Icarus - Eight

5.5K 98 10
                                    

May 08

Dear Hiro,

Ngayong oras na ito, mag-isa akong nakaupo sa himlayan mo. Ipapakita ko sa’yo itong medalya ko. Pati ‘yong diploma ko. GRADUATE NA ‘KO, HIRO! Noon, gusto ko sana na sa araw ng graduation ko, kasama rin kita. Tanda mo no’n? Nasa graduation mo din ako noon? Pero wala e. Sinukuan tayo ng tadhana.

‘Di ba, lagi kong hinihiling noon na sana bisitahin mo ‘ko sa panaginip ko? Napakadalang na mangyari ‘yon; kahit sa panaginip hindi mo ‘ko pinagbibigyan. Gusto ko kasing magkausap ulit tayo.

Alam mo, napaniginipan kita no’ng minsan. Nangyari na nga ‘yong hiling ko,pero sa kakaiba namang paraan.

 

Sa panaginip ko, nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa labas, sa katapat na kwarto ni Migs sa hospital. May hinihintay daw ako pero hindi ko matukoy kung sino. Pero sino lang bang lagi kong hinihintay? ‘Di ba ikaw?

Hanggang sa napalingon daw ako sa kanan, napansin kong nagliliwanag ito ng sobra.

 

“Baby…”

 

 Natigilan daw ako nang marinig ko ang boses mo. Ang boses mo na gustong-gusto ko nang marinig ulit. Ang boses mo na saulong-saulo ko na. Hindi ko magawang malingon ko ang boses mong alam kong nagmumula sa kaliwa ko. Habang nakatitig ako sa liwanang, walang humpay ang naging pagluha ko.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko upang tingnan ka. Totoo ba ito? Hindi ako naging handa. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

 

Kamusta ka na?

Na-miss kita.

Hindi ka na ba aalis?

 

‘Yan ba ang mga dapat kong sabihin?

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa’yo.

Walang nagbago sa’yo, alam mo ba? ‘Yon pa rin ang tingin mo, ang ngiti mo, ang tindig mo.

“H-hiro?”

Unti-unti tayong lumapit sa isa’t isa.

“’Di ba sabi ko bago ako mawala, ‘wag kang iyakin?”

“Sorry..” Pinawi mo ang luha ko at tuluyan na ‘kong napayakap sa’yo. “I missed you…”

“I missed you too, baby.”

“’Dito ka na lang ba?”

Hindi mo sinagot ang tanong ko. “Bago ako umalis, alam kong maluwag sa loob ko na pinapalaya na kita, kasi gusto ko maging masaya ka.”

“Hiro…”

“Palayain mo narin ako…nang sa gayon ay maging malaya ka na rin.” Saglit kang tumigil sa pagsasalita.” Mahal na mahal kita…”

Mas lalo naman akong napaluha. “Hiro, mahal na mahal pa rin kita.”

“…pero kailangan mong maging masaya.”

Pagkatapos mong sabihin ‘yon, biglang nagliwanag ang lahat sa panaginip ko at nakita ko na lamang na naglalakad ka na palayo...kasama si Andy...kasama si Migs.

“Hiro!” sigaw ko. Pinipilit kitang habulin,

“Hiro, ‘wag mo ‘kong iwan ulit!” sigaw ko pang muli.

IcarusWhere stories live. Discover now