamuti sa walls, sobra g detalyado ang lahat. Ang concept ang ganda at talagang mamahalin ang lahat ng paintings and art works nila.

------

Elevator  Scene...

VVIP Function Halls/ Meeting Room.

Dahil sa VVIP ako pinakita sa akin ng Duty Manager at ang kabuoan ng buong hotel. Pati nga sa mga meeting room nakarating ako.

Noong pababa na kami humabol ang isang babaeng sobrang pamilyar ang mukha sa akin. Doon ko lang napagtanto na ang babae palang to' ay walang iba kundi si Morgan.

Agad ko syang inabutan ng panyo pero di man lang nya ako tinignan.

---------------

VVIP EXIT LOUNGE...

Sinundan ko hanggang sa makalabas ng Lounge si Morgan. Mukhang wala eto sa sarili at iyak pa ng iyak.

Maya-maya nagkakagulo na ang mga security  personnel  at pati nga yung DM na kasama ko nawala na din.

Slow-motion....

Napansin ko na ang parating na Sasakyan sa direksyon  ni Morgan. Nakayuko eto at abalang naghahalungkat sa bag nya at iyak pa sya ng iyak. Di nya alam na nasa kabilang line na pala sya at di sapat sya dumaan doon.

Kaya agad-agad akong tumakbo para mahabol at mahila sya palayo sa parating na sasakyan. Then nagkalat ang gamit nya nang hilain ko na sya.

Napayakap ako sa kanya nang mabuti at ganun na lamang ang pagkakailang namin sa isa't-isa. Ang panget kasi nang pagkakaposisyon namin ee at pagkakabagsak ko sa sahig ee.

Medyo natukod ko nga ang kaliwang kamay kk at nakaramdam ako ng kirot  pero okay pa naman ako.  Sa tingin ko di nya ako nakilala, nakatitig lang sya pero di man lang sya nagsalita.

---------------

VVIP Clinic....

Dahil sa natamo kung galos at parang may konting pamamaga ang kaliwang kamay ko dinala nila ako sa Clinic

Door Slammed...

Natigilan ang nurse na naglilinis ng galos ko. Kaya naman napasilip ako sa may pinto. May nakatabing kasing kurtina ang bawat bed sa clinic kaya kinailangan ko pang sumilip.

Agad akong napatingin  noon sa kay Kenzo. May sugat to sa labi at puro dugo ang mga kamay at damit nya.

Maya-maya at ilang sandali lang. Isa na namang duguan at walang malay ang ipinasok sa clinic.

Kung hindi ako nagkakamali si Tyron yun.

Napabalik na lang ako sa kinauupuan ko nang may pumasok na ulit sa kinaroroonan ko para tignan  ako.

"Hindi naman masyadong malala ang pagkakabagsak ko at wala naman akong nararamdaman bukod sa kirot. Pain relieverang ang ibigay mo sa akin" sabi ko doon sa Nurse then tumango sya.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Where stories live. Discover now