Chapter 1

8.3K 188 0
                                    

AN: O eto na. Pero wag nyong iexpect na parang RKOW din 'to ha na araw-araw yung update. Salitan 'to and yung MLG na iuupdate ko eh. Wag matigas ang ulo, wag makulit sa update ha. Sasapakin ko talaga kayo. Tse!

Tulad ng sabi ko, malayo 'to sa totoong buhay. Basta, bahala na lang kayo kung gusto nyong basahin. Haha.

O sya sige, basa na! Enjoy! Mwah.

=================================

DENNISE' POV:

"Goodmorning Lau." masayang bati ni Valdez  habang papalapit kami ni Laura sa kanya. Tingnan mo 'tong bwisit na 'to, dalawa kami ni Laura na papalapit pero yung kasama ko lang yung binati. Wala talagang modo. Tsk.

Muntik na akong matawa nang lampasan lang sya ni Laura at hindi man lang pinansin. Nagmamadali itong lumapit kay Von, dun sa isa pa nyang manliligaw.

At yun, yung isa, naiwang nakasimangot. Buti nga. Karma yan sa'yo. Bwisit ka kasi sa buhay ko!

"O, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" inis na tanong nya sa akin.

Nakakalokong tumingin ako sa kanya.

"Ako ba yung kinakausap mo?" nakangising tanong ko sa kanya.

"Malamang. Sino pa ba? May ibang tao ka pa bang nakikita dito? Duh!" mataray pa rin nyang sabi.

Tumingin naman ako sa paligid-ligid ko.

"Tsk." narinig ko lang na sabi nya sabay lakad palayo sa akin. Ang pikon talaga.

Dennise-1, Alyssa-0.

"Hoy bruha! Bakit parang baliw ka na naman dyan? Nakangiting mag-isa? Yung totoo, Den, may problema ka na sa utak?" naiiling na sabi ni Ella habang nakatingin sa akin.

"Wala lang Besh, masaya lang ako." nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"For sure, si Alyssa na naman yan." sabi pa nya.

Mas lalo namang lumapad yung ngiti ko.

"Kilalang-kilala mo talaga ako. Sino pa nga ba? Umagang-umaga kasi, nabadtrip ko na naman sya." may pagmamalaki pang sabi ko.

"At ano na naman yung ginawa mo aber?" nakapamewang na tanong pa nya.

"Nagsmile lang ako no!" sagot ko naman.

Nagdududa namang tumingin sa akin yung bestfriend ko. Hay nako, bakit ba ayaw nyang maniwala sa akin?

"Dennise Michelle?"

"Fine. Parang pinagtawanan ko sya nung dinedma sya ni Lau kanina. Sobrang ganda kasi yung smile nya at pagbati kay Lau kanina ng goodmorning, pero waley, hindi sya pinansin nung isa at nagmamadaling lumapit kay Von." natatawang sabi ko. Naalala ko na naman kasi yung itsura nya nung nilampasan lang sya nung kaibigan ko kanina. Ang epic promise.

"Hay, hindi ba sya nagsasawa sa ginagawang yon sa kanya ni Lau? Aba halos isang taon ng ganito yung nangyayari ah. Masokista ba talaga sya?" naiiling na sabi pa ni Ella.

"Hayaan mo sya. Ganyan yung gusto nya diba? Malaki na sya, alam na nya yung ginagawa nya." sabi ko naman.

"Wow Dennise. Kung makapagsalita ka parang hindi kayo magkaibigan ni Alyssa nung mga bata kayo ah. Parang hindi kayo naging super close noon." sabi pa nya.

"Sabi mo nga diba Els, noon. So meaning, tapos na yon. And sino ba yung pumutol ng friendship na yon? Sya diba?" balewalang sabi ko.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon