Icarus - Seven

6K 107 16
                                    

Day 7

Matapos naming “sabay-sabay” na makapananghalian, naiwang nag-iisa si Jam sa kwarto ko dahil kinailangang umalis saglit nila Papa, Mommy at Daddy. Walang tigil si Jam sa’kin ng pagke-kwento. Hindi naman ako nakakasagot pero tuloy-tuloy lang s’ya, parang ‘di napapagod.

Hindi pa daw s’ya naghahanap ng damit na masusuot para sa graduation n’ya.

Hindi pa rin daw s’ya naghahanap ng sapatos.

At parang hindi daw s’ya nae-excite kahit graduation na n’ya.

“Mas iniisip kasi kita e. Gising ka na kasi --- ay, wait.“ Naputol ang pagsasalita n’ya dahil may kumatok sa aking kwarto. Kasabay ng pagtayo n’ya ay ang pagbukas naman ng pintuan. Amoy pa lang, parang alam ko na kung sinong dumating.

“Hi Janella.”

“Franz…”

“Ano, pare?” sabay tapik ng aking bisita sa braso ko. “Hina mo ‘tol, kotse lang ‘yon, coma ka na d’yan?! Uy, Janella, dito ka na.” Naramdaman ko ngang umalis si Jam sa tabi ko.

“Hindi, dito na lang ako.”

“Baka ikamatay ni Migs paglayo mo sa tabi n’ya.” Nagsisimula nang mangulit si Franz. Ayan na naman ang nakakainis n’yang tawa.

“Sige na,” tatawa-tawa rin si Jam, “para masolo mo s’ya.” Natatawa na lang ako sa isip ko.

“Ay, kadiri ‘yon Janella ha.” Naghalo ang mga halakhak nila. Siguro ay naupo si Jam sa couch.

“Hay nako Migs. Kung sabihin ko kayang liligawan ko si Jam ‘pag ‘di ka nagising? ‘Di kaya magmadali kang bumangon na d’yan, masapak lang ako?” Parang gusto ko na ngang magising mapatahimik lang ‘yong bibig ni Franz. Allergic ako sa tawa nito. “Ikaw kasi Janella e…”

“Ha?” sagot n’ya.

“Binusted mo e. Wawa naman ang Migs.”

FRANZ!

Gusto ko s’yang sawayin!

“Uy, high-tech tong makinang ‘to Migs ah.” Kinakalabit-kalabit n’ya pa ‘ko sa balikat.

 “I’m sorry…” kahit mahina ay narinig ko ang bulong ni Jam. Parang wala namang narinig si Franz.

“Heartbeat mo ‘to ‘di ba? E ang daya pala nito, bakit walang Jam na nagre-register dito sa monitor e s’ya lang naman tinitibok ng puso mo? Yihi!” sabay pilit pa ‘kong kiniliti sa tagiliran. Baliw talaga ‘to. “Tsaka bakit ganito tunog nito? Dapat ano ‘to e… Jam. Jam. Jam.” Pilit n’yang sinsabayan ang tunog na naririnig n’ya. Tanging maliit na tawa lang ang narinig ko kay Jam. “At bakit walang matinong status dito? Broken ‘to e. Broken!” Sabay tapik naman sa may kaliwang dibdib ko.

“Franz!!”

“Oh, relax. Mahina lang ‘yon Janella, upo ka na ulit. Sanay na ‘yang si Migs no.” Naramdaman kong umalis na si Franz sa tabi ko. “Kanina ka pa ba dito?” Siguro’y tinabihan n’ya si Jam sa kinauupuan nito.

“Oo, umaga pa.”

“Baka naman ‘di ka na natutulog dahil sinisisi mo sarili mo ha? Joke lang ‘yong kanina, wala ka namang kasalanan. Bwisit ‘yong driver na ‘yon e, s’ya kaya ma-coma.”

“Hindi kaya…”

“Hala! Maiinis si Migs n’yan kung ‘yan iniisip mo. ‘Wag ka nga. Alam mo, nag-iinarte lang ‘yan. Mamukat mo mamaya gising na ‘yan.”

IcarusWhere stories live. Discover now