XI Anna

2.2K 30 21
                                    

Hindi niya malaman kung ano ang dahilan kung bakit umalis si Zeke ng walang pasabi sa kaniya, Sinundan niya ito kahit malakas ang ulan, Naglalakad lang si Zeke at pinagmamasdan niya ito, Huminto lang si Zeke sa paglalakad ng may nakita siyang Babae sa sahig, Pamilyar ang babae, Tumayo ito at niyakap si Zeke, Si Althea pala ang babae, Nagyakapan sila at bigla na lang hinalikan ni Althea si Zeke, Hindi niya alam kung pumapatak ba ang luha nito dahil sa ulan pero alam niyang nasasaktan siyang makita niya ang taong mahal niya na nasa piling ng iba. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at huminga ng malalim. "Anna. Kaya mo to." Ito ang lagi niyang pinapasok sa Utak niya kahit hindi ito pinapakinggan ng sarili niyang puso. "Huwag kang iiyak, Huwag kang iiyak." 

Umalis na ito at hindi niya inantala ang ulan, Bumabagsak ang mga patak ng tubig sa buong katawan ngunit manhid na ito sa lamig dahil sa kaniyang nararamdaman. Naiisip niya na bakit siya pa? Ang daming lalaking lumalapit sa kaniya ngunit si Zeke pa rin ang nilalaman ng puso nito. Para siyang baliw na hindi alam kung ano ang Tama at Mali, Para gamit na hindi nasasaktan sa mga nangyayari sa kaniya. Sobra siyang nasasaktan ngayon. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang sariling paa, May nakita siyang upuan at napagdesisyon niya na umupo ito at hayaan ang ulan na alisin ang sakit na nararamdaman nito.

Naalala niya ang una nilang pagkikita kung saan magbabago pala ang pananaw niya sa pag ibig. Pinangako niya sa sarili niya na hindi siya magagaya sa pinsan niya na si Stella na lubos na nasasaktan sa pag ibig pero ang tadhana ang nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang mahalin si Zeke. Sana maramdaman ni Zeke na kailangan siya nito, Sana maisip niya na may taong nasasaktan dahil sa kaniya ngunit lahat ng kahilingan at SANA ay hindi magkakatotoo. Halos sumusuko na ang katawan niya sa lamig na narararamdaman niya. Natawa siya dahil malamig na ang nararamdaman niya sa kaniyang katawan at malamig din ang nararamdaman niya sa kaniyang puso. 

"Anak! Anong nangyari?" Hindi niya namalayan na nakauwi na pala siya sa kanilang bahay, Niyakap niya ang kaniyang Ina dahil sa nangyayari sa kaniya. "Nandito lang ako Anak. Huwag mong sisisihin ang sarili mo sa nararamdaman mo. Hindi mo kasalanan yan." Umiiyak na pala ito habang sinasabi ito ng kaniyang Ina, Ito ang mga salitang gustong gusto niyang marinig na hindi niya kasalanan kung nagmahal siya ng ganito. Hindi niya kasalanan na umasa siya na pwedeng magkaroon ng TAYO. "Mama.." Ito na lang ang nasabi niya habang patuloy ang paghaplos ng Ina sa kaniyang buhok. Nagpalit na ito ng damit at humiga sa kaniyang kama, Nagmamanhid ang kaniyang buong katawan sa nangyari. Wala na ring luha siyang mailabas ngayon kundi nakatingin lang siya sa Kisame ng kaniyang kwarto habang walang maramdaman at maisip. 

"Anak? Saan ka pupunta?" Hindi niya alam na gising pala ang Mama nito. "May pupuntahan lang po ako. Babalik din po ako kaagad." Nagmadali itong umalis at sumakay na ng sasakyan para pumunta kung saan nakita niya si Zeke at Althea na nakikipaghalikan sa isa't isa. Tanga na kung tanga pero kailangan niyang harapin ang dalawa upang magising na siya  sa kahibangan nito. Pagod na siyang magmahal, Pagod na siyang umasa at masaktan. Kailangan na niyang pilitin na gisingin ang sarili niya na malabo mahalin siya ni Zeke. Ito ang iniisip niya habang papunta siya sa sa kanilang dalawa. Nanginginig ang kaniyang buong katawan dahil sa gagawin niya ay para bang may magbabago sa buhay niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari kaya kailangan niya ihanda ang kaniyang sarili. Nandito na siya sa harapan ng bahay habang pababa siya sa sasakyan ay nagkataon na umaalis si Althea sa bahay ng mag-isa. Natahimik silang dalawa at nakatitig sa isa't isa. "Need for a ride?" Ito na lang ang nasabi ni Anna kay Althea at tumango na lang si Althea sa kaniya, Alam nilang dalawa na kailangan nilang mag usap. 

"You want to have a coffee first?" Si Anna lang ang nagsasalita at tumatango lang si Althea sa kaniya, Hindi niya mapigilan na tumingin kay Althea habang nag dridrive siya. Napakalungkot ng mukha nito at parang may iniisip ng malalim dahil hindi namalayan ni Althea na nandito na pala sila sa Coffee Shop. "I want to talk to you." Ito ang saad ni Anna kay Althea at tumingin si Althea sa kaniya. Ngumiti si Althea ng mapait at natigilan siya sa ibinigay na reaksyon ni Althea. "I know you love Zeke but I love him so much. I will do everything to him, Ayaw ng tadhana sa amin kaya kailangan ko siyang layuan. Nakikiusap ako na huwag na huwag mo siyang iwanan ngayon. Alam kong sobrang selfish ko sa request ko pero nakikiusap ako."

Nagulat siya sa sinabi ni Althea sa kaniya, Hindi niya alam ang isasagot niya. May parte aasa na naman siya at may parte na nagagalit siya kay Althea. "Alam mo bang ako ang kasama niya ng umalis ka dito. Alam mo bang ako lang ang nanatili sa tabi niya. Alam mo bang ako lang ang hindi sumuko sa kaniya pero bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang hinahanap niya. Naiingit ako sa iyo. Galit ako sa iyo. Yun ang nararamdaman ko." Ito lang ang nasabi ni Anna kay Althea habang may patak ng luha sa kaniyang mukha. "Alam ko.. Alam kong napakasarili ko para hilingin ito, Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Sobra ko siyang mahal pero may mahal na akong iba, Kailangan niya ako." 

"Ang selfish mo. Iiwan mo na naman siya, Sasaktan mo na naman siya. Pumunta siya sa Australia para sa iyo, Iniwan niya ang lahat para sa iyo pero ano? Iiwan mo na naman siya at ipamimigay mo siya na para bang laruan. Hinding hindi mo na siya makukuha ulit. Hinding hindi mo na siya masasaktan ulit. Hinding hindi ko na rin hahayaan na makita siyang nasasaktan. Sana ito na ang huli nating paguusap. Aalis na ako." Agad ng umalis si Anna sa Coffee Shop habang umiiyak si Althea. Bakit siya susuko ngayon? Kung kailan naunang sumuko si Althea, Lalaban siya. Ipagpipilitin niya ang sarili nito kay Zeke. Oo, Tanga siya pero nagmahal lang siya at gagawin niya ang lahat para makuha niya si Zeke at hindi na makukuha ni Althea si Zeke muli. 

Author's Note:

Sorry!! Sobrang tagal ng update ngayon at lumipas ang isang taon na nawala akong update, Nagsisimula na kasi ang Career ko kaya sobrang busy. Nagkaroon lang ako ng oras para maupdate ko ito. Please bare with me. Thank you.









Desire His ClimaxWhere stories live. Discover now