Chapter 14

4.2K 194 11
                                    

DENNISE' POV:

"Ay o, parang hindi naman galing sa sakit 'tong isang 'to o. Yung totoo, nagdahilan ka lang noon Alyssa no?" hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi ni Myla dahil after kong ihatid noon sa Alyssa sa condo nya, kinabukasan, okay na agad sya. Eto nga o, pumasok na rin sya agad sa office at ang sigla-sigla pa nya.

"Papa'nong hindi magiging okay yan eh ang galing-galing ng nurse nya. Inalagaan sya, with extra care and love pa. Magdamag kayang gising yon para painumin sya ng gamot at bantayan para makasiguradong okay yung pasyente nya." sabi naman ni Ara sabay tingin sa akin ng nakakaloko.

"Ah kaya naman pala. Yun lang pala yung makakapagpagaling kay Baldo. Kaya naman pala kahit putlang-putla na at hinang-hina, nagpasundo pa rin sa atin nung Friday para makita yung taong makakapagpagaling sa kanya." sabi ulit ni Myla.

Ngingiti-ngiti lang naman si Alyssa sa tabi ko. At ako, eto, pinipigilan yung sarili ko na mahalata nilang kinikilig ako lalo na nung naalala ko yung nangyari nung nasa byahe kami pauwi sa condo nya. Naniniwala naman kasi akong totoo yon. Sabi nga nila, ang taong nagdedeliryo, nagsasabi ng totoo. Chos!

"Tigilan nyo na nga yan Myla, Ara. Tingnan nyo si Dennise o, hihimatayin na sa kilig." natatawang sabi naman ng kakapasok lang na si Ella.

Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin kaya bigla akong nagpokerface.

"H-ha? Sinong kinikilig?" patay-malisyang tanong ko sabay inom nung kapeng iniabot sa akin ni Alyssa kanina.

"Sus. Maang-maangan pa Besh? Eh pagpasok ko, napansin ko agad na halos mapunit yang mukha mo sa pagngiti mo. Tapos pulang-pula ka pa. Siguro may nangyaring hindi namin alam no?"

Bigla naman akong napaubo dahil sa sinabi ni Ella. Leche! Mas lalo nila akong tutuksuhin nito dahil sa pagkakasamid ko.

At tama nga ako dahil kakaiba yung ngiti nung tatlo habang nakatingin sa aming dalawa ni Alyssa.

"C'mon Besh. Spill. Ano, kayo na ba?" nakangiti pa ring tanong ni Ella sa akin kaya lalo akong namula.

Oo kami. Nag-i love you sya, tapos nag-i love you too ako so technically, kaming dalawa na. Kaso wala naman sya sa huwisyo non kaya eto, naghihintay pa rin ako.

Hoy, hindi porke nagsabi na kayo ng I love you sa isa't-isa, ibig sabihin, kayo na. Malay mo, pinapaasa ka lang pala nya. Ugh! Ayan na naman yung bwisit na konsensya. Hindi gagawin sa akin ni Alyssa yon no!

"Omygosh! Kayo na nga?!" nanlalaki naman yung mata ni Myla habang nakatingin sa amin.

"Ang bilis mo naman Baldo. Idol na talaga kita. Iba ka! Aba, Dennise Lazaro yata yang nabingwit mo. Isa sa pinakamagandang babae dito sa office." sabi naman ni Ara habang sinisiko-siko si Alyssa.

"Correction Galang, si Michie lang yung pinakamaganda sa paningin ko." nakangiting sabi naman ni Alyssa kaya hindi ko napigilang ngumiti. At etong bwisit kong puso, abnormal na naman yung tibok. Ang dami kasing alam nitong si Alyssa eh.

Hinampas ko naman sya ng mahina sa braso.

"Sira ka talaga kahit kelan Ly. Baka maniwala yang mga yan na tayong dalawa na. Hindi mo naman kasi itinanggi." natatawang sabi ko sa kanya.

"Luh. Narinig nyo yon girls? Yung pagkakasabi ni Den? Aba, kulang na lang iipit nya yung buhok nya sa may tenga nya sa sobrang pabebe nya." nagtawanan naman silang lahat dahil sa sinabi ni Laura kaya inis na tiningnan ko sya. Ang dami nyang alam kahit kelan. Ugh!

"Ang aadik nyo talagang lahat. And for your info, hindi pa po kaming dalawa ni Ly at walang ibang nangyari nung inalagaan ko sya no!" ako na lang yung kumontra sa iniisip nila. Ewan ko ba dito kay Alyssa, hindi man lang kumontra o sumang-ayon nung sinabi nila Ella na baka kami na ngang dalawa. Papa'no, dun lang sya nagreact sa sinabi ni Ara tungkol sa kagandahan ko.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon