CRUSH 2

2.1K 81 8
                                    

WEDNESDAY.
8:00AM.

Nandito na ako sa GYM. Palinga linga ako sa left side ko dahil dun ang entrance. Baka sakaling makita ko siya.

Pero pag tingin ko sa right side, OMOO! Feel ko lumaki ng todo ang mata ko at kumabog ng malakas ang hearty ko! Sheez! He's already here! Hihihihi!

Para akong tanga ditong ngingiti ngiti. BUONG BUO na ang araw ko! Omg! Thank God! Hahaha!

"Wear your proper uniform. No uniform, Better leave the GYM now!"sigaw ng P.E professor namin.

Pumunta na kaming lahat sa GYM area dahil magprapractice kami ng Tango. By partner.

'Lord, sana siya ang makapartner ko ngayon. I love you Lord! Thank youuu! Thank youuu!!'

Pasimple ko siyang tinitignan sa gilid ng mata ko. Halos lumundag ang puso ko nung tumingin siya sa akin. I bir my lower lip para pigilan ang sigaw ko. Tumingin pa ako sa ibang tao para hindi ako mahalata.

'Shocks. Omg!'

Ang saya saya ko nung bumaba siya mula sa bench ng GYM tsaka pumunta sa harap ko kung saan yung mga boys.

Pero sobrang nainis ako sa isang P.E prof  nung makita yung crush ko at sinita! Dahil daw hindiiiiii siya naka-P.E Jogging pants! Bumagsak ang balikat ko nung wala siyang nagawa kundi umalis sa linya, at pumunta ulit sa bench.

Nahuli ko pa siyang tumingin sakin kaya kunwari ay inililibot ko ang paningin ko sa buong GYM.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong kinuha niya ang bag niya tsaka umalis na ng GYM!

Feel ko nawalan na ako ng ganang magpractice ngayon. Nawalan na ako ng ganang magpakitang gilas sa sayaw dahil wala siya! Wala ang crush ko!

'Badtriip!! Sasayaw na sana eh!! Andun na eh! Makakapartner ko na sana eh! Huhuhu! Kaso anong nangyari?!! Badtrip talaga tong Prof na to! Naka-P.E tshirt naman siya! Pero di pa makuntento! Badtriiiiiippppp!!!!!'

Walang kabuhay buhay ang katawan kong sumayaw ng tango. Nagagalit galit na nga sakin ang partner ko dahil di ang lamya-lamya kong sumayaw. Hays!

Tumingin ako sa gate ng GYM kung saan siya lumabas.

'Kung sana nandito ka, edi ikaw ang kahawak kamay ko ngayon hindi itong reklamador na baklang to!'

dT___Tb

***

"My heart stops when you look at me."
-unknown

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon