CRUSH 4

1.7K 79 13
                                    

Kayo? Ano ng status ng crush niyo? Share naman ;) Dedication is open.

***

WARNING: KUNG GANITONG GANITO KA SA CRUSH MO, MAIINTINDIHAN MO KO! HUEHUE!

WEDNESDAY.

Meaning..... Makikita ko si crush! Hahaha!

7:45 ang start ng class sa P.E, pero 7:35 palang ay nakapila na ako sa teller para magbayad ng tuition.

Pausod ng pausod ang pila hanggang mag 7:48, at pang anim pa lang ako sa pila.

'Baka nandoon na si crush. Kainis! Ang tagal ng cashier.. Bakit kasi iisa pa lang niya sa counter? Naman oh!'

Someone texted me and it's my classmate from my P.E subject. Sabi niya magprapracticum na daw. So I stood up and left the teller without thinking twice.

Pagkarating ko dun sa gym ay marami ng tao. Pero wala pa siya.

Ilang sandali lang, habang kausap ko yung bakla kong partner ay hindi sinasadyang napatingin ako sa likod niya which is kadadating lang ng crush ko!

Nakita ko pa siyang tumingin sa akin bago siya umupo sa bench.

'Gosh, kinikilig ako... Sobra!'

Inayos ko ang p.e tshirt ko tsaka tumayo dahil pinapababa na kami ng prof namin para magpractice muna bago practicum.

I simply gaze at him. At kusa naman akong napapangiti dahil sa kadahilanang pumasok siya at sa oras na ito ay nakikita ko siya... At nakikita niya ako! Hahahhaa. Assume pa more.

'Makita lang kita ay hindi na magtigil tong kilig sa katawan ko. Hahaha!'

Nanatili akong nakaupo habang sa gilid ng mata ko ay nakatingin ako sa kaniya. Nakita kong tumayo siya tsaka lumapit sa isa naming kaklase.
Nung nakatalikod siya sa gawi ko ay kinuha kong timing yun para humarap naman sa gawi niya. Hahaha!

Nakikita kong nagpapalista siya para sa practicum namin.

"Okay class! dalawang practice pa at practicum na! Baba na kayo." Utos ng prof namin at bumaba naman kami sa bench.

Iritang irita ako sa partner ko dahil walang sawang nagprapractice ito, at ako naman nagpapakitang gilas sa pagsayaw dahil nasa harap si crush.

Kapag titingin ako sa kanya, nahuhuli ko din siyang tumitingin sakin!!! Swear!! Tas nung tinignan ulit niya ako ay hindi ko na mapigilan ang kilig kaya sumigaw ako, at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako nung makita ko siyang tumawa pa na tumingin sakin!!!!

'Shocks. Ang gwapo talaga!'

Nawala ang ngiti ko nung makita kong bumaba sila, tsaka pumunta din sa side namin, ngayon ay may partner na siya. Babae.

Left side ang mga lalaki at right side naman ang mga babae at magkakaharap. So bale, MAGKAHARAP KAMI NI CRUSH!!!

'OMG!'

Pasimple akong ngumiti para magpacute! Hahahahahahahahaha! Malay mo effective! Wahahahaha.

Nagsimula na kaming magpractice at habang sumasayaw ay tingin ako ng tingin sa kanya. Nakikita ko talaga siyang tumitingin sa kin!!! Promise!!

Hindi ko mapigilang ngumiti ng matamis dahil kapag titingin ako ay ganun din siya. Parang kumabog ng bongga ang heartyyy ko at lumundag lundag hanggang langit!

Hanggang sa matapos ang practicum ay nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya.

'Hahahaha!'

Umupo siya sa bench sa right side ko pero medyo malayo. Nagcheck na ng attendance ang prof. Ng tumayo ako ay saktong paalis naman siya ng Gym, ngayon ay nakasuot na siya ng cap.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I bit my lower lip tsaka sumigaw at nagtatalon talon.

'Inilalabas lang po ang kilig ko. Hehehehe.'

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

'Grabee! Sana P.E na lang lahat ng subject ko, para di ka na mawala sa paningin ko.' Hahahahaha!'

***

"I love it when I catch you looking at me."
-unknown

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon